CHAPTER 5

59K 2.2K 1.5K
                                    

Psych's POV

"Bye, mom. Bye, dad." Paalam ko sa kanilang dalawa sabay halik sa pisngi nila. Aalis kasi ang mga ito papunta sa New York para magbakasyon. 

Pumasok ako sa bahay namin at napabuntong hininga nalang. Sunday ngayon at bored na bored na ako rito. Wala pa 'yong mga magulang ko.

Biglang nag ring ang cellphone ko. Si July tumatawag.

July's Calling...

Sinagot ko na ito dahil baka importante ang sasabihin n'ya.

"Captain! Libre kaba ngayon?" Masiglang bungad n'ya matapos kong sagutin ang tawag.

"Bakit? Ano nanaman ba ang kalokohan mo, Hulyo?" Sagot ko na may pangaasar sakanya. Ayaw na ayaw kasi nito na tinatawag s'yang Hulyo dahil nagtutunog lalaki raw.

"Baliw! 'Wag mo nga akong matawag tawag na Hulyo, Rid. Cringe!" Nandidiring sabi n'ya na tinawanan ko lang nang malakas.

"Ano ba kasi ang kailangan mo?" Tumatawang tanong ko sakan'ya. Di pa rin kase ako makaget-over sa reaksyon nito.

"Naalala mo ba 'yong pinsan kong si Sari? 'Yong patay na patay sayo." Tanong n'ya saakin. Naaalala ko naman 'yong pinsan n'yang baliw. Isa rin 'yon sa mga stalkers ko. Mabuti nalang, eh, magkaiba kami ng pinapasukan.

"Oh, ano naman ang kinalaman ng pinsan mo?" Bored na tanong ko sakan'ya. Pakialam ko ba sa pinsan n'ya.

"Tanga! May party mamaya sa bahay nila. 7 pm,  Capt. Oh, ano? G?" Biglang nabuhay ang dugo ko sa sinabi nito saakin.

"K." Sabay baba ng tawag dahil kailangan ko pang mag beauty rest para mamaya. Baka sakaling makabingwit ako mamaya ng papi.

...

I woke up and it's already quarter to 6. I decided to take a bath first and prepare my things. I chose a simple backless dress revealing my sexy back.

Palabas na 'ko sa room noong napadaan ako sa harap ng salamin.

"Beautiful!" I utter plastering a sly smile.

Bumaba na ako sa hagdan at nakasalubong ko si Nanay Ara.

"'Nay, kayo na po muna ang bahala rito, ha? Babalik po ako mamaya." Paalam ko sakan'ya. Tumango lamang ito at sinabing mag ingat daw ako.

Pinaharurot ko na agad ang dala kong kotse, which is a Chevrolet Camaro ZL1. Bigay nila Mommy saakin noong nag21 ako.

Marami na ang mga nakaparadang sasakyan noong dumating ako. Mukhang engrandeng party ata ito.

"Riiiiid, my babyyyy!" Tiling sigaw ng isang babae noong makapasok ako at papalapit na nga ito saakin. Agad ako nitong dinambahan ng yakap at amoy ko rin ang pabango nito na ang sakit sa ilong.

"M-miss? P-pwe-de bang u-uma-lis ka sa pag ka-kakayakap sa'kin?" Nahihirapan kong bigkas dahil masyadong mahigpit ang yapos nito.

"Oh, I'm sorry, baby." She flirty said then release a giggle.

"Sari?" Hindi ko siguradong tanong, dahil matagal tagal na rin naman ang huli naming pagkikita. 'Twas way back High School.

"Yes! You remember me? Sabi na nga ba't 'di mo ako malilimutan, eh." Masayang pahayag n'ya sabay lingkis ng kamay nito sa braso ko.

Inakay n'ya ko papasok sa loob ng mansion nila. Pinakilala rin ako nito sa mga kaibigan n'ya at tanging puro tango at ngiti lang ang ginagawa ko.

Naaalibadbaran na ako sa pagiging clingy n'ya saakin. Napapagod na rin ako kakaikot. Nasa'n na ba kasi ang babaitang si July?

Collided Souls (TeacherxStudent)Where stories live. Discover now