CHAPTER 22

48.7K 1.8K 1.4K
                                    

Psych's POV

"Hmmm"

Nakaramdam ako ng mahihinang tapik sa pisngi na nagpagising saakin. Onti onti kong iminulat ang mga mata ko at nakita ang pinakamagandang babae na malumanay na nakatingin saakin. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako rito sa couch n'ya dahil sa lalim ng aking pagiisip.

Hinay hinay akong napabangon mula sa pagkakahiga at lumayo naman ito ng konti saakin.

Tiningnan ko ang relo ko at nakitang 3:30 PM na ito. Mahigit isang oras pala ang naitulog ko at trenta minutos na pala ata itong nakabalik dito sa opisina n'ya.

"Kanina ka pa po ba?" Tanong ko sakan'ya habang kinukusot ang mga mata ko.

Nakita kong naglakad ito sa katabi ng couch na inookupa ko at doon napiling umupo at tiningnan ako.

"Not really, I arrived here awhile ago and you were peacefully sleeping in my couch." Sabi n'ya at tumayo. Napatango tango naman ako dahil sa sinabi n'ya. So, pinagmasdan ba n'ya ako kanina pagdating n'ya?

Naglakad ito papunta sa table n'ya at niligpit ang mga gamit n'ya. Nilagay n'ya ito sa cabinet n'ya at ibang folders sa isang shelve. Napakaorganized talaga n'ya.

"Aalis kana po?" Natatarantang tanong ko sakan'ya noong makita ko itong naglakad papalapit saakin bitbit ang bag n'ya.

"Yes, why? Aren't you going home, too?" She confusedly asked while furrowing her perfect brows.

Tumayo ako sa harap n'ya at humugot ng napakalalim na hininga. Namamawis na ang kamay ko sa kaba sapagkat, 'di ko pa rin alam kung paano ko ibibigay sakan'ya ang tula.

"Uhm, I-I n-need to g-give you s-something." Kinakabahang sabi ko sakan'ya. My thoughts are rambling in my mind.

She's looking at me, as if she's saying "What is it?"

Kaya tumikhim ako sa harap n'ya at ilang beses napalunok para mawala ang kabang nararamdaman ko.

Kinuha ko ang bag ko sa couch n'ya at kinuha ang dilaw na sobre na naglalaman ng piece na ginawa ko. Iba ito sa kaninang ginamit ko sa pagpresent.

The poem that I wrote for her is inside of this yellow envelope. Nilagay ko ito rito para ipaalam sakan'ya na kung gaano ito ka espesyal saakin.

Nakasunod lamang ang tingin n'ya saakin at tumingin nga ito sa kamay ko na hawak ang isang dilaw na sobre.

"Remember earlier? About the poetry that I presented?" I asked her after I release a deep sigh.

Nakita ko itong tumango at tinignan ako sa mata saying na magpatuloy ako sa pagsasalita.

"I wrote this for you, Ma'am." I confidently said to her after regaining myself for a couple of seconds. It's now or never, Rid.

Ibinigay ko sakan'ya ang hawak kong sobre at nagalangan pa ito kung kukunin n'ya o hindi.

Nilakasan ko ang loob ko para humingi ng isang litrato kasama s'ya para may maipakita ako mamaya kay Prof. Hermano.

"Ah, before you read it again, Ma'am, personally. Pwede po ba tayong magpicture for proof na naibigay ko sa inyo 'yan?" Puno ng pagasa ang mata ko na sana pumayag ito. Hindi pa rin mawala wala sa dibdib ko ang kaba dahil hindi pa rin ito umiimik matapos kong ibigay ang sobre.

Tumango naman ito saakin kaya lumapit ako ng kaonti sakan'ya at itinaas ang phone ko for a selfie. Seryoso lamang ang mukha nito at parang nagiisip.

"Thank you po, Ma'am" Sabi ko at pilit na ngumiti para pagtakpan ang hiya at kabang nararamdaman ko.

Nakatingin pa rin ito saakin ng blangko na wari mo'y isa akong statwa. Napagdesisyonan ko ng umalis dahil wala naman na itong balak pang magsalita.

Collided Souls (TeacherxStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon