17

58 3 2
                                    

Gabi na at nandito ako ngayon sa isang convenience store malapit sa school. Tahimik kong nilapag ang kinuha kong soju at kumuha ng pambayad sa wallet ko. 


"Ilang taon ka na, miss? Bawal uminom ang minor." napakunot ang noo ko sa sinabi ni kuyang tindero. 


"Po? 18 na po ako." 


Natawa naman sya sa sinabi ko na ikina-kunot naman ng noo ko. "Ako pa ang niloko mo, bata? Akin na id mo." 


Napairap ako sa hangin at kukunin na sana ang id ko sa bag pero napatigil ako nang wala akong makapang id sa loob ng bag ko. Dinouble check ko pa pero wala talaga akong makita. Pakshet. Naiwan ko sa librarian! 


"Naiwan ko po--" 


"Tumabi ka na. Ang daming nakapila oh!" inis na sabi pa saakin ni kuya at napaawang naman ang labi ko sakanya. 


"18 na nga ako!" inis na sabi ko pa sakanya. 


"Umalis ka na dito bago pa ako tumawag ng pulis." sabi pa nya saakin na ikinabuntong-hininga ko naman. "Next, please." 


Inis akong naglakad palabas ng convenience store. Bibili lang ng soju eh! Bakit ba ayaw nilang maniwala na 18 na ako? Bukas babalik ako dito at isusungalngal ko sakanya ang birth certificate ko. Tatawag pa ng pulis akala mo naman talaga. Hayst, nanggigil ako. 


"Aray!" napahawak ako sa balikat ko nang may makabanggaan dito sa labas ng convenience store. 


"I'm sorry, miss--" 


"Lance?" kunot-noong tawag ko sakanya. Napatigil rin sya nang makita ako. "Anong ginagawa mo dito?" 


"Ah, bibili ako ng toothpaste. Inubos ni Lucas yung toothpaste namin, gumawa daw sya ng slime." napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Slime? Ang lakas talaga ng tama nung lalaking yun. Kung anong kinatino ni Lance, kina-sira ulo ng kapatid nya. 


"Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah. Naka-uniform ka pa." kunot-noong tanong nya naman saakin pabalik. Sasagot na sana ako sakanya pero biglang may pumasok sa utak ko na ikina-ngiti ko. 


Binigyan ko sya ng matamis na ngiti at hinawakan ang isa nyang kamay na ikina-kunot naman ng noo nya. "Lance," i called him with a sweet tone. 


"Bakit?" kunot-noong tanong naman nya saakin.


"Pwede favor?" i asked him with a cute smile and puppy eyes. 


"Ano yun?" 


"Pwede bilan mo ko ng soju?" 


"Huh?" napanguso ako sa naging reaksyon nya at pabagsak na binitawan ang kamay nya. 


"Soju lang eh!" inis na sabi ko pa sakanya. 


Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now