22

41 4 1
                                    

"Andrea came here earlier. She told me that she ruined your projects." napatigil ako sa sinabi ni Sir. Para akong nabingi at hindi agad naintindihan ang sinabi ni Sir. 


"Po?" 


"Humingi sya ng tawad saakin dahil sa ginawa nya. But still, hindi tama ang ginawa nya sayo. Its your choice if you're gonna forgive her or what. Babawasan ko sya ng grade sa subject ko at ililipat ko iyon sayo. You don't deserve a friend like that." lalo pa akong napatigil sa sinabi nya. 


Seryoso ba? Sinabi iyon ni Andrea sakanya? Inamin nyang ginawa nya iyon? Ano naman ang pumasok sa utak nya at ginawa nya iyon?


"Pero, Sir. Hindi naman po ata tama ang bawasan nyo sya ng grade. Alam ko pong pinagsisikapan nyang mag-aral." sabi ko pa kay Sir. Alam kong lalong magagalit si Andrea sa sarili nya kapag nabawasan pa sya ng grade. Alam ko ring ginawa nya saakin iyon para sya ang maging Cum Laude. 


"Hindi rin tama ang ginawa nya sayo, Ms. Mendez.  Thank you for your effort to make these again." pinakita nya ang mga projects ko. "Dapat ay papalagpasin ko nalang iyon pero since nakita naming lahat ng teachers sa cctv ang ginawa ni Andrea, hindi ko magagawang palagpasin." 


Napayuko nalang ako. Kahit papano, naaawa ako kay Andrea. Alam kong ginagawa nya ang best nya para maging proud si daddy sakanya pero hindi nya ako kayang mapantayan kaya ganyan nalang ang ginagawa nya. 


"You don't have to worry about it, Ms. Mendez. Your grades is safe in my hand, alam rin nating lahat na wala kang ginawang masama." napabuntong-hininga nalang ako ng mahina at tumango sakanya. "You may now back to your classroom." 


Nagbigay ako ng galang sakanya bago tumalikod at lumabas ng faculty. Hindi na dapat ginawa ni Andrea iyon. Kaya ko namang ulitin ang lahat ng projects na yun. Lalo lang syang magiging disappointment kay daddy. Ayaw pa naman ni daddy sa lahat ang pinapatawag sa school. 


Gaya ng sabi ko, napahinto ako sa paglalakad nang makita kong papalapit si Andrea at daddy sa kinatatayuan ko. Galit ang mukha ni daddy habang nakatingin sa daan habang si Andrea naman ay halos itago na ang mukha sa mga estudyanteng nakakasalubong. 


Nagtama ang tingin namin ni daddy pero saglit lang iyon dahil agad syang umiwas ng tingin saakin. 


"Andrea, dito ka nalang sa labas. Ako na ang bahalang kumausap sa teacher mo." rinig kong sabi pa ni daddy sakanya. Hindi pa nakakasagot si Andrea ay agad na syang tinalikuran ni daddy at pumasok sa loob ng faculty. 


Hindi makatingin saakin si Andrea habang ako naman ay titig na titig sakanya. 


"Hindi mo na dapat ginawa iyon." napatigil sya sa sinabi ko. "Alam ko kung paano magalit si daddy, hindi mo na dapat ginawa iyon. Galitin mo na ang lahat, wag lang si daddy." 


"Mas okay nang magalit si papa saakin kesa ako naman ang makulong." napakunot ang noo ko sa sinabi nya. 


"Anong ibig mong sabihin?" kunot-noo kong tanong. Tinignan nya ako saglit pero agad rin namang umiwas ng tingin. Para syang naiiyak na ewan sa ginagawa. 

Malay mo, TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon