6

64 3 12
                                    

"You know what, Lance my baby? Its better if we go get a drink at Anthonys! Ang tagal narin nung huli nating nag kita and hindi mo pa siniseen ang mga messages ko! I miss you so much kaya!" 


Napairap ako sa hangin ng marinig ang sinabi ni Nora. Nakakain na kami at lahat lahat ni Lance ay kasama pa namin tong malanding to. Sabi ni Lance ay hindi naman nya girlfriend tong Nora na to pero kung makadikit sakanya daig pa linta. 


"Kailangan ko na kasing ihatid si Natt. Mag didilim narin." sagot ni Lance dito at napatingin naman ako sakanya ng banggitin nya ang pangalan ko. Himala, naalala nya pang kasama nya ako? 


"Nako, hindi na, okay lang. Mag cocommute nalang ako. Malapit nalang rin naman ang sakayan ng jeep dito." sabi ko pa at tinuro ang kabilang kanto. 


"How about you join us?" biglang sabi pa ni Nora na ikina-tigil ko naman. Ano? Gagawin na naman nila akong third-wheel? Para akong yaya dito na taga-bit bit ng mga pinamili nila eh. "Kaso, you're allowed ba to go to Anthonys? Are you 18 na ba?" 


Napataas ang isang kilay ko sa sinabi nya. Maliit lang ako, pero 18 na ko! 


Natawa naman si Lance sa sinabi ni Nora at kinuha ang mga dala dala ko. "She's already 18, Nora. So Natt, are you in? Baka pagalitan ako ng parents mo--" 


"G lang! Hindi na mag aalala yun kapag kasama kita." sabi ko nalang dahil yun naman ang totoo. Ayaw na nga ako pauwiin ng mga yun kapag kasama ko tong si Lance. Parang gusto na nilang pakasalan ko to agad. 


"So, let's go? yieee!" kinikilig na sabi pa ni Nora at yumakap nanaman sa braso ni Lance. Potek, pag ako talaga nainis gigitna ako sakanilang dalawa. Pero, syempre wala akong karapatang gawin yun. Mukhang okay lang naman kay Lance kaya bahala sila sa buhay nila. 


Nakarating kami sa Anthonys at napakunot ang noo ko nang makitang sobrang haba ng pila papasok doon. Monday ngayon pero bakit sobrang daming tao? Karamihan pa sakanila ay mga estudyante. 


"Omg, bakit ang daming people? Is there artista ba?" kunot-noong tanong ni Nora. So pati sya hindi alam? akala ko pa naman ay alam nya kaya sya nag yaya dito. 


Sumunod lang ako sakanila sa pila. Marami pa akong nakikitang mga taga-Mckinley pero umiiwas lang ako ng tingin dahil naka-uniform pa ako. Baka mamaya ay may makakita saakin dito. 


"Id, miss." biglang sabi ni Manong guard nang ako na ang sunod na papasok sa loob. Ibibigay ko na sana sakanya yung id ko pero napatigil ako nang bigla syang mag salita. "Ikaw yung kasama ni boss Daniel nung isang araw diba?" 


Napakunot ang noo ko pero agad rin namang napaawang ang labi nang maalala. "Ah opo." 


"Asaan sya ngayon? Bakit hindi mo kasama?" tanong nya pa saakin at tumingin sa likod ko kung nasaan si Lance at Nora. "Oh, boyfriend mo ba to iha?" 


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni manong guard habang nakaturo pa talaga kay Lance. "H-Hindi po! Eto na ang id ko oh! Tignan mo na!" 


Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now