37

53 4 0
                                    

"Finally!" agad kong binagsak ang sarili sa kama nang makarating kami dito sa hotel. Hindi ko na nagawang makapag-palit pa ng damit o makapag-linis ng sarili dahil sa sobrang pagod. Although nakatulog naman ako kanina pero sobrang pagod na pagod na talaga ng mga mata ko. 


"Dinner daw mamaya sa Chez Pitou sabi ni Kiel." rinig ko pang sabi ni Jessica habang naka-pikit ang mga mata ko at nakadapa sa kama. Tatlong tao lang kasi sa isang room at silang dalawa ni Shaila ang kasama ko dito. 


"What time?" medyo mahina at pagod na tanong ko pa sakanila habang nakapikit parin ang mga mata. Feeling ko talaga magkaka-sakit ako sa sobrang bigat ng nararamdaman. This is the worst first international flight ever. 


Nihindi ko na nga nagawang pansinin ang magandang view ng Paris sa labas. Wala na akong pakielam basta makapunta agad sa hotel. May 4 days pa naman para iappreciate ang Paris. Baka bukas ay okay na rin ang pakiramdam ko. Kailangan ko lang talaga ng pahinga. 


"Mga 5 ata?" sagot naman ni Shaila saakin na nag iiskin-care na ngayon. Tumango-tango nalang ako sakanila at nag set ng timer. I have 4 hours to rest and sleep. Okay na rin naman siguro iyon dahil pagtapos naman namin kumain ay diretso agad kami sa hotel. Bukas na siguro namin lilibutin ang Paris. 


Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at naramdaman ko nalang na nag vavibrate na ang phone sa tabi ko. Napatingin ako sa veranda ng hotel room namin at nakitang medyo madilim na sa labas. Philippines is 6 hours ahead of Paris kaya naman hating-gabi na sa Pilipinas, hapon palang dito. 


Nang bumangon ako sa kama ay nakita kong tulog pa sila Shaila. Mukhang napaaga ata ang pag-set ko ng alarm. Pero, okay narin iyon dahil hindi ako nakapag-linis ng katawan kanina dahil sa sobrang pagod. 


Naligo lang ako at nagbihis. Paglabas ko naman ng banyo ay gising na sila. I'm wearing a simple white tank top partnered with white mom jeans and white sneakers. Syempre hindi mawawala ang favorite kong black Chanel sling bag Mag susuot nalang rin ako ng black checkered crop jacket dahil mukhang malamig na sa labas at gabi. 


"Are you feeling well na ba, Cap? Kaya mo lumabas?" tanong ni Shaila saakin habang nag lalagay ako ng konting make-up. Si Jessica naman ay nag papalit na ng damit sa Cr. 


"Mas okay na pakiramdam ko ngayon kesa kanina." sagot ko naman sakanya. "Uminom narin ako ng gamot." 


Tumango-tango sya at napatigil naman ako sa pag memake-up nang bigla syang napatakip sa bibig nya. Napakunot ang noo ko sa inakto nya, para syang nakakita ng multo. 


"Single ka ba, Cap?" 


"H-Ha?" 


"I mean, ilang araw na kasi tayong mag kakilala then i don't know if you're still single ba or baka may boyfriend ka na." sabi pa nya nahalos ikasamid ko naman. Bakit ba ang daming nag tatanong kung single ako? Like, mamamatay ba sila kung single ako? 


"Ah ano.. taken na ako." hindi ko alam bakit yun ang sinagot ko kahit hindi naman totoo. I mean, pwede naman mag sinungaling sa mga maliliit na bagay diba? Sawang-sawa na kasi akong sabihin na single ako. Sa States palang sawang-sawa na ako. 

Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now