40

50 5 1
                                    

"Look here." 


Saktong pag tingin ni Lance saakin ay agad kong pinindot ang camera button habang nakangisi. Para akong paparazzi kapag pinipicturan sya. I don't know, i just like taking pictures of my favorite view. 


"I don't like it when people taking a picture of me." napatingin naman ako sakanya nang sabihin nya iyon at tinaasan sya ng kilay. "You're the only exception." 


Napangisi naman ako sa sinabi nya at napasandal sa upuan. Nandito kami ngayon sa nakita naming mga bench malapit sa eiffel tower. Malalim na ang gabi pero sobrang buhay na buhay parin ang paris. Malamig ang simoy ng hangin, maganda ang tanawin at idagdag mo pa ang kasama ko. 


"Sa dinami-daming kanta na pwede mong maisip, why ikaw lang by nobita?" i asked him while looking at the eiffel tower. 


We decided to have some time together. Wala na kaming pakielam kung abutin kami ng umaga dito basta kasama namin ang isa't isa. Hindi naman nag reklamo ang mga katrabaho namin noong humiwalay kami sakanila matapos kumain ng dinner, maliban kay Niki. 


"I want to tell you that you're the only one inside my heart. Alam kong hindi mo alam pero lagi kong nakikita yung jealousy face mo when i'm talking to other girls, lalo na si Niki." napainom ako sa beer na binili namin kanina bago kami pumunta dito sa sinabi nya. 


"I just can't help it." sabi ko naman at hinawakan ng mahigpit yung bote. "10 years rin tayong hindi nag kasama. Malay ko ba kung ano na ang type mo sa babae. Baka mamaya may makita kang mas maganda saakin, mas type mo." 


Narinig ko ang pagtawa nya kaya sinamaan ko sya ng tingin at ngumuso. He don't know how insecure i was when he's talking to other girls na mas maganda saakin, mas matangkad, mas may dating, magaling pumorma, mataas confidence. 


"Out of 3.09 billion women in the world, why do you think you're the one i want to paint?" napakagat naman ako sa labi ko para pigilan ang ngiti nang itanong nya iyon. "For the past 10 years, why do you think you're still the one i'm looking for?" 


Napahinga ako ng malalim. Feeling ko kakapusan ako ng hininga sa mga pinagsasabi nya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. I missed this feeling. Yung tipong maiiyak ka nalang sa sobrang saya mo. 


"Kung ayaw mong may mga lumalapit na mga babae saakin, i'm willing to avoid them." napatingin naman ako sakanya. 


"You are?" hindi pa makapaniwalang tanong ko sakanya. Tumango-tango naman sya na ikinangiti ko. 


"You're one of a kind, Natt. Its hard to find someone like you in this world." he held my hand kaya naman napatingin ako sakanya na nakatingin lang sa eiffel tower ngayon. "Now that i'm holding your hand, do you think i'll let you go?" 


Natawa ako sa sinabi nya. Para akong aso na ayaw na ayaw nyang pakawalan sa mga kamay nya. "Hindi naman ako aalis." 


Natahimik ako ng umiwas sya ng tingin nang sabihin ko iyon kaya naman napaayos ako ng upo. 

Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now