24

57 4 7
                                    

"Something happened to us, Natt." 


My heart almost dropped when i heard what she just said. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang sinabi nya. Para akong nag yelo sa kinatatayuan ko, hindi ko alam ang gagawin. Lalong lumakas ang hikbi nya nang sabihin nya saakin iyon. 


"I don't know what to do, Natt. Hindi ko alam kung alam ba nya. Natatakot ako." umiiyak na sabi ni Mica habang umiiyak parin at mahigpit ang hawak sa tyan nya. "Natatakot ako na mahusgahan ng mga tao. Natatakot ako na malaman ng lahat." 



"M-Mica." Walang lumalabas sa bibig ko kundi ang pangala nya kaya niyakap ko nalang sya na lalo naman nyang ikinaiyak. Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi nya kaya hindi ko alam ang sasabihin. 


"Matagal ko nang gusto si Daniel. Natatakot lang ako na lumapit sakanya, kausapin sya at umamin sakanya dahil natatakot ako na baka hindi nya ako magustuhan." i can hear the pain in her voice when i heard what she said. 


"At alam ko ring ikaw ang gusto nya, Natt. Nawalan ako ng pag-asa nang malamang ikaw ang gusto nya. Kasi sino ba naman ako para matumbasan ka, diba?" napapikit ako sa sinabi nya. Kung sya nasasaktan dahil hindi nya ako mapantayan, ako nasasaktan dahil may mga taong nag kakandahirap na pantayan ako. 


"I'm sorry, Mica." yun nalang ang lumabas sa bibig ko. 


"Hindi ko alam ang gagawin ko, Natt. Natatakot akong sabihin sa parents ko. Sigurado akong magagalit sila saakin. Natatakot ako." ramdam ko ang pagnginig ng mga kamay nya habang yakap yakap ko sya kaya naman dahan-dahan kong hinimas ang buhok nya. 


"Mica, don't be scared. I'm here, okay?" sinandal nya ang ulo nya sa balikat ko na para bang nanghihina sya. 


"Hindi ko alam kung gusto nya ako. Hindi ko alam kung gusto nya ba ako para gawin nya iyon saakin o talagang lasing lang sya kaya nya nagawa iyon." napapikit ako sa sinabi nya at may luhang pumatak sa gilid nang mata ko dahil doon. I can feel her pain. 


"Natatakot ako na baka ipalaglag nya yung bata---" 


"No! Don't say that, Mica." putol ko sa sasabihin nya at humiwalay sa yakap. Hinawakan ko ang mag kabilang balikat nya at hinarap sya saakin. "Daniel will never do that. He's not that kind of person." 


Tanging iyak lang ang sinagot nya saakin kaya naman napaiwas ako ng tingin sakanya. 


"Wag ka nang umiyak, Mica. Wala na tayong magagawa, nandyan na yan eh." naiiyak na sabi ko nalang rin sakanya. "Malalaman at malalaman yan ng parents mo. But before that, i want you to talk to Daniel. Let him know, Mica. Wag mong itago." 


"Pero, paano kung hindi nya tanggap? Paano kung iwan nalang nya ako?" 


"Mica!" inis na tawag ko sa pangalan nya. "Wala tayong mapapala kung mag-iisip ka nang mga ganyan. Kahit lasing si Daniel, alam nya ang ginagawa nya." 


"I-I'm scared, Natt." napabuntong-hininga nalang ako at niyakap sya ng mahigpit. 


Malay mo, TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon