19

44 2 4
                                    

Pagkadilat na pagkadilat ko ay puting kisame ang bumungad saakin. Saglit akong napatitig sa kisame na iyon at sa saglit na iyon, narealize kong umiiyak nanaman ako. Parang may malaking batong nakadagan sa puso ko at sobrang nahihirapan akong huminga kahit may oxygen na nakalagay saakin. 


Hindi ko maiwasang hindi mapahagulgol sa sobrang sakit ng nararamdaman. Hindi ko pa alam ang totoong dahilan kung bakit sira na ang pamilya ko ngayon ay sobrang sakit na ng puso ko. Feeling ko hindi kakayanin ng puso ko ang totoong dahilan kung bakit. 


Binaba ko ang tingin ko at nakita si kuya na nakaupo sa couch hindi malayo saakin. Nakasandal ang ulo nya sa sandalan habang nakatingin rin sa kisame. May luhang pumapatak sa magkabila nyang mata habang nakatingin doon. 


"K-kuya.." nanghihina kong tawag sakanya pero agad naman syang napatingin saakin at tumayo para lumapit saakin. 


"Kamusta? Anong nararamdaman mo? Tatawag ba ako ng doctor?" sunod-sunod na tanong nya saakin but i just gave him a small smile and hold his hand. 


"I'm fine, kuya." sagot ko sakanya kay nanghihina parin ako at nanginginig ang mga kamay. Nilapit nya ang upuan sa may kama ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. "I'm sorry. I'm sorry for not being there when you need me. I'm sorry kung hindi ko nasasagot ang mga tawag mo. I'm sorry dahil hinayaan kitang mag isa na harapin to." 


"Shhh.. Its okay. Its alright, Natt." sabi pa nya saakin at hinawi ang buhok ko habang umiiyak parin kaya naman naiyak nalang rin ako. "Mom is okay now, she's already awake. She's so worried about you and wants to see you pero pinabantayan ko muna sya sa nurse dahil baka kung ano pa ang mangyari sakanya." 


Tumango-tango lang ako sakanya. Pero, napatigil ako nang humagulgol sya ng malakas at hinawakan ng napakahigpit ang kamay ko. "Be strong, Natt. Please, take care of yourself. Hindi ko na kakayanin kung pati ikaw mawala pa." 


Napakagat ako sa labi at napaiwas nalang ng tingin sakanya. Dahil doon, bumuhos nanaman ang luha ko. Ilang beses nyang hinalikan ang kamay ko at umiyak ulit. Hindi ko kayang panoorin syang nagkakaganito. 


"Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni kuya, ha? Lagi akong nandito para sainyo nila mommy at ni ate. Hindi ko kayo iiwan. Kung kaya ko, mag tatrabaho ako para mapag-aral ka---" hindi nya na natapos ang sasabihin nya dahil napahagulgol ulit sya at napatakip nalang ulit sa mukha. 


Para namang dinurog ang puso ko sa sinasabi nya. Kuya is still young for this. Gusto ko syang yakapin ng mahigpit pero hindi ko kayang tumayo dahil sa panghihina ng katawan. 


"Hindi man kaya ni daddy na pag-aralin ka ng Aviation, ako ang gagawa. Hindi ako papayag na hindi mo makakamit ang pangarap mo, Natt. You're my precious little princess, gagawin ko ang lahat para makapag-aral ka ng gusto mong course, okay?" Napapikit nalang ako sa sakit ng nararamdaman. 


"Kung kailangan, titigil na ako sa pag-aaral at mag trabaho. Kaya kong kumuha ng ilang part-time job. Strong kaya ang kuya mo." Hindi nya kailangan tong gawin. Hindi nya kailangan isakripisyo ang pag-aaral nya para saakin. Madaming paraan wag lang syang tumigil sa pag-aaral. 


"Wag mong isiping may ibang baby na si daddy. Ako, nandito ako. Baby parin kita, Natt." napahawak nalang ako ng mahigpit sa kamay nya para pakalmahin sya. Alam kong sobrang sakit sakanya pero hindi naman nya kailangan sabihin ang mga ganitong bagay. 

Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now