CHAPTER 37

51.1K 1.9K 1.7K
                                    

Psych's POV

From: Coach Aiver

Meet me outside the Gym at 9 AM, Rid.

Coach Aiver texted. After ko mabasa ang message n'ya, ibinalik ko sa bulsa ang phone ko at tiningnan ang mga damit na nakalatag sa kama ko.

Nandito ako ngayon sa bahay. Umuwi ako to tell my parents na I've decided fo accept the offer and play in the other countries. I'm excused by the Sports Committee at nagpadala na sila ng sulat sa Dean at inaprobahan naman agad nila ito.

Napabuntong hininga ako at lumapit sa kama ko. Ngayon ang alis ko papuntang Thailand. Doon kasi nabebase ang training namin for the International Games. Atlas is also gonna be there kaya napanatag ang loob ko na may kakilala ako.

It's been a week na noong nagdecide ako. Dito ako tumira sa bahay dahil I'm pretty sure na mamimiss ko sila mommy and daddy. Alam ko namang manonood sila pag naglaro na kami, pero iba pa rin pag nasa bisig ka ng mga magulang mo bago ka umalis.

Isa isa kong niligpit ng maayos ang mga damit ko at maayos na nilagay sa loob ng maleta ko. Dala-dala ko rin ang duffel bag ko para sa training na magaganap.

Napatingin ako sa pinto noong marinig ko na may kumatok rito. Hindi na akong nagabala pang tumayo dahil alam kong si mommy ito.

"Baby, can I come in?" Sabi ni mom.

"The door is unlock, mom." I shouted.

Pumasok ito at marahan akong nginitian bago isara ang pinto.

"Are you excited?" Nakangiting sabi n'ya habang papalapit saakin.

Tumango tango ako sakan'ya at ngumiti ng tipid. I know, hindi dapat ganito ang reaksyon ko pero, hindi kayang magdiwang ng puso ko sa saya kung ang rason ng pag alis ko ay ang pag iwas ko.

"Baby, what's wrong?" Tanong ni mommy saakin ng may pagalala.

Umiling lang ako at pinagpatuloy ang paglagay ng mga gamit ko sa loob ng maleta.

"Rid, you know you can tell me." Sabi nito.

Bakas sa mga mata at mukha nito ang pagalala. Alam kong hindi ako titigilan ni mommy hanggat hindi nito nalalaman ang problema ko. Hindi pa ito ang tamang oras pasabihin sakanila ni dad ang nararamdaman ko at ang pagbabago ng sekswalidad ko at ang dahilan pa nito ay ang guro ko.

Nginitian ko ng tipid ang mommy ko at hinawakan ang kamay n'yang nakatukod sa kama ko.

"I'm okay, mom. Dont worry, okay? Rid ata 'to." Sabi ko sakan'ya at tumawa pa ng mahina para mapanatag ang loob nito.

Tumawa rin ito at marahan na hinaplos ang mukha ko. She look at me lovingly and smile.

"I never imagined that my only baby is a grown up woman now. I want you to focus on your goal, Rid. Play like a legend and show the world how great you are as a player." She said while cupping my face.

Maluha luha akong tumango sakan'ya at agad na niyakap s'ya ng mahigpit. Naramdaman ko ang paghagod ng kamay n'ya sa likod ko at ang paghalik nito sa tuktok ng ulo ko.

"I will, mommy. I'll make you and daddy proud of me." Maiyak iyak kong sabi sakan'ya.

Tumawa nang mahina si mommy at inayos ang pwesto naming dalawa. I'm such a baby when it comes to my parents.

"Shh, you always makes us proud, Rid. You've done enough to prove yourself. As our child, you've been hustling your life to reach this, and opportunity knocks on your door. Kaya, magsaya ka sa paglalaro at pagbabakasyon mo sa Thailand, okay? Mommy and daddy will visit you there." Mahabang litanya n'ya saakin kaya napaiyak na 'ko ng tuluyan.

Collided Souls (TeacherxStudent)Where stories live. Discover now