Tapos magpapahiya ka na lang ng mga estudyante ng wala sa oras kahit wala naman silang ginagawa sayo. Gusto ko na lang maging kriminal pag nakikita ko yang pagmumukha mo.

Napansin ko rin kay Sakura na halatang ayaw niyang makita si Miss Minchin pati yung estudyante na kasama niya.

"Before we start, let my daughter introduce herself because since she will be your new classmate." Sambit ni Ma'am bago nagpakilala yung anak niya.

"Hi everyone, I'm River Annalise Reyes, the daughter of my lovely mom, Kalea Balmores - Reyes."

"You may take your seat anak."

"River! Tabi tayo!" Pagyaya ni Jade na ikinasunod ni River.

"Sakura! I didn't expect to see you here!"

"Hello po Tita..."

"Anyways class, may I ask kung may pinapagawa sainyo si Sir Roy na assignments or activities?" Tanong ni Ma'am.

"Wala po ma'am." Sagot ni Aarah.

"Sure? Kasi may iniwan saakin si Sir na activities eh. Kaya you can get one and pass, as you receive your paperwork, you can start." Sambit ni Ma'am bago pinaabot saamin yung mga papeles.

Yan yung nakakainis kay Ma'am eh! Pag sinabi naming walang pinapagawa si Sir saamin, tsaka na lang siya dadagdag ng gawain para ma stress kami eh! Kapag hindi pa tapos aabot ng siyam siyam?! Sinasayang niya oras ko eh.

"Ma'am..." Paglapit ng isang kaklase namin sakanya.

"Ma'am, sorry to tell you this po, pero there are most questions po na wala po sa tinuturo ni Sir Roy."

"You did not read enough if you don't know the answers! Stupid!"

Wow! Kung makasabi siya ng stupid sa kaklase namin, akala mo siya yung pinakamagaling!

Napatingin na lang ako sa questions at potek! Pati ba naman yung pagiging adik ko sa K Drama, dinadamay ni Ma'am sa mga examples!

"Magkasing adik ba ang mga K Drama fans at mga drug addict tulad ni Arianna? Aba'y namemersonal na to ah!" Mahinang sambit ko na naiinis.

"Miss Apolinario! May problema ba?!" Tanong ni Ma'am saakin na nakataas ang kilay.

"Wala po." Sagot ko bago tumingin sa papeles ko.

"Wala? Eh bakit napipikon ka sa pinapagawa ko?! Dahil ba andoon pangalan mo?! Don't make it such a big deal! It's only a question!"

My anger issues couldn't handle this b***h! Gusto ko nang mambara sa totoo lang!

"The reason why I wrote those questions to let you know that I'm so disappointed to most of what you have become. Especially you Sakura! Ang lakas ng loob mong mang rebelde sa Mommy mo dahil lang lumayas yung Daddy mo?! You're so ungrateful!"

Napansin namin si Sakura na naiiyak na sa sinasabi ni Ma'am Kalea at tumakbo na lang ito palabas ng classroom.

"Sakura!" Pagsunod ni Logan sakanya, tas sumunod na rin si Aarah at Evander sakanila.

"Serves her right." Inis na sambit ni Ma'am Kalea.

"Di porket dismayado ka kung ano kami, may karapatan na kayo na ipahiya kami?!" Pagsagot ko sa gurang na Teacher na ito.

"So may problema ka nga Miss Apolinario!"

"Oo! Ano bang nagawa namin sayo para ipahiya mo kami ng ganun ganun lang?!"

"Aba, walang ugali tong babaeng to ah!"

"Eh ano naman sayo?! Proud manlalait?! Tanungin mo nga sarili mo kung bakit halos lahat kami dito, inis na inis sayo! Masyado kang pakialamera sa mga buhay namin eh!" Pagbara ko.

"At paano mo naman nasabi na nangingialam ako sa mga buhay niyo?!"

"Gamit ang bibig! Alangan naman gamit ang paa!" Pag pilosopo ko.

"Tsaka alam ko naman na may sipsip diyan sainyo kaya nagbabait baitan ka lang sa estudyanteng yan eh!"

"Do you dare talk to my mother that way?!" Pagsabat ni River saakin.

"Hindi! Ganito ako makipag suntukan sakanya! Alam mo naman kung ano yung ginagawa ko diba?!" Pagpilosopo ko ulit sa bwisit niyang minion.

"Kaya naiinis si Ma'am sainyo eh. Napaka wala niyong respeto!" Pagtanggol ni Jade sa dalawang gurang.

"Ang tanong, rinerespeto niya ba kami?! Hindi naman binibigay yung respeto diba?!"

"Don't play smart Arianna! Halata ka na! Napaka walang galang mong babae!" Pagsali din ni Lucille na mukha pa rin Barney.

"Eh ano naman sainyo?! Sipsip?! Papansin?! Bida bida?!" Pagtanggol ni Falco saakin.

"Mr Sy! Sit down and do not interfere!" Inis na sambit ni Ma'am Kalea.

"Ma'am, with all due respect ha! Sa tingin mo ba gaganahan yung mga estudyante mag aral kung mismong guro nila ang naghihila sakanila pababa?! Diba dapat ang guro ang nagsisilbing tulay para maganahan yung mga estudyante na magsipag sakanilang pag aaral para maabot nila ang mga pangarap nila?! Eh ano itong ginagawa niyo?! Pumipili lang kayo ng mga estudyante na magpapa sipsip sayo tas pag sila ang may kasalanan, pagtakpan niyo mga kasalanan nila!" Pag real talk ni Falco.

"So paano mo nga nasabi na hinihila ko sila pababa?!"

"Hindi mo naman ginagamit yung paa niyo para sabihin yan sakanila diba?! Ma'am, real talk ah! Masyado niyo na kaming ginag**o!" Pagbara din ni Falco.

"Lumabas na nga kayo!"

"Lalabas kami! At sisiguraduhin ko na ipatatalsik kitang gurang ka! Isama mo na din yang mga minion mo na panay tanggol sayo!" Pagbara ko bago ko kunin yung mga gamit namin ni Falco at umalis sa classroom.

"Bwisit!"

"Halata nga!" Pag sangayon ko sa sinabi ni Falco.

"Mapapatalsik natin yan." Sambit ni Falco bago ipakita yung phone niya saakin.

"Anong magagawa yang phone mo?!" Tanong ko.

"Kung hindi mo lang alam, I secretly recorded every single details sa sinabi ni Ma'am Kalea sa bawat isa saatin. Ipapa alam ko ito sa president ng school at sigurado akong mapapatalsik na rin si Ma'am Kalea for now on." Pagpaliwanag niya na ikina-ngiti ko.

"Unpredictable ka talaga... honey."

"As always." Sambit ni Falco bago ako kargahin.

"HOY! IBABA MO AKO!" Sigaw ko at bigla na lang ako napakapit sa leeg niya.

"Ayoko nga."

"Potek naman Falco oh!"

Lovi Poe as Kalea Balmores - Reyes


Family WarWhere stories live. Discover now