9

53 3 1
                                    

"Naumpisahan mo na ba yung pinapagawa kong kanta?" tanong ko kay Lance habang nilalabas nya sa bag nya ang mga books at papers nya. I decided to start teaching him na since nandito narin naman ako sa place nila at wala naman akong gagawin for the remaining time. 


"Yup." napangiti naman ako sa sinabi nya. Kung ano man yung sinulat nya na yon, excited na excited na akong marinig yun. "Sa totoo nyan, sa Math lang naman talaga ako naguguluhan. So, no need to worry." 


Tumango-tango ako sakanya at kinuha ang paper na binigay nya saakin. "Kung gusto mo, ako na papalit sa teacher nyo. Hindi marunong mag turo." natawa sya sa sinabi ko at nag suot ng glasses. 


Napaawang naman ang labi ko ng makitang lalo syang gumwapo nang mag suot sya ng salamin. I felt some butterflies in my stomach while staring at his handsomeness. "Natt, thank you for helping me. Mom and i decided yesterday na pag pumasa ako this sem, papayagan nya akong sumali ulit sa The Titans." 


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. "S-Seryoso? Sinabi yun ng mommy mo? Edi makakapag-perform ka na ulit?" gulat na tanong ko sakanya. 


"Yup!" napatakip ako sa bibig ko at sa sobrang tuwa ay hindi ko na napigilang yakapin sya. "YAY!! Makaka-kanta ka na ulit sa harap ng maraming tao! Promise, sa lahat ng performances mo, hindi ako mawawala! Ako lagi ang taga-video mo!" 


Narinig ko ang tawa nya at binawian naman nya ako ng yakap na ikina-gulat ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang mapagtanto ang posisyon namin ngayon. Gusto ko nang mamatayy!!! De joke lang, papakasalan ko pa to. 


"Hindi pa tayo sure. Malay mo bumagsak ako." nakangusong sabi nya at napahiwalay naman ako sa yakap nang sabihin nya iyon. Pinalo ko ng ballpen ang ulo nya na ikina-aray naman nya. 


"Mag dahan-dahan ka nga sa mga sinasabi mo" nakasimangot na sabi ko naman sakanya. "Atsaka, highest honor ang mag tuturo sayo tapos maganda pa. Aasahan mo pa bang babagsak ka?" 


Natawa sya sa sinabi ko at ginulo ang buhok ko na lalo ko namang ikina-simangot. "Opo, teacher Natt. Wag ka na po magalit." natatawang sabi pa nya saakin. 


Napangisi naman ako sa kilig. "Kaya makinig ka ng maiigi kung ayaw mong hindi na ulit makapag-perfom!" 


"Noted, Teacher Natt." 


"Good Boy." sabi ko naman sakanya at ginulo rin ang malambot nyang buhok na ikina-tawa naman naming dalawa. "Just trust me, Lance. Hinding-hindi ko papalagpasin tong chance mo." 


Nginitian nya ako kaya naman nginitian ko rin sya. Nabasag lang ang moment namin nang may pumasok ng kusina. Pareho kaming napatingin kay Lucas na may bitbit na notebook habang ang libro naman ay nakalagay sa ulo nya. Dumiretso sya sa ref at para bang may hinahanap. 


"Wala na tayong yakult?" nakapout na sabi pa nya at para bang iiyak na dahil wala nang mainom na yakult. 


"I forgot to buy earlier. I'll buy tomorrow." sagot ni Lance sa tanong ng kapatid nyang maarte. 

Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now