Chapter 71: Scarlett Plan

Magsimula sa umpisa
                                    

Kinuha ko ang cellphone ko sabay dialed sa number ni Min. Agad naman niya itong sinagot.

"Yes, hello!" wika nito

"Pakisabi sa kanila manood ng mabuti sa laptop, dahil magsisimula na ang plano," saad ko sa kanya

"Don't worry, nang makaalis ka agad silang nakatingin sa laptop," saad nito

"Good. Min pwede mo bang tingnan kung nasaan sila ngayon?" wika ko sa kanila

"Wait ate tingnan ko,"

"Okay"

Habang naghihintay sa kanyang sagot, sakto namang nakapark na ako sa labas ng Mall.

"Scarlett!" wika ng nasa kabilang linya

"Nasa bookstore silang lahat," wika nito na ikinangisi ko bigla. Sakto doon ang punta ko.

"Salamat Min, tawagan na lang kita mamaya. I need to do my plan now, bago sila makaalis ng Mall," sabi ko sa kanya

"Okay, goodluck sis."

"Thank you."

Agad kong pinatay ang tawag sabay labas ng kotse. Kinuha ko ang black shade ko, sinuot ko naman ito papasok ng entrance.

"Good morning ma'am," bati sakin ng guard

Nginitian ko naman ito." Good morning din po," magalang kong sabi

Naglakad na ako papasok ng Mall. Ang una kong hinahanap ay ang bookstore. Nasa itaas ito kaya naman sumakay na ako ng scalator (diko alam spelling).

Binilisan ko na ang aking paglalakad at nagtungo na sa bookstore. Nasa labas palang ako nakita ko na silang lahat. Naghahanap sila ng mga mababasahing aklat. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Pumasok na ako sa loob, dahil sa akin ang bookstore na ito, kilala na ako ng mga sale's lady dito.

"Good morning miss Han. Mabuti naman po at bumalik ulit kayo," bati ng mga ito kaya naman napalingon ang grupo nila Cloud sakin. Hindi ko sila pinansin bagkus nakipagusap ako sa mga sale's lady.

"Nabitin kasi ako sa mga binili kong aklat dito, kaya naman bumalik ako para bumili ulit," nakangiti kong sagot

"Ahm, nasaan po pala si miss Mae? Hindi niyo po ba siya kasama?" nang bigla nitong pagbanggit sa pangalan ng kambal ko, napansin kong napatingin si Cloud sa labas.

"Abala kasi siya ngayon kaya naman hindi ko kasama. Pero nagpabili din siya ng aklat sakin, heto nga ang mga lista na bibilhin ko. Pwede mo ba akong tulungan sa paghahanap ng mga ito?" sabi ko sabay lahad sa kanya ng listahan

"Sige po ma'am. Sundan niyo lang po ako," wika nito

Sinundan ko naman siya. Sakto dadaanan ko ang grupo nila.

"Shane, may history ba kayo dito tungkol sa Joseon Dynasty?" bigla kong tanong sa kanya ng makalapit na ako sa kanila

"Ahm, meron po yata miss Han,"

"Wag ng miss Han ang itawag mo sa akin parang kapatid na ang turing ko sayo kaya naman Scarlett na lang itawag mo sakin," saad ko sa kanya

"Pero po..." I cut her words

"No buts.." I said to her

"Okay Scarlett," napangiti naman ako sa sinabi nito

"Tingin-tingin muna ako ng ibang libro, baka may magustuhan ako," saad ko sa kanya

"Okay po,"

Iniwan ko na siya sabay tingin sa ibang libro. Kumuha ako ng isang libro sabay buklat nito, hababg nagbabasa naglalakad ako hanggang sa hindi ko namalayan may nabangga na pala ako. Kaya naman umatras ako ng konti upang makalayo sa kanya.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon