CHAPTER 12

54.3K 1.8K 1K
                                    

Psych's POV

Nagising ako mga bandang alas otso na ng umaga. Nag unat ako ng kamay at napansing wala na pala akong katabi.

Bumangon ako at tumungo sa banyo para gawin ang ritual ko sa umaga. Naghilamos ako, toothbrush at nag apply ng ibang facial products para mas maging soft ang skin ko.

Nagpupunas ako ng mukha noong lumabas ako sa kwarto at tinungo ang kitchen.

Napansin kong may nakatakip sa ibabaw ng mesa ko at may sticky note pang nakadikit. Kinuha ko ang note at agad na binasa ito.

I cooked breakfast. Eat it and take care.

-Miss Avery

Napangiti ako sa mensaheng iniwan nito sa ibabaw ng mesa ko. May tinatagong sweetness din pala ang isang 'yon.

Agad akong umupo at kinain ang mga niluto nitong pagkain. Biglang sumarap lalo sa panlasa ko ang scrambled egg at hotdog. Mas lalo akong ginanahan kumain dahil s'ya ang nagluto at naghanda ng mga ito saakin.

Pinark ko ang sasakyan ko at nakangiting lumabas. Masyadong maganda ang bungad sakin ng umaga.

Naglalakad ako ngayon patungo sa klase namin sa West Building dahil may pasok ako kay Professor Hermano sa subject na Literature

Nakangiti akong naglalakad at bumabati pabalik sa mga bumabati saakin at tinatanguan ko pa ang mga ito. Parang kakandidato, ah.

Napahawak agad ako sa dibdib ko noong biglang inakbayan ako ni July.

"Ganda ng ngiti, ah. Sarap burahin." Nakangising sabi n'ya saakin sa nangaasar na boses.

Agad ko itong siniko sa t'yan n'ya at agaran itong dumaing sa harapan ko, sapo sapo ang t'yan.

Binalik ko ang ngising nakapaskil kanina sa mga labi nito at winagayway pa ang kamay ko sa harap n'ya.

"Ciao." Sabi ko sakan'ya at kumaripas na ng takbo.

Kumatok ako sa pinto ng room ni Prof. Hermano at agad naman nitong binuksan.

"You're late, Miss Lerson." Mabilugang boses na sabi nito saakin.

"Pasensya na po, Sir. Traffic." Kakamot ulong sabi ko sakan'ya at dumiretso na sa upuan ko.

"So, prior to your Midterm Project, I want all of you to create a poetry, which you will dedicate it to someone na kung saan, ibibigay n'yo rin ito sakanila para may thrill." Sabi n'ya saamin na akala mo ang dali daling gumawa ng isang piece.

And what? Ibibigay sa kung kanino mo dinidedicate ang tula?

"Any genre will do. Class, make sure to take a picture after n'yo ibigay ang poetry sa taong pagaalayan n'yo nito. This will be submitted 2 week from now, after Miss Lerson's Game." Nakangiting sabi pa nito saamin at itinuro pa ako pertaining my upcoming game next week.

Pinagpatuloy n'ya ang discussion at nawala nanaman ang isipan ko sa klase matapos kong tumingin sa bintana.

Ang ganda ng kalangitan ngayon. Napakamaaliwalas. Ang sarap siguro sa feeling 'pag nasa ulap ka, 'no?

Biglang nagflashback 'yung nangyari saakin kagabi. It happened so fast. Hindi ko akalaing makakatabi ko ito sa pagtulog.

Napatawa ako sa isipan ko nang mapagtantong parang nasa cloud 9 pala ang feeling ko kagabi.

Napabuntong hininga ako dahil lumalalim na itong nararamdaman ko para sakan'ya.

Paano ko ito iiwasan, eh, ito na mismo ang pasulpot sulpot sa kung nasaan man ako.

Collided Souls (TeacherxStudent)Where stories live. Discover now