Chapter 61: Andrie Han

Start from the beginning
                                    

"Okay, humanda na kayo. Aalis tayo ka agad upang makarating tayo sa tamang oras," wika ni Jin Yang sa kaniyang kasamahan

"OKAY!" sabay-sabay nilang sabi

"Sandali! Paano si Xian?" biglang sabi ni Tian Qi

Bigla namang napatango ang lahat.

"Dadaanan natin siya sa hospital. I'm sure, hindi siya makakatanggi kapag tayo na ang pumunta sa kanya," sagot ni Jin Yang sa kanila

"Tama, kahit lumuluksa siya ngayon. Alam kong importante parin na ligtas ang dalawang Han," pagsangayon naman ni Jian Yi

"Kaya naman mag-ayos na kayo,because within 10 minutes. Aalis na tayo," wika nito ulit sa kanyang mga kasamahan

Nagsitakbuhan na sila papuntang kwarto.

Sa kabilang dako naman...

"Boss, nagtagumpay si Ashley sa pagpatay kay Qin Sang," saad ng isang tauhan sa isang maganda binata na panay tingin sa kanyang alagang isda.

"Kamusta ang dalawang Han?," biglang tanong nito sa tauhan,

"Sa pagkakaalam ko po, lubos siyang nasaktan sa nangyari sa kaibigan niya," sagot nito sa binata kaya naman biglang napalingon sa kanya ang binata.

"Magaling kung ganon, tiyak akong sa oras na ito namumula na ang kanyang mga mata dahil sa kakaiyak," nakangising sabi ng binata.

"Boss, pwede po ba ako magtanong," saad ng tauhan sa kaniya

Napatingin naman ang binata sa kanya. "Sige, ano ba ang itatanong mo?,"

"Bakit po ba galit na galit kayo sa pamilyang Han?" tanong ng kanyang tauhan sa kanya

Bigla itong natahimik. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang tanong na 'yon.

"Alam mo, gusto kong sagutin ang tanong mo. Pero, hindi pa sa ngayon," mahinahon nitong sagot

"Ayos lang po Boss, hihintayin ko na lang ang araw na kaya niyo na pong sabihin sakin ang totoo," wika nito sa kanya

Napangiti ito ng peke. "Salamat Dianne, pwede bang iwan mo muna ako mag-isa," saad nito sa kanyang tauhan

"Sige po,"

Lumabas naman ang dalaga at naiwan siyang mag-isa.

Nang mag-isa na lamang siya, bigla itong tumayo at naglalakad patungong bintana at tiningnan ang magandang tanawin sa labas ng kanyang mansion.

Kumuha siya ng isang piraso ng sigarilyo sa pakete, at agad sinindihan niya ito.

"Kung alam lang nila kung anong nangyari sakin sa kamay ng mga Han," wika nito habang nakatingin parin sa labas ng bintana

Kung mapapansin sa kanyang mga mata, makikita mo ang lungkot at pangungulila dito.

"Kung hindi lang sana nila ako pinagtabuyan, nasa tabi parin nila ako ngayon. Kaya lang pinagkait nila sakin ang trono na matagal ko ng pinapangarap. Bakit kasi sa lahat ng pwede nilang pagmanahan ng trono, bakit si Mae pa. Bakit hindi na lamang ako," saad nito sa hangin

"Boss!" biglang tawag sa kaniya ng isang tauhan.

Bigla niya itong tiningnan. "Bakit? May nalaman ba kayong balita," tanong nito dito

"Napag-alaman po namin na papunta ngayon dito si Mae kasunod niya po ang kanyang kapatid na si Min. Ano po ang gagawin natin," sagot nito sa kanya.

Bigla siyang nagulat sa nalaman.

"Maghanda kayo, magaling si Mae sa kahit anong paraan," saad nito

"Okay po,"

Sa huling sandali, napatingin siya sa labas.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now