27

42 5 1
                                    

"Oh my G! Super kinakabahan ako for next week! 4 days nalang at finals na natin. Gusto ko nalang mag pabaon sa lupa!" sigaw ni Sulli nang makalabas kami ng classroom para umuwi. Pinalo ko sya sa braso na ikina-aray nya naman. 


"Mag dahan-dahan ka nga sa sinasabi mo, Sulli. Gusto mong ibaon talaga kita sa lupa?" taas-noong sabi ko pa sakanya na ikinatawa naman nya. 


"Alam kong hindi mo gagawin yun." natatawang sabi pa nya at napatitig sa mukha ko. "Anong nangyari sa mata mo? Don't tell me nag puyat ka nanaman kaka-aral?" 


Natahimik ako sa sinabi nya at napahawak sa mata kong mahapdi parin hanggang ngayon. Ilang araw na akong hindi makatulog at puro iyak lang ang ginagawa ko. Hindi ko na nga alam kung normal pa ba ako. 


"Hanggang kelan ko ba sasabihin sayo na papasa ka nga? Don't stress yourself, Oh my G!" parang nanay na sabi pa saakin ni Sulli habang nakapameywang. Inilingan ko lang sya at nag patuloy na sa pag lalakad. 


"Alam mo para mawala yang stress mo, Inom tayo! Sa BGC!" napa-simangot ako sa sinabi nya. Meron talaga tayong kaibigan na dedemonyohin at dedemonyohin tayo eh.


 Wala ako sa mood mag inom ng alak ngayon at hindi ako iinom ng alak ngayon dahil... dahil ano, mag rereview! Ayon tama, mag rereview. 


"Ayokong uminom. Si Nico nalang ang ayain mo, atsaka bakit sa BGC pa? Ayan ang Anthonys oh, napaka-lapit." sabi ko nalang sakanya at inayos ang buhok kong nagulo dahil sa lakas ng hangin. 



"Nako, nag sasawa na akong kasama yung lalaking yun. Nag sasawa na ako sa mukha nya." reklamo pa ni Sulli na hindi ko naman agad pinaniwalaan. I gave her a 'hindi ako naniniwala' look na ikina-simangot naman nya. 


"I'm telling the truth, Natasha." 


"Okay, sabi mo eh." Speaking of the Devil, eto na si Nico. Tumatakbo papalapit saamin. Napahinto pa dahil may babaeng humarang sakanya at nag papicture. 


"Tignan mo yung lalaking yun, feeling famous hindi naman gwapo." rinig kong sabi ni Sulli habang masama ang tingin kay Nico at doon sa babae na ikinatawa ko naman. Hindi naman halatang nag seselos ka teh. Slight lang. 


Nahagip ng paningin ko si Daniel na palabas ng school. Hindi na ako nakapag-paalam kay Sulli na pupuntahan sya at dali-dali nang lumapit kay Daniel dahil baka mawala pa sa paningin ko. Hinawakan ko ang pulsuhan nya para mapatigil sya sa paglalakad. 


"Kamusta? Wala akong balita sainyo ah." sabi ko sakanya habang inaayos ang bag kong nagulo sa pagtakbo. 


Huminga sya ng malalim bago ngumiti saakin. "Okay naman pero hindi pa fully-okay. Nakapag-usap na kami ni Mica kung paano namin maaalagaan pareho yung baby. Sabi ko sakanya kapag ready na sya, ipapaalam na namin sa parents nya at kela mommy." 


Napangiti ako at napatango-tango sakanya. "Okay yon, magandang idea. Kaya pag butihin mo ang pag-aaral para sa finals para makapasok ka sa magandang college." 

Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now