32

56 3 2
                                    

"Tita-mami, tita-mami!" Napakunot ang noo ko habang nakapikit parin ang mga mata nang may marinig akong batang gumigising saakin. 



"Tita-mami, wake up na daw po!" sabi pa nya habang kinakalabit ako. Minulat ko na ang mga mata ko at bumungad saakin ang pagmumukha ni Niel. Napangiti ako nang makita sya. 



"Let's eat na, tita-mami! We have some visitors!" ngiting-ngiting sabi pa ni Niel habang tumatalon-talon. Napakunot naman ang noo ko nang sabihin nyang may bisita kami. Sino naman ang mga iyon at excited na excited syang makita ko? 



"Mag to-toothbrush lang ako, baby. Mauna ka na sa baba." 



"Okay, tita-mami!" matapos nyang lumabas ay napaunat-unat ako ng braso. Napatingin ako sa orasan dito sa kwarto ko at nakitang ala-una na pala ng umaga. Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ng kirot. 



"Gusto ko pa matulog!" sigaw ko at matutulog na sana ulit pero agad na napadilat ang mga mata ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. 



"Natt! Tumayo ka na dyan at tanghali na!" napasimangot ako nang marinig ang boses ni mommy. Wala akong choice kundi tumayo at ayusin ang sarili ko. Sobrang sakit pa talaga ng ulo ko, feeling ko matutumba na ako kapag naglakad pa ako masyado. 



Anong oras na ba kami nakauwi kagabi? Wala akong maalala! Matapos mag toothbrush at mag hilamos ay nag lagay lang ako ng lipbalm sa labi ko at nag suklay. Wala pa ako sa mood maligo dahil sobrang sakit pa nga ng ulo ko. 



Parang humaba ang ilong ko nang may maamoy na mabangong pagkain. Narinig ko pa ang tyan kong tumunog dahil sa gutom kaya naman hindi na ako naginarte pa at bumaba na ng sala. 



"Wow! Ang bango naman nyan!" sigaw ko pa habang papunta sa hapag-kainan. Napatigil naman ako sa pag lalakad papasok ng dining area nang may makitang tao. Malamang, may tao talaga. Pero, ibang klaseng tao. 



"Kumain ka na dito, Natasha." hindi ko napansin ang sinabi ni mommy dahil nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sakanila. Nagsalubong ang tingin naming dalawa nang lumingon sya sa banda ko at napalunok naman ako. 



"Natt!" nawala ang tingin ko sakanya at halos matumba pa sa gulat nang yakapin ako bigla ni Lucas. "I miss you!" 



Halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap nya kaya naman tinapik ko ang likod nya para humiwalay na sya. Napahawak ako sa dibdib ko at sinamaan sya ng tingin. 




"Ay, sorry." 



"I miss you too!" biglang pag babago ko ng mood at sya naman ang niyakap ng mahigpit. 



"Aray, Natt. Tama na." pagrereklamo naman nya nang sya na ang hindi makahinga. Natawa naman ako sa itsura nya. Tumangkad pa sya lalo, napapag-iwanan na talaga ako. Hanggang baba nya nalang ako. 




"Si kuya ba hindi mo yayakapin?" napatigil ako sa sinabi nya. Natahimik rin ang buong dining area nang sabihin nya iyon kaya naman napalunok ako. 

Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now