5

72 4 5
                                    

"As in, sobrang gwapo ate!" kinikilig na sabi ko pa kay ate Nathalie habang ka-video call ko sya sa laptop ko. Kitang-kita ko ang magandang kwarto na pinag tutuluyan nya ngayon. Pero, medyo magulo dahil kung saan saan makikita ang mga libro nyang pakalat-kalat. 


"Wow naman, Natasha nyo nag dadalaga na." nakangising sabi pa ni ate habang kumakain ng pancake. Umaga ngayon sakanila habang gabi naman dito. 


"Gusto ko sana pakita sayo yung picture nya kaso wala sya masyadong post sa mga social media." sabi ko pa. Minsan lang kami nag kakausap ni ate dahil nga sobrang busy nya sa states. Kaya naman sinusulit ko na ang time ko ngayon para mag kwento. 


"Okay lang yon. Uuwi naman ako sa kasal nyo" sabi pa ni ate na ikina-init naman ng pisngi ko. 


"Mag dahan-dahan ka nga sa mga sinasabi mo, ate!" sigaw ko sakanya na ikinahalakhak naman nya at napainom nalang ng gatas. Napailing-iling naman ako. 


"Paano naman yung Daniel na sinabi mo saakin last year? Diba yun yung lalaking araw-araw nag bibigay sayo ng chocolate dati?" 


"Anong 'pano naman'? Wala na naman kaming issue. Tanggap na nya na nireject ko sya at close friends na kami ngayon. Kung hindi nga dahil sa mga kaibigan nya ay hindi ko sya makikilala." sabi ko habang nag lalagay ng skincare sa mukha. 


"Edi goods naman pala. Mag-iingat ka dyan sa crush mo ah? Hindi naman sa pinag babawalan kita pero mga gag* na kasi ang mga lalaki ngayon." sabi pa nya sabay subo ng pancake. Natawa nalang ako sa sinabi nya. 


"Iba sya sa ibang lalaki ate. Sa tingin mo ba, magugustuhan siya nila mommy kung hindi?" sabi ko nalang at humarap na sakanya. Napatango-tango naman sya sa sinabi ko. "Ikaw ba, ate? Wala ka pa bang boyfriend dyan? Ilang taon ka na ah. Baka naman maunahan pa kita." 


Halos mabulunan pa sya sa sinabi ko kaya napahalakhak nalang ako. "Nako, Natt. Ang gagwapo ng mga amerikano dito! Para nga akong nakakakita ng mga artista sa tuwing pumapasok ako ng school. Akala mo mga model na ang rarunway sa hallway." natawa ako sa sinabi nya. 


Kung sa States lang ako nag aaral, siguro sobrang ganda ng buhay ko doon. Lalo na at makakasama ko sila lola at mga pinsan ko. 


"Madami naman palang pogi, bat wala kang jowa?" 


Napatigil sya sa sinabi ko pero agad rin namang natawa. Parang baliw lang. "Tatapusin ko muna tong year na to bago ako mag hahanap ng boyfriend. Sagabal lang yun sa pag aaral at baka mapalayas pa ako ni lolo dito kapag nag dala ako ng lalaki." 


Natawa rin ako sa sinabi nya. Napatingin ako sa orasan ko at nakitang madaling araw na. May pasok pa ako bukas, monday. Agad na akong nag paalam kay ate na matutulog na at agad naman syang tumango. 








"Good Morning." bati ko kay Daniel nang makita syang nakadukdok sa table nya na sa tabi ko. Napakunot naman ang noo ko nang hindi man lang sya nag salita o tumingala man lang. Buhay pa ba to? Humihinga pa ba? 

Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now