4

84 4 12
                                    

Maaga akong nagising ngayon. Siguro mga 5am palang ay gising na ako. Hindi ko nga alam kung nakatulog ba ako ng maayos ngayon. Sinabi ko narin kay yaya na ako na ang mag luluto ng breakfast namin. Agad naman syang pumayag. 


Matapos kong lutuin ang sunny side up egg at nuggets pati narin ang soup ay agad ko naring inutusan si yaya na tawagin sila mommy. Nakaupo nalang ako ngayon dito sa hapag kainan habang hinihintay sila. 


"Wow, ang aga mo magising ah!" gulat na sabi pa ni kuya habang pababa ng hagdan. 


"Hindi naman ako gaya mo na hindi na natutulog kaka-cod" pagtataray ko pa sakanya. 


"Wow, nag luto ang baby namin. Sign ba to na may boyfriend ka na?" hindi ako kumibo sa sinabi ni mommy. Tipid ko nalang syang nginitian at pinag sandok na sila ng sinangag. Hindi ko alam pero tamad na tamad ako ngayon kahit may plano kami ni Lance.


"Bat ang aga mo nagising, Natt?" tanong ni daddy habang nag lalagay ng soup sa bowl nya. 


"Maaga lang po nakatulog kagabi" sabi ko nalang at nag simula nang kumain. "By the way mom, dad. Inaaya ako ni Lance mamaya, mag sisimba daw kami." 


Napatigil sila sa pag subo at nag katitigan pa. Nasamid naman si kuya nang marinig ang sinabi ko. Eto nanaman sila, nag oover-react nanaman. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sakanila na may girlfriend na si Lance. Baka madisappoint lang rin sila gaya ko. 


"Maganda yan, nak. First date nyo, sa simbahan. Sana one day, mailakad rin kita sa simbahan ah?" sabi pa ni daddy at halos mabilaukan nanaman ako sa sinasabi nila. Hindi nalang ako nag salita at pinag patuloy na ang pag kain. 


Nang matapos kumain ay nag prisinta si kuya na sya na ang mag huhugas ng pinagkainan namin. Kaya naman agad na akong umakyat sa kwarto ko para mag handa. Naligo na ako at nag bihis. 


Hindi pa ako makapag-decide kung ano ang susuotin ko. Ang dami kong damit pero hindi ko naman lagi nasusuot dahil hindi naman ako masyadong nag gagala. Pinag iisipan ko pa kung ano sa dalawang dress ang susuotin ko. Yung baby pink na puff sleeve dress o kaya yung white na medyo off-shoulder. 


Sa huli ay yung baby pink dress narin ang sinuot ko. Saka na ako mag puputi kapag kasal ko na. Aasa nanaman ako nito eh. Nag lagay lang ako ng simpleng makeup sa mukha ko at inayos ko rin ang buhok kong lagpas balikat. Pinartneran ko ang dress ko ng white sandals at white na sling bag. 


"Natt! Nandito na ang boyfriend mo!" napakagat ako sa labi at napapikit pa sa inis nang marinig ang bunganga ni kuya. Paano kung marinig iyon ni Lance? Ayoko nalang mag talk. 


Nag mamadali akong bumaba dahil nga baka kung ano pang sabihin ng pamilya ko sakanya. Gaya ng inaasahan ko, nakita ko si Lance na nakaupo na sa sofa at dinadaldal ni mommy. Si daddy naman ay todo ang ngiti na para bang nakakita ng artista. 


Lance is wearing a simple white polo sleeves partnered with a brown slacks. Ang fresh nya tignan ngayon, ang gwapo. Infairness, may taste sya sa mga damit. Hindi gaya nung ibang boys na basta may masuot lang o di kaya ay uso. Perfect ang datingan nya. 

Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now