3

93 4 10
                                    

Napabuntong-hininga ako habang nakaupo dito sa bench. Nakatulala lang ako sa kalsada habang nababasa iyon ng ulan. Hindi namin inaasahan pareho na aabutan kami ng ulan. Kaya nag stop muna kami dito sa isang convenience store na may bench sa labas. 


"Nabasa ka ba?" napalingon ako sa kanan ko nang marinig ang boses ni Lance. Ngumiti ako sakanya bago umiling at tinanggap ang tubig na binigay nya saakin. Agad ko naman iyong ininom. 


"Ikaw ba? Okay ka lang? Nabasa ka?" sunod-sunod kong tanong sakanya matapos nyang umupo sa tabi ko. Pero, may distanya sa pagitan naming dalawa. 


"Hindi naman. Yung sapatos ko lang medyo nabasa dahil sa baha." nakangiwi nyang sabi habang nakatingin sa sapatos nya. Napatingin rin ako doon at halos mahulog na ang panga ko sa nakita. 


"Sira ka ba? Hindi okay yan! Jordan yan no!" sigaw ko at napatayo pa. Nagulat pa sya sa pag sigaw ko pero agad naman syang natawa sa naging reaksyon ko. 


"Okay lang, matutuyo rin yan." sabi pa nya at uminom ng tubig. 


"Gusto mo yung saakin nalang isuot mo? Ilagay mo nalang sa bag mo yang sapatos." sabi ko pa habang nakatingin doon. Alam ko ang nararamdaman nya. One time, nabasa ko rin yung jordan ko. Ayun, nasira. 


"Okay lang." natatawa nya pang sabi. "Atsaka, mukha bang kakasya sa paa ko yang sapatos mo?" 


Napatingin ako sa sapatos ko at sa sapatos nya. Parang pang baby ang paa ko habang nakatabi sakanya. Napaiwas nalang ako ng tingin na ikinatawa nalang nya. 


"By the way, thank you sa pag tulong saakin kanina. Kung wala ka, malamang hindi ako nakapag-pasa" bigla nyang sabi nang matahimik kami. Diretso lang ang tingin nya sa kalsada habang ako naman ay nakayuko, tinitignan ang paa naming dalawa. 


"Okay lang yun no! Atsaka, bawi ko narin yun sayo. Dahil sa ginawa mo kagabi." nakangiti kong sabi at tumingin sakanya. Mukhang napatigil sya sa sinabi ko kaya naman natawa ako ng onti. "Kwinento sakin nila mommy ang nangyari kagabi. Sa totoo nyan, wala talaga akong maalala. Pero, salamat ah" 


"Maliit na bagay." napangiti ako sa sinagot nya at napasandal nalang sa sandalan ng upuan ko. "Kaya, mag ingat ka lagi kung saan ka pupunta. Hindi lahat ng lalaki kagaya ko." 


Dahil sa sinabi nya, hindi na natanggal sa labi ko ang ngiti. Ang sarap sa feeling nang may taong nag aalala at nag aalaga sayo. Ang mas nakakakilig doon, si Lance ang taong tinutukoy ko. Napasinghap ako ng hangin at napatingin sa ulan na lalo pang lumakas. Parang ayaw talaga ng panahon kami pauwiin. 


"Bakit aviation ang kinuha mo?" bigla kong tanong na ikina-lingon naman nya saakin. 


"My mom wants me to." napatigil ako sa sinabi nya. Nang lumingon ako sakanya ay umiwas sya ng tingin at uminom ulit ng tubig. Mommy nya ang may gustong mag pilot sya. Eh sya? Gusto nya ba? "My dad is a former pilot. And my mom's dream is to marry a man like him. But sadly, the aircraft that my dad is driving suddenly crash." 


Napaawang ang labi ko sa sinabi nya. So, wala na ang papa nya? "All the passengers who's in that plane survived. Except from one person, my dad." 

Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now