14

68 5 1
                                    

"Wow, ang daming tao. Sikat ka na talaga, no?" sabi ko habang nakatingin sa madaming taong naghihintay na makapasok sa open field. Chine-check pa kasi ang mga ticket bago makapasok ng field. Marami silang dalang banner at kung ano-ano pa. 


"Syempre, ako pa ba?" napanguso ako sa sinabi nya. Napaka-yabang na nitong lalaking to. Pinupuri ko lang minsan, tumaas na yung confidence. "Mag palit ka muna ng damit. Baka sabihin nag cutting classes ka." 


Napatingin ako sa suot ko at ngayon ko lang napagtantong naka-uniform pa pala ako. "Pero, wala akong dalang damit. Hindi mo naman sinabi agad para nakapag-baon ako." sabi ko pa sakanya. 


"Meron akong dala. Tara na." napakunot ang noo ko sa sinabi nya. 


"May dala kang damit ko?" kunot-noong tanong ko sakanya. 


"Oo. Yung naiwan mong damit nung nakaraan. Palit ka kasi ng palit, dinadagdagan mo pa yung labahin ni Lucas." sabi pa nya na ikinaawang naman ng labi ko. 


"Wow! Ikaw kaya yung nag papapalit saakin!" hindi na sya nag salita pa at nag lakad na palayo. Tamo to, ang sarap  kutongan. Kinakausap ng maayos, tinatalikuran ka. Tahimik nalang akong sumunod sakanya hanggang sa pumasok kami sa isang coffee shop. 


"May gusto kang bilhin?" tanong nya saakin habang nakatingin sa menu sa may counter. 


"Ikaw? May bibilhin ka ba?" tanong ko pabalik sakanya. 


"I'll buy if you want." napapikit ako ng mariin sa sinabi nya. Sobrang talino kong tao pero yung mga pananalita nya, nabobobo ako sobra. 


"Caramel Macchiato nalang. Frappe ha!" sabi ko sakanya at tumango naman sya. Binigay nya na saakin yung paper bag na dala dala nya kaya naman pumasok na ako sa restroom ng coffee shop. Napaka-boy scout naman nun, laging handa eh. 


"Lance Ivan talaga." napangiwi ako nang makita ang damit na dinala nya. Damit nanaman iyon na may pangalan nya. Ilang damit ba ang meron sya na may buong pangalan nya sa likod? Parang tamad na tamad syang ipakilala ang sarili at nakalagay na sa likod ang buong pangalan. Nahiya pa syang ilagay ang address at contact number nya. 


Wala akong choice kundi isuot iyon. Sa Sobrang over-sized noon saakin ay tinuck-in ko nalang sa maong pants na dinala nya. Lagi akong may naiiwan na damit sakanila dahil madalas akong mag palit ng damit doon. Kaya halos mangiyak na si Lucas sa dami ng nilalabhan. 


Nag retouch lang ako ng onti sa salamin ng restroom matapos mag palit at lumabas na. Nakita ko si Lance na nakaupo sa isang table at busy sa kung ano mang meron sa phone nya. Nakita ko ring merong nakalapag na frappe at hot coffee sa mesa. 


"Wala ka na bang ibang damit?" tumaas ang tingin nya saakin nang sabihin ko iyon matapos kong umupo sa harapan nya. "Puro may pangalan mo ang tshirt na pinapasuot mo saakin." 


"Why? You don't like it?" kunot-noong tanong naman nya saakin. 


Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now