7

61 2 0
                                    

"Ms. Mendez, please help me with these." napatingala ako nang tawagin ako ni Mr. Rodrigo. Agad naman akong tumango at nag mamadaling pumunta sa teacher's table para bitibitin ang mga cartolina, which is yung project namin. "Mauna ka na sa faculty, ipapasa ko lang to sa Principal." 


"Noted, Sir." agad ko namang at lumabas na kami pareho ng classroom. Habang papunta sa faculty ay hindi ko maiwasang hindi mapasimangot. Paano ba naman kasi, ang dami-daming boys sa classroom, ako pa ang inutusan. Hindi naman sa tamad ako, pero ang unfair kasi. 


"Natt?" napatingin ako doon sa tumawag saakin. Oh, it was Nico. He's my bestfriend since 4th grade. Nagkahiwalay kami ng section last last school year kaya hindi na kami masyadong close ngayon. I heard he have a girlfriend already. 


"Nico." nakangiting bati ko naman sakanya at inayos ang pagkakahawak sa mga cartolina. 20 kaming lahat sa classroom. So basically, 25 cartolina ang hawak ko ngayon. Nakakaawa naman ako. 


"Saan ang punta mo?" tanong nya saakin habang kunot-noong nakatingin sa mga cartolina na hawak ko. 


"Inutusan ako ni Mr. Rodrigo na dalhin to sa faculty." 


"Ganun ba? Let me help you." hindi na ako tumanggi at binigay sakanya ang kalahati. Sa kabilang building pa naman ang faculty ng mga senior high teachers, hindi ba naisip ni Sir yon? 


"Kamusta naman? Ngayon lang ulit ako napadaan sa building nyo." natatawang sabi nya pa habang sabay kaming nag lalakad papuntang kabilang building. 


"Okay naman. Wala namang nag bago sa buhay ko." sabi ko pa na ikinatawa naman nya lalo. "Ikaw? Kamusta kayo ng girlfriend mo? Ikaw ah, may girlfriend ka na pala di mo sinasabi saakin. Parang hindi kaibigan" 


Natawa sya sa sinabi ko habang napasimangot naman ako sa naging reaksyon nya. "We broke up." 


Napahinto ako sa sinabi nya. Tawang-tawa pa sya habang sinasabi yun. "Seryoso?" 


"Last week lang." sagot pa nya na para bang wala lang sakanya iyon. 


"Matagal rin kayo diba?" 


"Yup. 3 years." napaawang ang labi ko. Ganun ganun lang sakanya ang 3 years na yun? Hindi ako makapaniwala sa lalaking to. 


"Bakit ganyan ang reaksyon mo? Parang masaya ka pa." 


"Anong gusto mo gawin ko? Mag mukmok ako? Mag kulong sa kwarto? Mag pakamatay?" automatic na gumalaw ang kamay ko at binatukan sya. Napahawak naman sya doon at napaaray. 


"Mag dahan-dahan ka nga sa mga sinasabi mo. Tatadyakan kita dyan eh." natawa naman sya sa sinabi ko habang napailing lang ako. "So, bakit kayo nag break?" 


"She cheated." napatingin ako sakanya ng sabihin nya iyon. Walang emosyon ang mukha nya at nakatingin lang ng diretso sa daan. 


I faked a laugh para hindi maging awkward ang simoy ng hangin. "Yang mukha na yan? Ipagpapalit pa?" 

Malay mo, TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon