36

43 4 0
                                    

Pagod na pagod akong umupo sa couch sa balcony ng Delta Office. Sobrang sakit ng ulo ko. Bukod kasi sa nakainom ako ng onti kagabi, tatlong flights pa ang meron ako ngayon. Ang mas malala, balikan pa. Gusto ko nalang mag palamon sa lupa. 


"You okay?" tumaas ang tingin ko kay Angelo nang abutan nya ako ng bottled water. Tumango lang ako sakanya at tinanggap ang inaabot nyang tubig. Umupo sya sa tabi ko at nilabas ang ipad nya. 


"You still have a flight?" tanong ko sakanya at uminom ng tubig na binigay nya. 


"Yeah. New York." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya pero at the same time ay napatango-tango nalang rin. Meron akong international flight bukas pero hindi pa sinasabi kung saan. Basta, ang alam ko ay si Mr. Ramos ang captain. 


"Sigurado kang okay ka lang? You look so tired." nag-aalalang tanong pa saakin ni Angelo. I just gave him a small smile bago tumango. "You can drive? Pwede kitang ihatid." 


"Wag na. May flight ka pa, diba?" 


"A two hours from now." napabuntong-hininga ako sa sinabi nya. Wala naman akong magagawa dahil pipilit at pipilitin parin nya ako. Nag pahinga lang muna ako saglit dahil feeling ko talaga ay sasabog na ang utak ko. Its already 2:30 in the morning and meron pa akong flight mamayang 6am. Okay, 3 hours tulog nanaman. 


"Ms. Mendez!" napalingon ako doon sa tumawag. Si Kiel pala, kasama si Shaila. I smiled at them at hindi na nagawang kamustahin pa dahil nga pagod narin ako. 


"Nandito parin kayo? May flight pa tayo mamayang 6 ah?" sabi ni Shaila. 


"Kasama ko kayo?" 


"Yup! Ayaw mo ba, Cap?" natawa ako sa sinabi ni Kiel at napailing-iling. 


Nalipat ang tingin ko sa lumabas ng Cafeteria. Halos mabitawan ko ang bottled water na hawak nang makita kung sino iyon. Kahit nakatalikod sya saamin ay kilalang-kilala ko sya. I was about to approach him pero may lumabas ring babaeng galing cafeteria at sumunod sakanya. 


"Oh, yaan nanaman sila. Gusto ko nalang mag palamon sa lupa kapag nakikita ko silang magkasama. Pinaparamdam ata nila na single ako." tumaas ang kilay ko nang sabihin iyon ni Shaila habang nakatingin sa dalawang naglalakad palayo saamin. 


"Sino yun?" tanong ko. Kunyari ay hindi ko alam kung sino iyon. 


"Mr. Reyes and Ms. Ignacio." sagot naman ni Kiel. Lalong tumaas ang kilay ko nang may marinig na hindi familiar na pangalan. 


"M-Ms. Ignacio?" kunot-noong tanong ko pa. Bago lang ako sa Airline na ito kaya naman marami pa akong hindi kilala. Hindi ko pa kilala yung babaeng nakita ko ay parang ayoko na sakanya. 


"Hindi mo pa nga pala sya nakikilala. Absent kasi sya for the past three days. By the way, she's our Purser." Purser, huh? And ano naman ang relationship nya with Lance? Kung makadikit akala mo Linta. 


"Kinikilig talaga ako kapag nakikita ko silang magkasama. Para silang love team ng Abs-Cbn." tumaas nanaman ang kilay ko sa sinabi ni Shaila. 'Love team'? 

Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now