"Stressed nanaman si honey today ah."

"Ano bang gusto mo Falco?!"

"Ikaw."

"Mga banat mo nakaka bwisit!" Singhal ko bago ko kunin yung phone ko at nag download ng Wok Of Love episode sa phone ko.

"Gusto mo ba mag soju tayo habang nanonood ng Wok Of Love? Tutal, sabado bukas at wala naman tayong kailangan gawin na school works." Pagyaya niya na ikinabuntong hininga ko.

"Sige. Game."

Natasha's POV

Gabi na at naglalakad ako mag isa ngayon. Oo, kumuha ako ng pera sa bank account ko since nag iipon naman ako ng pera para sa pangangailangan ko.

Nakatayo na ako sa isang gilid at nagbabasakali na makakasakay ako ng taxi man lang or jeep. Pero kinakabahan ako, baka kung sino yung madadaanan ko na loko loko na balak manggahasa saakin or worse.

"Hi. Ikaw pala si Natasha?" Tanong ng lalaki sa gilid ko na ikinalingon ko.

Si Wester?!

"Yeah." Sagot ko at umiwas lang ako sakanya ng onti.

There's something off with him. Ang lagkit kasi ng tingin saakin eh. Ang creepy!

"Uuwi ka na diba? Gusto mo sabay na tayong umuwi?"

"No thanks. Kaya ko naman mag isa eh." Pagtanggi ko.

"I insist. Sumama ka na saakin." Sambit niya habang linalapitan ako.

"No. Please, okay lang ako."

"Sumama ka na lang saakin Natasha." Pagpilit niya habang hinihila ako palapit sakanya.

"Ayoko nga."

"Sasama ka o sasama ka?!" Sigaw niya saakin habang tinututukan ako ng kutsilyo kaya kinabahan ako lalo.

"Wester, wag please. Ayoko pang mamatay." Magmakaawa ko habang nanginginig sa takot.

"Do you love your life? Sumama ka saakin!" Sigaw niya.

Hindi ako mapakali, nanginginig ako sa takot. Naiiyak ako. Help me please.

"Halika!" Paghila niya saakin kaya sumunod ako sakanya.

Maya maya, sinandal niya ako sa pader at naiiyak na lang ako nang tinututukan ako ng kutsilyo ni Wester.

"Wester, tama na please. Gusto ko nang umuwi, wag mo kong patayin." Magmakaawa ko na naiiyak na ng sobra.

"Too late. You fell right into my trap." Sambit niya kaya diniin niya ako sa pader at tinutok na saakin yung kutsilyo.

"WAG!!! PLEASE!!! AYOKO PANG MAMATAY!!! TULONG!!!! TULUNGAN NIYO AKO!!!"

"Save your last breath Natasha." Sigaw niya.

Akmang sasaksakin na ako ni Wester nang may sumuntok sakanya ng napakalas.

"WALANG HIYA KA WESTER!!!"

Might?!

Kitang kita ko sa mata ni Might yung galit nang makita si Wester at patuloy tuloy niya itong sinapak.

Sasaksakin dapat ni Wester si Might.
Ngunit, umilag agad si Might at agad agad niyang tinuhod yung kamay ni Wester na naging sanhi ng pagkabitaw niya sa kutsilyo niya.

Hinawakan ni Might yung ulo ni Wester at inumpog niya ito sa pader kaya nawalan siya ng malay.

Nakahiga na si Wester, pero sa sobrang galit ni Might, paulit ulit niyang sinusuntok yung mukha ni Wester hanggang sa punong puno na ng dugo yung pagmumukha niya.

"Might!! Tama na!!" Sigaw ko kasabay ng pagyakap ko sakanya.

I feel safe pag kasama ko si Might. Yung pagiging troublemaker niya, is one way of protecting me from any harm.

"He's still breathing. Let's get out of here." Sambit ni Might bago tumayo at hinila ako palayo kay Wester.

"Natasha, are you alright?" Tanong niya habang yinayakap ako ng mahigpit, kaya doon na ako humagulgol ng sobrang lakas dahil sa takot.

"Shh... it's okay. I'm here, Natasha. You're safe now."

"Might... akala ko mamamatay na ako... thank you sa pagligtas mo saakin ha?"

"I won't let anyone harm you Natasha." Sambit niya bago ako halikan sa labi kasabay ng pagpunas niya ng mga luha ko.

"Let's get you home Natasha."

"Wait..."

"What is it Natasha?" Tanong ni Might.

"Pwede mag overnight sainyo Might?" Tanong ko na ikina-ngiti niya.

"Sure. I have extra clothes just for you. Although it's my clothes, you can wear it." Sambit niya na ikina-ngiti ko.

"Tara?"

"Yeah."

Family WarWhere stories live. Discover now