34

59 3 2
                                    

"Close kayo ni Capt. Reyes?" napatingin ako kay Angelo nang itanong nya saakin iyon. Kaka-sundo nya lang saakin sa bahay and we're now heading to the club that Shaila recommended. 


"Bakit mo naman natanong?" kunot-noong tanong ko naman pabalik sakanya at tumingin sa bintana. Ang weird lang kasi kakakilala lang namin at nakasakay na agad ako sa kotse nya. Hindi ko nga sya kilala ng lubusan pero bahala na. 


"Parang may something kasi sainyong dalawa." sabi pa nya na ikinatahimik ko naman. Inaasahan ko na naman na magtataka sila saaming dalawa dahil nga sa nangyari kanina. Pero, hindi ko sila magawang sagutin. Anong sasabihin ko? Na ex ko si Lance? 


Ayokong ipag-sabi sa lahat na ganun ang status namin. Hindi magandang ipagkalat na ex ko sya. Ang pangit tignan. 


"He even asked you if you will let him come." napatingin ako kay Angelo na seryoso lang na nag dadrive ngayon habang sinasabi saakin ang mga salita na iyon. Hindi ko alam kung bakit sobrang curious sya saaming dalawa ni Lance. Tama ba ang iniisip ko? Na magka-away silang dalawa? 


"We know each other since school days." sagot ko naman na ikinatahimik nya. Hindi na sya nagsalita pa kaya naman pareho kaming natahimik. Tanging music lang sa radio ang naririnig namin. Ang uncomfy. 


Nakarating rin kami agad sa club na sinasabi ni Shaila. I'm now wearing a dark red silk dress ended above the knee and a black heels. Nakatali sa bun ang buhok ko at nag lagay narin ako ng konting make-up. 


"Capt! Dito!" rinig kong sigaw ni Shaila kahit sobrang ingay sa loob ng club. Ang daming bagong club dito, magaganda at pangmamahalin ang itsura. Samantalang dati ay nag tya-tyaga kami sa Anthonys na walang kasawa-sawa. 


"Wow! Hindi nyo naman ako ininform na may kasama tayong model." natawa ako sa sinabi ni Kei at umupo sa vacant seat. They're already drinking some beer kaya naman agad na umorder si Angelo ng maiinom naming dalawa. 


"Sige, order lang kayo! Hindi naman ako yung magbabayad eh." natatawang sabi pa ni Shaila na ikinatawa ko nalang rin. I took a picture of the view here inside and made an instagram story. Agad namang nakita iyon nila Sulli kaya nainggit sila. 


"Hindi talaga pupunta si Capt. Reyes? Sayang naman yung make-up ko for him." napatingin ako kay Jessica, the girl earlier na may crush ata kay Lance. Halata ngang nag handa sya para kay Lance dahil sobrang bongga ng itsura nya ngayon. 


"Wag ka ngang malungkot dyan! Ang dami-daming gwapo dyan sa tabi tabi oh! Pwede mo pang iuwi." nakangising sabi naman ni Shaila sakanya at pinalo naman sya ni Jessica sa braso. 


"Speaking of Capt. Reyes, may something ba sainyo Capt?" napatigil ako sa pagsasalin ng alak sa baso ko nang tumingin saakin si Shaila. Nakita ko namang lahat sila ay nakatingin saakin kaya lalo akong napatigil. 


"A-Ako ba?" tumango lang sya saakin at nakita ko naman ang sama ng tingin saakin ni Jessica kaya napalunok nalang ako sa kaba. Ano nga ba? Ano nga ba kami? Hinding-hindi ko talaga maiiwasan tong tanong na to lalo na sakanila. 


"A-Ano.. friends kami nung senior high ako." sabi ko nalang na ikinatahimik naman nila. Napainom nalang ako ng alak para mawala ang kaba ko. Bakit ba ako kinakabahan? Kasi hindi ko alam ang isasagot sakanila? Hindi ko naman talaga alam kung anong meron saaming dalawa. 

Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now