KABANATA 50

83 3 0
                                    

KABANATA 50

"Sure ka d'yan? Friends na lang kayo ni Jessie? You're crazy!" 

Napahawak si Ryma sa tainga niya sa sigaw na iyon ni Jaydon. Katabi niya lang naman pero tumaas pa ang boses nito na para bang hindi niya maririnig iyon kapag hindi nilakasan. Nakaupo silang dalawa sa mahabang upuan sa loob ng arcade habang tinatanaw ang mga anak nilang nakasakay sa rides.

"Anong magagawa ko? Iyon ang gusto niya. May girlfriend na 'yong tao. Makaka-move on din ako." Humigop siya sa hawak niyang malaking bote ng buko shake. 

"Magulang kayo ni Jaira. Sa tingin mo, makakalimutan mo agad si Jessie? No! I know you. Marupok ka. You shouldn't accept that friendship. You'll get hurt. Nakita ninyo na ang lahat sa isa't-isa 'tapos friends?"

Huminga siya nang malalim. "Tanggapin ko man o hindi, masasaktan pa rin ako. Isa pa, maganda 'yong magkaayos kami para maging madali para sa kaniya kapag sinabi ko na ang tungkol kay Jaira."

Humigop din ito sa hawak na mik tea. "Paano mo ipapaliwanag kay Jaira na hindi na puwede mabuo ang pamilya niya? Umasa ang inaanak ko."

Pinagmasdan niya ang anak na may matamis na ngiti sa mga labi. "Hindi ko rin alam, Jaydon." 

Tinapik ni Jaydon ang ulo niya at hinila siya para tumayo. "You know what, let's eat. Ililibre ko kayo ni Jaira."

Sumama na siya sa kaibigan at sinundo ang anak niya. Nagreklamo na rin namang gutom na ang mga bata kaya umalis na sila ng arcade. Si Jaydon ang pumili ng restaurant para sa kanila. Hindi naman nagreklamo ang mga batang sa fast food restaurant na lang kumain dahil pagod na rin ang mga ito sa paglalaro.

"Jaira, ang dungis mong... kumain," puna ni Adonis sa anak ni Ryma.

Nagkatinginan sila ni Jaydon nang punasan ng anak nito ang bibig ng anak niya. Napailing siya samantalang natawa naman ang kaibigan niya. Mukhang kailangan niyang magbantay.

"Jaydon, ilayo mo 'yang si Adonis sa anak ko. Bata pa ang baby ko."

Lumakas ang tawa ng kaibigan niya. "My little boy was just concerned to your baby. I think they will become best friends. 'Di ba, roon kayo nagsimula?"

"Huwag mo akong simulan."

Kung wala lang mga bata sa harap niya, hinampas niya na ito nang malakas. Marami nga siyang naging kaibigan pero bakit halos lahat ay gusto siyang inisin. Lagi pang pinagdiskitahan ang love life niyang sawi.

Pinagmasdan niya na lang ang anak habang kumakain. Napapangiti siya kapag nililibot nito ang paningin at pinagmamasdan ang mga tao. Ilang sandali pa ay kukunot ang noo pero bigla rin namang mawawala.

Manang-mana kay Jise!

"Itay..."

Natigilan siya sa pagkain at tumunghay sa anak. Sinundan niya ang tingin nito at nanlaki ang mga mata niya nang makita si Jessie sa entrance ng restaurant kasama si Vanessa. Kausap nito ang isang crew.

"Kamukha siya ni Itay!" Bigla na lang tumalon sa upuan ang anak niya at tumakbo papunta sa gawi ng lalaki.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang lumapit ang anak niya kay Jessie at hinila ang laylayan ng polo ng binata.

Hindi siya makakilos sa upuan niya. Hindi niya magawang tumayo para puntahan ang kaniyang mag-ama. Parang tumalon ang puso niya nang lumingon si Jessie kay Jaira. Hindi niya alam kung bakit tila may rekognisyon sa mukha nito. Alam ba nitong may anak sila?

"Shit! Puntahan natin si Jaira." Hinila siya ni Jaydon habang buhat naman nito ang anak sa isang braso.

Umusbong ang kaba sa dibdib niya nang magtama ang mga mata nila ni Jessie. Parang marami itong gustong tanungin pero mas binigyan nito ng pansin ang batang nasa harap nito. Agad itong umupo sa paanan nito para matapatan ang mukha ng anak niya.

Unlock to Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon