Kailangan ko bang malaman ang totoo? Kaya ko ba? Kaya ko bang tanggapin? Pero kung hindi ko aalamin ngayon, kailan?

Huminga ako ng malalim bago tinahak ang entrance ng ospital. Marahan akong naglakad patungo sa elevator. Para akong lumilipad habang paakyat ang elevator. Napatingin sa akin ang isang babaeng nurse na kasabay ko sa elevator.

"Are you okay, Ma'am?" Tanong nito

Huminga lang ako at tumango."I'm okay." Sabay ngiti ko

Tumango ito at hinayaan na ako. Nang bumukas ang elevator ay agad akong lumabas duon. Suminghap ako at naglakad patungo sa opisina ni Dra. Fernando. Nagtanong ako sa nakita kong nurse kung meron ba si Doktora.

"Meron po siya, Ma'am. Marami po kasing pasyenteng nagpapacheck up sa kanya." Sabi nito at sinamahan ako sa opisina ni Doktora. Pumasok kami sa isang pinto at nakita ko duon ang kapwa ko buntis na nakaupo sa mga benches naghihintay sa pagtawag sa mga pangalan nila.

"Upo muna kayo ma'am. Tsaka pakifill up na lang po ito." Sabi ni Miss Nurse at may ibinigay sa akin na papel.

Pagkatapos kong fill upan yung binigay niya ay agad ko itong ibinigay sa kanya. Ngumiti ito at pumasok sa opisina ni Doktora para ibigay yung papel na pinirmahan ko. Umupo ako sa tabi ng isang babaeng malaki na ang tiyan. Siguro ay kabuwanan na nito. Halos magkasing laki lang sila ng tiyan ni Ania eh.

Inilibot ko ang aking tingin sa mga pasyenteng naghihintay. Yung mga iba ay malalaki na ang tiyan. Meron din na hindi pa halata. May mag isa at mayroon din namang kasama ang mga asawa nila.

Napatingin ako sa isang dalagita na tumabi sa akin. Nakasuot ito nang maternity dress at nakabraid ang buhok. Tinignan ko ang tiyan nitong mas malaki pa sa akin. Kumunot ang noo ko nang makita kong parang nanginginig ang mga kamay nito.

"Okay ka lang?" Tanong ko

Nagulat ito sa pagtatanong ko at bahagyang nanlaki ang mga mata."Opo Ate, Okay lang ako." Nahihiyang sabi nito

Tinignan ko siya. Ang bata pa niya masyado para magkaroon ng baby. Tsaka nasaan ang kasama nito? Wala ba siyang asawa o boyfriend?

"Sinong kasama mo?" Tanong ko ulit.

Nakita ko ang pagiging uneasy niya. Para bang nag aalinlangan siyang sagutin ang tanong ko.

"Sorry. Masyado ba akong chismosa?" Nahiya ako sa pagkachismosa ko. Nakakcurios naman kasi ang dalagitang ito. Mukhang highchool pa lang ah.

"Wala po akong kasama." Tumingin ako sa kanya..Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata.."Hindi alam ng mga magulang kong buntis ako." naiiyak na sabi nito

Natigilan ako. Hindi alam ang sasabihin.."Eh yong nakabuntis sayo?"

Umiling ito. Nakita ko ang isang butil na tumulo sa mga mata nito."Hindi niya matanggap. Iniwan niya ako."

Nahabag naman ako sa batang ito. Ang hirap ng sitwasyon niya. Hindi alam ng magulang at iniwan pa ng taong nakabuntis. Yan ang mahirap sa mga kabataan nayon eh, pag nakabuo, tatakbo. Nakakainis ang ganung mga lalaki.

Binigyan ko siya ng panyo. Kinuha nito iyon pinunasan ang luha nito.

"Salamat po Ate."

"Tumango lang ako."Ilang taon ka na?"

"Sixteen po." Di makatinging sagot nito.

Ang bata pa talaga niya. Nagbuntong hininga ako at pinakatitigan siyang mabuti." Kung hindi ka kayang panindigan ng lalaking nakabuntis sayo. Mas mabuting sabihin mo na yan sa mga magulang mo. Sila lang ang pwede mong takbuhan sa mga ganitong sitwasyo." Sabi ko

Tumingin ito sa akin."Natatakot ako ate. Sobrang laki ng expectations ng mga magulang ko sa akin. Natatakot akong itakwil nila ako." Yumuko ito at nagpunas ng luha.

"Maybe magagalit sila. They have too much expectations to you at yun ang pagkakamali nila. Dahil sa tingin nila ay perpekto ka at hindi nagkakamali. At sa expectations nilang iyon ay nagiging sanhi sa takot mo. Takot mong magkamali, madissapoint sila at bigyan sila ng problema." Hinawakan ko ang kamay niya."Try to being a strong woman. A woman who can tackle all the problems shows strenght. Wag kang magpadala sa takot mo." Sabi ko at ngumiti.

Nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Parehas kaming natatakot sa ano mang mangyayari. Kahit hindi pa namin alam ang totoong kalalabasan nito ay naduduwag na kami. Yun ang problema, masyado kaming takot na harapin ang problema kaya naduduwag kami.

Tumango ito at nagpasalamat sa akin. She's too young to have a baby. Kailangan nito ang suporta ng parents nito nang sa ganun ay hindi nito mapabayaan ang anak.Kawawa naman ang bata kung ganun.

Umabot sa isang oras ang paghihintay ko. Mas nauna pa ang dalagitang kausap ko kanina kesa sa akin. Hanggang sa ako na lang ang natira.

"Pasok na po kayo,Ma'am.." Sabi ng babaeng lumabas mula sa opisina

Kumabog ang puso ko ng sobrang lakas. Nangatog ang binti ko nang tumayo ako.Nawala ang takot ko kanina at ngayon ay parang mas lumakas pa ang kabog ng dibdib ko. Suminghap ako at naglakad papasok sa opisina ni Doktora.

Nang makapasok ako duon ay agad bumungad sa akin ang ngiti ni Doktora.

"Mrs. Rueva. Its good to see you again." Sabi nito at inilahad ang upuan sa harapan nito.

"hI doc." Ngumiti ako sa kanya kahit kinakabahan. Parang guto ko nang tumakbo palabas dito sa opisina niya.

"Check up for your baby?" Tanong nito at tumayo habang hinahawakan ang stethoscope nito.

Lumapit ito sa akin at itinapat ang stethoscope sa dibdib ko.

"Your heart beats faster? Kinakabahan ka ba?" Tanong nito

Lumunok ako."Opo." Sagot ko...

Kung ano ano pa ang ginawa niya sa akin bago ito bumalik sa upuan nito. Tumingin ito sa akin."I asked you a few more question, Mrs Rueva. Just answer me the truth."

Napalunok ako. Para bang nagslow motion ang lahat sa paligid ko. Pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga sa itatanong nito. Pinagpawisan ako ng sobrang lamig.

"Are you experiencing abnormal breathing?" Seryosong tanong nito

Nagulantang ako. Hindi makapagsalita. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba iyon o hindi. Lumunok ako ng ilang beses. Natahimik ako at para bang prinoproseso pa ng utak ko ang tanong nito.

"I can see to your reaction that you are experienced an abnormal breathing." Bumuntong hininga ito.."Kailan mo pa iyon naramdaman?"

"N-nung I-isang araw lang po Dok." Sagot ko

Tumango ito.."Kailangan muna natin ng iilang mga test para siguraduhin ang lahat. I know, you know theres a problem about you, right? Kaya nagpunta ka dito?"

Tumango ako.

"I'll tell you honestly, Mrs Rueva." Tinitigan niya ako ng mabuti at nagbuntong hininga.

Para akong nasa isang contests na hinihintay kung sion ang iaanounce na nanalo. Kumabog ng sobrang lakas ang puso ko at masyado itong maingay na parang sasabog na ito.

"Base on my observation to you. Sa pagkakaroon mo ng abnormal breathing,at ang hindi normal na pagtibok ng iyong puso..I'm sorry to say this but you have a hypertrophic cardiomyopathy."

Parang bulkang sumabog ang buong pagkatao ko. Na bulkan na ngayon lang sumabog at sobrang lakas ng impact nito sa akin. No! Hindi pwede. Hindi pwedeng mangyari sa akin ang katulad ng nangyari kay mama. Hindi ako makakapayag.

Tinignan ko si Doktora na para bang sinasabi na bawiin niya ang sinabi niya. Gusto kong magmakaawa na sabihin nitong biro lang ang lahat ng iyon. Pero umiling lang ito sa akin. Na para bang sinasabing wala ng pag asa.

.....................................................................................................

ano sa tingin niyo ang UD guys? hahaha..ano sa tingin niyo ang magiging ending nito? Sad ending o happy ending?

please votes and comments..

Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Where stories live. Discover now