15

63 3 7
                                    

"Ouch!" daing ko nang may bumangga saakin. Hindi man lang ito nag sorry at patuloy lang sa paglalakad. Napailing nalang ako at binalewala iyon at nag patuloy ulit sa pakikiag-siksikan dito sa open field. Sobrang dami na nang tao kaya naman ang hirap humanap ng pwesto. 


"Bes, picturan mo ko mamaya, kunyari stolen!" napatingin ako doon sa sumigaw. Sobrang ingay kasi dito lalo na't nag hahalo ang mga usapan ng ibang tao, sabayan pa ng malakas na instrumental music. May nakita akong dalawang babae na nag uusap sa hindi kalayuan ko. 


"Cge-cge. Bente kada-shots!" rinig ko namang sigaw nung kausap nya. Sinamaan ito ng tingin nung isa at nag tawanan naman silang dalawa. May space sa gilid nila kaya doon ko nalang naisipang pwumesto. Gustuhin ko man sa harap, sa sobrang dami ng tao baka tapos na ang performance nila saka ako makarating doon. 


"Ngayon nalang ulit ako makakanood ng performance nila. Ano na kayang itsura ni Agnes ngayon, no?" sabi nung babaeng naka-salamin at mahaba ang buhok. May bandana na color blue ang naka-ipit sa ponytail nya. 


"Malamang mas lalong gwumapo. Pero, syempre mas gwapo parin si Gio." sagot naman nung isa na short hair at nakapa-headband ang tali ng bandana sakanya. Ang cute nilang dalawa. Napa-isip tuloy ako. Kung may kaibigan akong babae, sana ganyan rin kami. Sabay nag fafan-girl sa paborito naming banda. 


Mukhang napansin ata nilang nakatingin ako sakanila kaya umiwas ako ng tingin at lumayo ng onti sakanila. Nag panggap akong may hinahanap na tao dahil baka akala nila ay may gusto akong gawing masama sakanila. 


"Hi, miss!" napatingin ako doon sa tumawag saakin at nakita ko yung dalawang mag kaibigan kanina na tinitignan ko. Pareho silang nakangiti saakin ngayon. "Mag-isa ka lang ba?" 


"Ah.. may kasama ako. Kaso mukhang di pa sya dumadating." pag sisinungaling ko pa. Baka sabihin nila may gagawin akong masama sakanila which is not true!


"Ganun ba? Habang wala pa yung kasama mo, dito ka muna saamin!" nakangiting sabi pa nung naka-salamin. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa kabaitang pinapakita nila saakin. 


"Okay lang ba? Baka naiistorbo ko kayo."


"Ano ka ba? Nahiya ka pa. Kami lang to." nagtawanan silang dalawa dahil doon sa sinabi nung maiksi ang buhok. Habang ako ay ngumiti lang. "Atsaka, pag nalaman ng iba na mag-isa ka lang dito, baka may kung anong gawin sila sayo. Alam mo na, people nowadays. Marami pa namang lalaki dito." 


"True!" pagsasang-ayon pa nung naka-salamin sa sinabi nung kaibigan. "Ako nga pala si Selene." 


"I'm Aelia. You can call me Ael for short." pagpapakilala naman nung maiksi ang buhok. 



"I'm Natt." pagpapakilala ko naman sa sarili ko. 


"Saan ka nag aaral? Anong year mo na?" tanong pa ni Ael saakin. 


"Mckinley High, Senior, Graduating" umawang ang mga labi nila nang marinig ang sinabi ko. Anong mali sa sinabi ko? 

Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now