Chapter 65: Scarlett Joo

Start from the beginning
                                    

"Tsk, ang hina pala ng pakiramdam ninyo. Hindi niyo ba naramdaman ang presensya ko?. Nandoon ako ng oras na iyon, pinag-aaralan ko ang bawat kilos ni Mae. Sa tingin ko nga naramdaman niya na may nanonood pa sa kanya sa mga oras na 'yon," kalmado kong sagot, alam ko na ilan sa kanila nagtataka na lalo na si Cloud. Sorry na lang siya hindi na ako agad mabibisto. Magaling kaya akong umarte.

"Bakit hindi mo pinaalam na nandoon ka? Paano kung nakita ka nya hah" saad ni Zeke sakin

Tiningnan ko siya ng seryoso. "Bakit ko ipapaalam sainyo? Baka malaman pa niya na may kasamahan pa sila Cloud sa labas. Edi, nahuli niya ako,"

"Scarlett, minsan ang kulit mo. Sinabi ko sayo na sa rest house ka muna manalagi. Nagawa mo pa talagang pumunta sa bahay nila Andrie," giit nitong sabi

Bigla akong tumayo sabay suntok sa mesa.

"Hindi na ako bata para sumunod na lamang sa lahat ng gusto mo. At tiyaka malay ko ba na nandoon si Mae sa bahay nila Andrie. Pumunta ako doon dahil gusto kong makausap ang fiance ko. Pati ba naman 'yon bawal hah!" sabi ko sa kanya na may halong galit sa aking boses

"A-anak! H-hindi naman sa pinagbabawalan kita na bisitahin ang fiance mo, kaya lang sana pinagliban mo muna. Alam mo naman na may mabigat tayong kaaway," saad nito

"Fiance mo pala si Andrie," singit ni Cloud

Bigla ko siyang nilingon.

"Bakit? May problema ba doon?" mataray kong tanong

"Anong gagawin mo ngayon, kapatid siya ni Mae. At hindi lamang iyon, sumama na siya sa grupo ng mga kapatid niya. Malaking problema ang haharapin natin," wika nito na ikinainis ko

Bigla akong lumapit sa kanya sabay kinuwelyuhan.

"Akala mo ba nakalimutan ko na ang ginawa mo. Ikaw ang bumaril sa paa niya kaya naman hindi siya makalakad ng maayos. Sa oras na maging lumpo siya dahil sa ginawa mo, gagawin ko din yun sayo," nandidilat kong sabi

"Scarlett, tama na yan," biglang saway ni Zeke sa amin kaya naman binitawan ko na siya

Naglakad na ako pabalik sa kinuupuan ko. Nilagok ko ang red wine na nasa tabi ng juice ko.

"Cloud, kumalma ka naman. Nakita mo ng anak siya ni Zeke," rinig kong sabi ng mga kasamahan niya sa kanya

"Tsk, whatever. Porket anak siya ni Zeke, magiging sunod sunuran ako sa kanya. Over my dead body!" wika nito

Bigla kong itinapon sa gawi nito ang isang shuriken.

"Shit!" daing nito dahil sa sakit

Agad naman nagsitayuan ang mga kasamahan nito dahil sa nangyari.

"Cloud! Okay ka lang ba?" tanong ng kapatid niyang si Cindy

"Tsk, walang hiya ka Scralett," saad nito

"Scarlett!" biglang tawag sakin ni dad

Agad ko naman siyang nilingon.

"Sinusubukan ko lamang siya. Bilita ko kasi na magaling siya sa pagiwas ng anumang bagay na itatapon sa deriksyon niya kaya naman sinubukan ko. Kaya lang-" nilingon ko siya habang nakangisi

"Kaya lang ano?"

"Kaya lang mali ang ibinigay sa aking impormasyon. Ang bagal niyang kumilos," dugtong kong sabi na dahilan ng ikinagalit nito

"Ano! Ako mabagal?" saad nito

Hinarap ko siya. "Oo, ang bagal mo. Kung si Mae ang gumawa niyan. I'm sure patay ka na,"

"I-ikaw-"

"Magsitigil na nga kayo! Hindi ito ang oras para makipag-away. May mission kayo na dapat gawin," wika ni tanda

"Hayst! Nagsalita na naman si tanda," wika ko na ikinainis naman nito

"Anong tanda? I'm your dad," he said

"Correction, my poster dad," walang gana kong sagot

"Whatever. Mabalik tayo. Alam kong naiinis kayo sa ugali ng anak ko, pero sana pagpasensyahan niyo na siya. Kulang kasi ang tulog niyan kaya naman ang kinikilos niya ay kulang-kulang din," dugtong nito

"Sinong kulang-kulang!" sabi ko na ikinatawa ng mga loko

"Hahahaha! Kulang-kulang!" malakas nilang tawa, maging si Zeke nakitawa narin

Ako ba ang kinakalaban nila. Agad kong kinuha ang mababasaging bago na nasa harapan ko, sabay tapon sa itaas ng kisame, sakto naman natamaan ang chandelier kaya naman bigla itong bumagsak.

[Boggghsh]

Natahimik silang lahat dahil sa nangyari.

"Sa susunod na magbiro pa kayo at tumawa na hindi maganda. Hindi lang chandelier ang babasagin ko sa mansion na ito. Baka maisipan kong pati yang mga bungo ninyo, basagin ko din" pananakot ko sa kanila na dahilan ng ikinatahimik nilang lahat maging si dad walang nasabi.

Tumayo na ako at agad kinuha ang bag ko.

"Akyat na ako sa kwarto. Kayo na maglinis ng kalat na'to, kayo naman ang dahilan nito kaya bumagsak yan," sabi ko sabay lakad pataas ng hagdan

Habang naglalakad ako paitaas, napansin kong ang tahimik parin nila.

"Nakalimutan ko nga palang magpakilala sainyong lahat. Ako nga pala si Scarlett Joo, ang dakilang sharpshooter at ang delikadong mafia sa buong mundo. Pangalawa ako kay Mae, kung hindi niyo alam." nakangisi kong sabi

Hindi parin sila gumagalaw, anong nangyari sa kanila. Baka natakot dahil sa ginawa ko. Mabuti kung ganon, kasalanan naman nila kung bakit ko sinira ang chandelier, ang ganda pa naman sana. Mayaman naman si Zeke, kaya niya yang palitan. I'm sure bukas na bukas may kapalit na yan.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko. Nilock ko ang pinto, baka may pumsok bigla. Ayoko pa naman ng istorbo.

Kinuha ko ang cellphone ko, sabay dialed ng number.

[Yes, hello!] biglang sabi ng kabilang linya

[Ako ito,] saad ko sa kanya

[Oh! Napatawag ka? May good news ka ba?]

[Bukas na bukas pupunta ako diyan, siguraduhin mong wala kana diyan dahil kailangan,] saad ko sa kanya

[Don't worry, alam ko na ang gagawin ko. Kamusta pala ang dad mo? Alam niya ba na tatakasan mo na naman siya ulit]

[Tumahimik ka na nga, kailan ba sinabi ng anak sa kanyang ama ang binabalak niyang pagtakas aber]

[Ay! Oo nga pala]

[Sige na, bukas na lang. Text mo ako kapag umalis ka na diyan sainyo]

[Opo,]

Agad kong pinatay ang tawag.

Napahiga na lamang ako sa malambot kong kama. Sana magtagumpay ang aking plano. Hindi ko siya malocate sa oras na ito. Natunugan kaya niya ako. Sana hindi, dahil masisira ang aking mga plano, lalo na't nakapasok na ako sa bahay ng mga ahas. Humanda sila sa akin, hindi lang ako si Scarlett Joo. May hindi pa sila alam tungkol sa pagkatao ko. Zeke humanda ka, ipaghihiganti ko ang pagpatay mo sa magulang niya. Kulang pa ang buhay mo para pagbayarin mo ang lahat ng mga kasalanan mo. Kung akala mo hindi ko pa alam ang pinaggagawa mo sa kanila. Isa kang malaking kasinungalingan sa kanila. Maging si Elle, na kapatid niya dinamay mo pa. Ang sama mo talaga. Sana bukas matapos na ang kasamaan mo.

Sana bumalik na sa dati ang lahat. Ang sakit ng mga ginawa mo sa pamilya niya. Kinuha mo ang lahat ng pinakakamahal niya.

Habang sinasabi ko ang mga katagang ito, hindi ko na napigilan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. Kaya naman hinayaan ko na lamang itong tumulo hanggang sa tumigil.

💕💕END OF CHAPTER 65💕💕
Next chapter will be posted soon.
Sorry for typographical and grammatical errors.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now