8

43 3 1
                                    

Nakatulala ako sa kawalan habang hinahayaan ang sarili kong mabasa ng ulan. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko ang sarili ko nang ganito. For sure, pag umuwi ako ay mag aalala ng sobra si mommy saakin. Napapunas ako ng luha ko. Hindi ko na alam kung luha ko pa ba yung napupunasan ko yung tubig ng ulan. 


Pagkamalan man ako ng ibang tao dito na baliw, wala na akong pakielam. First time kong makaramdam ng ganitong sakit. Yung sakit na sobrang sakit. Pero, kahit sobrang sakit, hindi mo pwedeng sisihin yung taong dahilan ng kinasasakit mo dahil wala naman syang ginawa. Ako lang talaga yung umasa. 


Nabalik ako sa realidad nang biglang wala nang pumapatak na ulan sa katawan ko. Pag tingin ko sa kalsada, sobrang lakas pa ng ulan. Napatingala ako at nakita kong may payong na nakatapat saakin. Napatingin ako doon sa may ari. 


Napakunot ang noo ko nang may makitang lalaking naka-eye glasses, at naka-uniform na pang Mckinley.


"Anong ginagawa mo? Balak mo na bang mag pakamatay?" kunot-noong tanong nya saakin. Sumisigaw sya saakin dahil sa sobrang lakas ng ulan. Sinong mamamatay dahil lang sa ulan? "Tara nga." 


Hindi na ako nakatanggi pa nang hawakan nya ang braso ko at hinila ako sa malapit na bakery shop dito sa abangan ng jeep malapit sa Mckinley. "Basang-basa ka oh! Ilang oras ka na bang naka-tayo doon?" 


Binigyan ko sya ng bored look at umiwas ng tingin. "Sino ka?" tanong ko. 


"Hindi na importante kung sino ako. Atsaka, eto. Mag punas ka." binigay nya saakin ang towel nya at kunot noo ko namang tinignan iyon. 


"Sa tingin mo ba, matutuyo ako sa napakaliit mong towel?" kunot-noong tanong ko sakanya. Sinimangutan nya muna ako bago bumuntong-hininga at hinubad ang jacket na suot. 


"Oh eto, isuot mo nalang." napabuntong-hininga rin ako at hindi na tumanggi sa offer na binibigay nya. Gaya ng sabi nya, sinuot ko ang jacket nya. Napakunot ang noo ko dahil parang familiar ang amoy ng jacket nya 


"Anong pabango ang gamit mo?" kunot-noong tanong ko sakanya habang nakatingin sa jacket nya. 


"Ah, nakigamit lang ako ng pabango ng kuya ko kanina. Nabasag kasi yung pabango ko kahapon. Ang bango no? Mahal daw yan eh." lalong napakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi nya. Kuya? Huminga ako ng malalim at binalewala nalang iyon at sinuot na ang jacket. 


Baka naman, nagkataon lang. Madami rin namang gumagamit at bumibili nang pabangong iyon. Bigla tuloy akong may namiss, dahil sa pabangong iyon. Niyakap ko ang sarili ko dahilan para kumapit rin saakin ang amoy nung pabango. 


"Broken ka ba?" napatingin ako sakanya nang itanong nya saakin yun. 


"Huh?" kunot-noo ko namang tanong. 


"Nag break ba kayo ng jowa mo?" 


"What do you mean?" natawa sya sa naging reaksyon ko at inayos ang pagkaka-suot sa salamin. 

Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now