10

59 3 5
                                    

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang ka-call ko si Lance. Napatingin ako sa wall clock ng kwarto ko at nakitang 6am na. Tatayo na sana ako para mag handa sa pag pasok sa school pero napatigil ako nang makitang nakasuot pa saakin ang headphone ko. Tatanggalin ko na sana iyon sa pag saksak sa phone ko pero lalo akong napatigil nang makitang nasa screen ko parin ang pangalan ni Lance. 


"Hindi nya pinatay ang tawag?" kunot-noong tanong ko sa sarili. Kita doon kung ilang oras na naka-open ang call. Wala naman akong naririnig na boses sa kabilang linya. Tanging tunog lang ng aircon. 


Hinayaan ko nalang na naka-ganun iyon at tumayo na para maligo. Kahit papano, magaan ang loob kong nagising. Thank you, Lance. Nang lumabas ako ng kwarto ay sobrang tahimik ng buong bahay. Nakakapanibago. Parang dati lang, sobrang ingay nila mommy tuwing umaga. 


Mukhang nauna na rin si kuya na pumasok kaya naman naglakad na ako palabas ng subdivision para mag abang ng jeep. Hindi ko ugaling mag pahatid sa school gamit ang kotse. Dati, nung mga elem days, hinahatid pa ako ng driver namin. Pero, nang tumungtong ng highschool, napagdesisyunan kong matutong mag commute. Kasi, balang araw, alam kong sarili ko nalang rin ang kasama ko. Kaya naman, gusto kong matutong mamuhay nang walang hinihinging tulong sa iba. 


Habang nag hihintay ng jeep ay napakunot ang noo ko nang may marinig na nag salita. Tumingin ako sa mga katabi kong nag aantay rin ng jeep at lahat sila ay busy sa cellphone. Napatingin ako sa phone ko at nakitang nasa call parin pala ako.


Agad kong sinuot ang earphone ko at narinig ko ang boses ni Lance sa kabilang linya. Gising na sya. Napangiti pa ako nang marinig na pinapagalitan nya si Lucas dahil pinagsama sa labahin ang color at decolor. 


"Good Morning." bati ko sakanya at narinig ko namang napatigil sya sa pagsasalita kaya natawa ako. Pinagtinginan pa ako ng mga katabi ko, akala siguro nila baliw ako at tumatawa mag isa. 


"Good Morning, Natt. Kamusta ang tulog mo?" napakagat ako sa labi ko nang marinig ang malalim nyang boses. Ganto ang boses nya kapag bagong gising? Shet, kinikilig ako. 


"Okay na okay. Ang galing mo mag patulog eh." sagot ko sa tanong nya. 


"I sang to comfort you hindi para patulugin ka." sabi pa nya na ikinatawa ko naman. Sakto ay may nakita na akong jeep na papunta sa gawi ko kaya naman pinara ko na iyon. 


"Nakakaantok ba naman kantahin mo." biro ko pa sakanya at sumakay na ng jeep. Umupo ako sa malapit sa sakayan since yun nalang ang vacant space. Nag bayad narin ako para hindi ko na makalimutan mamaya. 


"Mckinley High po. Student." sabi ko naman matapos ipaabot ang bayad sa ibang pasahero. 


"Nasa jeep ka ngayon?" biglang tanong ni Lance sa call nang marinig akong nagbayad. Sinagot ko sya ng 'oo' at kinuha na ang sukli kong binigay ng driver. 


"Bakit nga pala hindi mo pinatay ang call? Hindi ba masisira ang battery ng phone mo dahil dito?" kunot-noong tanong ko sakanya. 


"I'm just worried that something may happen to you. At least, kasama mo ako sa pag tulog mo." biglang nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi nya. Bakit ba ganyan sya makipag-usap? Hindi ko tuloy alam kung nilalandi nya ako o sadyang nag aalala lang sya saakin. 

Malay mo, TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon