13

63 2 8
                                    

"Nandito na po ako" pagod kong sabi nang makapasok ng bahay. Si yaya nanaman ang sumalubong saakin. Sa totoo lang, namimiss ko na yung mga panahong sila mommy at daddy ang sumasalubong saakin tuwing umuuwi ako galing school. 


"Kakain ka ba, ija?" tanong ni yaya saakin pero tipid lang akong umiling sakanya. Agad naman syang tumango saakin at umalis na. Napabuntong-hininga nalang ako at umakyat na sa taas para makapag-pahinga. Hanggang kelan kaya kami ganito? 


Nag palit lang ako ng over-sized tshirt at shorts. Pagod kong binagsak ang sarili sa kama at tumulala sa kisame. Sobrang dami nanaman nang nangyari ngayong araw. Namimiss ko na talaga yung sabay-sabay kaming kumakain sa hapag-kainan. Ngayon, halos mag iwasan kami sa buong bahay sa sobrang awkward ng paligid. Buti nalang at kela Lance ako kumakain. 


Kamusta na kaya si Ate Nathalie? Wala na akong balita sakanya simula nung kwinento ko si Lance. Sobrang tagal narin nun. Hindi ko naman sya nagagawang kamustahin dahil nga sobrang busy ko. Kinuha ko ang phone ko sa bed side table at minessage sya. 


To: Ate Nathalie <3

Ate, kamusta buhay dyan? Okay ka lang ba? Lagi kang kumain sa tamang oras ah. Itext mo ako pag may umaaway sayo dyan, lilipad ako papuntang states. Wag mo kaming alalahanin dito sa Pinas ate, sobrang okay kami dito. I miss you, ingat ka palagi. :))


Ayokong ipaalam kay ate ang nangyayari dito sa bahay. Alam kong naiistress narin sya sa pag aaral nya sa States kaya ayoko nang dumagdag pa kami sa aalahanin nya. Alam kong mali pero baka lalo pang lumala ang lahat pag umuwi si ate dito. 


Napabuntong-hininga nalang ako at napapikit. Gusto ko nalang humiga buong araw dahil sa sobrang pagod. Pero, hindi pwede. May tatlo kaming dapat pag handaan na quiz bukas. Hindi dapat ako tamarin. Siguro mga isang oras na tulog. 


Kasalukuyan akong nag rereview nang may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko, "Natt?" 


I was expecting na si mommy iyon pero napabuntong-hininga ako nang makita si kuya na naka-silip sa pinto. "Bakit?" 


"Wala. Natatakot ako sa baba, wala akong kasama." napangiwi ako sa sinabi nya. 


"Asaan sila?" 


"Si mommy nasa kwarto nila, si dad nasa guest room. Halos hindi na nga lumabas yung dalawang iyon eh." nakanguso nya pang sagot saakin at umupo sa couch na katabi lang ng study table ko. 


"Hanggang kelan kaya tayo ganito?" malungkot ko namang sabi at nag patuloy sa pag ha-highlight ng mga importanteng words sa book. 


"Wag kang mag-alala, magiging okay rin ang lahat." sana nga. "Atsaka, intindihin mo ang sarili mo. Balita ko binubully ka daw sa school?" 


Nabitawan ko ang highlighter na hawak nang marinig ang sinabi nya. Nanlalaki ang mga mata ko syang tinignan, "P-Paano mo nalaman?" 


"Ako pa ba? Halos lahat na ata alam ko sayo." 


Malay mo, TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon