23

44 2 1
                                    

"Thank you, Natt ah. Kailangan ko kasi talaga mag linis sa condo." sabi ni Lucas habang nag kakamot pa ng batok. Natawa ako sa itsura nya dahil parang nahihiya saakin. Saakin pa nahiya e halos sapakin na nga ako. 


"Wala yun. Ikaw, mag pahinga karin. Alam kong masyado ka naring pagod." sabi ko naman at nilapag sa maliit na lamesa dito sa hospital room ni Lance ang pagkain na binili ko. 


"Parang gusto ko na nga lang rin kumuha ng body guard para bantayan si kuya." sabi nya na ikinatingin ko naman sakanya. 


"Great idea, bakit hindi mo sabihin sa mommy mo?" kunot-noong tanong ko sakanya habang inaayos ang mga pagkain sa lamesa. 


"Kaso, baka hindi rin ako makatulog kapag nasa isip ko na ibang tao ang kasama ni kuya dito." nakangusong sabi naman nya at umupo sa harapan ng lamesa. Natawa naman ako sa sinabi nya.


"Mas okay narin yun. Kesa naman madami kang ginagawa. Mag eexam narin kayo diba?" tumango sya saakin at kumuha na ng kanin. 


"Sana talaga gumising na si kuya. Ang hirap pag wala sya." natahimik ako sa sinabi nya lalo na nang may tumulong luha sa kanang mata nya. Agad nyang pinunasan iyon at sumubo ng pagkain na parang walang nangyari. 


Hindi ko na pinansin iyon dahil alam kong ayaw nya ring makita ko sya na umiiyak. "Ano ka ba, gigising rin yang kuya mo. Yan pa, mahal na mahal ka nyan. Hindi ka nyan iiwan." 


Tumango sya saakin at nag simula na kaming kumain. Saglit kaming natahimik dahil narin sa gutom, hindi ako nakakain kaninang break time dahil nawalan ako ng gana sa sagutan namin ni Daniel. Eto namang si Lucas, hindi nag sasabi na gutom na pala. Kung hindi pa ako bumili ng pagkain ay baka mamatay na sya sa gutom dito. 


Napatigil kami sa pagkain at parehong napatingin sa may pinto nang may marinig kaming kumatok. Tatayo na sana si Lucas para buksan ang pinto pero hinawakan ko ang pulsuhan nya at pinigilan syang tumayo. 


"Ako na." pag piprisinta ko at agad na tumayo para buksan ang pinto. Alam ko namang pagod na pagod na sya. 


Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay mukha ni Nora ang bumungad saakin, kasama yung mga kaibigan nya na nakilala ko sa Anthonys. Ang mas kinagulat ko ay kasama nila si Stacey. Ano to? Samahan ng mga babae ni Lance dati? 


"Oh, you're here Anastacia!" bati ni Nora saakin na nag pakunot naman ng noo ko. Sino si Anastacia? Mukha ba akong Anastacia? 


"Angelica ata pangalan nya." rinig ko pang sabi nung mga kaibigan nya sa likod. 


"Hindi, Bianca." napangiwi ako sa mga pinagsasabi nila. Niisa, walang tumama. 


"She's Natasha." rinig kong sabi ni Stacey na naka-crossed arms pa habang masama ang tingin saakin. Uhm, what did i do this time? 


"Oh yeah! Hi Natasha? You're nandito rin? Omg, sakto lang pala ang pag visit natin! She's Natasha guys, my kaibigan." maarte pang sabi ni Nora at kumapit sa braso ko habang pinapakilala ako sa mga kaibigan nya. 

Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now