28

34 2 0
                                    

Napatigil ako nang makitang may luhang pumatak sa pisngi ni Lance. Onti-onti syang napayuko at napahigpit ang hawak sa gitara. Nakaramdam ako ng kirot sa puso nang makita syang umiiyak, ng dahil saakin. Napahigpit ang hawak ko sa railings at napasabunot sa sarili. 


"Bakit ko ba ginagawa to?" bulong ko sa sarili ko at napaiwas ng tingin kay Lance. Alam kong nasaktan sya sa mga sinabi ko kanina, but i didn't mean it. 


"Natt!" tinawag pa ako nung lalaking kausap ko kanina pero hindi ko sya pinansin at nag patuloy sa paglalakad pababa sa 1st floor. Nakipag-siksikan ako sa mga taong nagkukumpulan dito sa dance floor hanggang sa makalapit ako kay Lance. 


Nakayuko parin sya hanggang ngayon at hinahayaan lang ang mga luha nyang kumawala mula sa mga mata nya. Napahigpit ang hawak ko sa bag ko at napapikit sa sakit na nararamdaman. Bakit kailangan ko syang makitang nagkakaganito?


I cleared my throat at kinuha ang panyo ko mula sa bulsa. Onti-onti akong lumapit sakanya at inilahad ang panyo sa harapan nya. Napatigil sya saglit at dahan-dahang umangat ang tingin saakin. 


"Mahal yang panyo ko pero para sayo ipapahiram ko. Ayoko nang may umiiyak." pagbibiro ko pa sakanya para naman hindi maging awkward ang paligid. 


"N-Natt.." gulat na tawag pa nya sa pangalan ko. Natawa ako ng mahina dahil sa reaksyon nya at kinuha ang kamay nya. Nilapag ko sa palad nya ang panyo ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay nya. 


"I'm sorry. I'm sorry, Lance. You go through all of this because of me." pagpapatawad ko sakanya. Napatitig ako sa mga magaganda nyang mata at hindi na namalayang lumuluha narin pala ako. 


"I'm sorry for making you feel alone. But you're not. You're not alone, Lance. I'm here at your back. If you ever feel lost, just turn around, i'm always here." i said those words while staring at his eyes and tears falling down from my eyes. 


"I-I'm just scared. I'm scared that we can't make it. Natatakot ako na baka masayang lang ang oras natin para dito. I want you to stay away from me para hindi na kita maisip habang nag rereview ako pero the more na tinataboy kita, the more na pumapasok ka sa isip ko." napapunas ako ng luha ko at napahinga ng malalim. 


"I just can't escape from you, Lance. Kahit saan ako mag punta, naiisip kita. Kahit anong ginagawa ko, naiisip kita. Kahit ibang tao ang kausap ko, iniisip ko na ikaw iyon. Hindi ako makapag-focus sa kaka-review dahil iniisip ko kung anong ginagawa mo, kung kumain ka na ba, baka hindi ka makatulog, baka may kung ano nang masama ang nangyari sayo." napahagulgol ako sa iyak habang sinasabi sakanya ang mga salitang iyon. 


I can't believe i'm saying this in front of him. I can't believe i have the confidence to say all of this to him. But i want him to know what i actually feel, that i can't live without him. 


"Natt," nakita ko ang pagkagat nya ng labi at pag-iwas ng tingin. "Damn, i fvcking love you." 


Napaiwas rin ako ng tingin sakanya nang sabihin nya iyon. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Kung yung iyak ko ba o yung kilig. Hindi ako makahinga, sobra-sobra na to. 

Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now