11

55 3 9
                                    

"Tao po." sigaw ko habang kinakatok ang pinto ng condo unit nila Lance. I'm expecting na si Lucas ang mag bubukas ng pinto since halos sabay lang kami umuwi pero napaawang ang labi ko nang bumungad ang gwapong mukha ni Lance saakin. 


"You're here, baby" napalunok ako sa sinabi nya at umiwas ng tingin. Narinig ko naman syang tumawa at nag bigay ng daan saakin para makapasok sa loob. Hindi ko tuloy alam kung paano ko ipapaliwanag sakanya iyon. 


"Natt! Namiss kita!" sigaw ni Lucas at tumakbo saakin para yakapin ako. Sobrang higpit ng yakap nya saakin to the point na hindi na ako makahinga ng maayos. Akala mo talaga hindi kami nag kita sa school. "Behave ako ah." 


Napangisi ako sa sinabi nya at tinapik-tapik ang likod nya sabay sabing, "Hindi ako makahinga." 


"Lucas, yung niluluto mo nanaman." biglang sabat ni Lance sa likod ko at agad namang napahiwalay si Lucas sa pag kakayakap saakin at mabilis na tumakbo pabalik sa kusina. Natawa ako sa kinilos nya at napailing-iling. 


"Okay ka na ba?" tanong saakin ni Lance nang makaupo ako sa couch nila. 


"Oum. May nag bantay saakin kagabi eh." natatawa kong sabi at nakita ko namang napaiwas sya ng tingin saakin. Natawa nalang ako at kinuha ang remote ng tv para mamili ng papanoorin sa netflix. Parang bahay ko narin to, wala naman silang reklamo sa mga ginagawa ko eh. 


"Yung lalaki kanina?" napakunot ang noo ko. Bakit parang mas nag aalala pa sya sa lalaki kanina kesa saakin? Pero, okay lang. Ako naman ang una nyang kinamusta. 


"Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sakanya. Nasampal ko naman sya ng malakas bago ako bumaba sa jeep." sabi ko pa habang binabasa ang description ng movie sa netflix. 


"Wala ba kayong kotse o kahit anong pwedeng sakyan?" tanong pa nya. 


"Meron kaming isang kotse which is yung kotse ng parents ko. Pero, madalas ay si kuya ang gumagamit. Atsaka, ayokong hinahatid ako ng kotse tuwing papasok ako ng school. Nakakaagaw atensyon sa ibang estudyante." pag eexplain ko pa sakanya at pinindot na ang movie na napili kong papanoorin. 


"Sumabay ka nalang saakin sa pag pasok." mabilis akong napatingin sakanya. Seryoso ang mukha nya habang nakatingin saakin which means ay hindi sya nakikipag-biruan. 


Natawa naman ako sa sinabi nya at binalik nalang ang tingin sa tv. "Ano ka ba? Ang layo-layo na ng school mo dito. Dagdag oras pa ang pag daan mo saakin sa bahay." 


"i'll just wake up early." napapikit ako sa sinabi nya sa inis. Ang teluk nya rin e no? Pareho sila ng kapatid nya. Ang hirap kausap. "I'll change my sleeping time so that i can wake up early and pick you up." 


"Lance, hindi na nga. Okay lang ako--" 


"No. I'll pick you up." putol nya pa sa sasabihin ko at napasinghap nalang ako ng hangin. Wala naman akong panalo sa lalaking to eh. Desisyon sa buhay. 


"Kain na!" hindi na ako nakapag-salita pa dahil nag tawag narin si Lucas sa kusina. Sabay kaming tumayo ni Lance sa pag kakaupo sa couch at naglakad papuntang lamesa. 

Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now