2

108 4 6
                                    

Halos hindi na ko makadilat sa sobrang sakit ng ulo ko. Ala-una na ng tanghali ako nagising. Buti nalang at sabado ngayon at walang pasok. Kung hindi, patay ako sa mga teachers ko. Saglit pa akong nakatulala sa pader ng kwarto ko bago ko mapagdesisyunan na maligo.




Kahit papano ay nabawasan ang pagkahilo ko nang makaligo ako. Nag suot lang ako ng isang over-sized shirt na color white at maong shorts. Wala naman akong masyadong plano ngayong gumala, lalo na at may hangover pa ako.



Pagka-baba na pagka-baba ko palang ay lahat na ng tingin ng pamilya ko ay nasaakin. Napakunot naman ang noo ko nang makita ang tingin nila, parang nakakita ng multo.



"Omg, baby kooo." lalong napakunot ang noo ko nang yakapin ako ni mommy. Halos mangiyak-ngiyak pa sya na para bang muntik na akong mamatay. "Ayos lang ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?"



"O-Okay lang po ako." gulong-gulo parin ako. Bakit ganito sila umakto?



"Mamaya na kayo mag drama dyan, pakainin mo muna yang anak mo." rinig ko namang sabi ni daddy na nasa hapag-kainan. Agad naman akong pinaghandaan ni yaya ng pagkain. Pati si yaya ay todo ang ngiti ngayon.




"Anong meron? Bat ang saya nyo ata?" takang tanong ko pagka-upo sa tabi ni kuya Nathan na busy sa paglalaro ng cod.



"Kamusta ang party nyo kagabi? Nag enjoy ka ba? Dapat umuwi ka muna para nakapag-palit ka ng damit at mabigyan ka namin ng pera." ngiting-ngiting sabi ni mommy. Hindi na ko mag tataka kung tungkol sa party kagabi ang kinasasaya nila. Ganyan yang mga magulang ko, kung ano yung kinaayaw ng magulang ng iba, gustong-gusto nila para saaming magkakapatid.



"Okay naman ako, mommy. Medyo masakit lang ang ulo ko." sagot ko nalang at nag pasalamat kay yaya nang ilapag na nya ang plato ko sa table. Nagsimula na akong mag sandok ng kanin since mukhang ako nalang ang hindi kumakain.



"Ano, anak? May gwapo ba doon?" nakangising tanong ni daddy saakin at halos mabulunan naman ako sa sinabi nya. Agad naman akong binigyan ni yaya ng tubig kaya ininom ko agad yun.



"W-Wala po. Ang papanget nga ng mga tao doon. Wala silang taste sa pananamit at puro kalokohan ang pinag gagawa." pagsisinungaling ko matapos uminom ng tubig. Hindi naman siguro masamang sinungaling yun no?



"Weh? Bakit ganun nalang ang ngiti mo kagabi?" napakunot ang noo ko sa sinabi ni kuya.



"Anong ngiti?" takang tanong ko sakanya. Nag tawanan naman silang tatlo nila mommy. Tignan mo tong pamilya ko, ang hirap intindihin. Mas mahirap pa sila intindihin kesa sa calculus.



"May gwapong lalaking naghatid sayo kagabi dito. Umuwi na daw agad ang mga kaibigan mo kaya sya nalang ang nag uwi sayo dito. Infairness anak ah? Ang galing mo pumili." kinikilig na kwento pa ni mommy saakin.




"Ah, si Daniel ba? Kilala nyo na sya diba? At ilang beses ko bang sasabihin sainyo na mag kaibigan nga lang kami?" kunot-noong tanong ko at nag patuloy sa pagkain.



"Hindi si Oliveros ang naghatid sayo kagabi." napatigil ako sa sinabi ni daddy.



"S-Sino?" nag salit-salit ang tingin ko kay kuya, daddy at mommy. Kahit nag lalaro si kuya ay alam kong nakikinig sya sa usapan namin. Chismoso to eh.



"Lance daw ang pangalan nya. Sobrang nagustuhan ko ang batang iyon! Gwapo na nga, gentleman pa!" tuluyan na akong nabulunan sa kinakain ko nang marinig ang sinabi ni mommy. Agad namang binitawan ni kuya ang phone nya at hinimas ang likod ko.



Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now