KABANATA 13

74 4 4
                                    

KABANATA 13

“Paano ka uuwi?” Puno ng pag-aalala ang himig ni Ryma habang nakatingin kay Jessie.

Tanghalian na kaya umuwi na siya at isinama niya ito para pakainin ng mga handa niya. Ngayon ay namroblema siya para sa lalaki. Siguradong lagot ang binata sa daddy nito sa oras na makita ang hitsura.

“Obviously, I’ll walk ’cause it’s near naman,” simpleng sagot ng kaibigan niya at uminom ng orange juice.

Sinamaan niya ito ng tingin. “Seryoso kasi, Jise.”

“Well, I’m serious…”

Napabuntong-hininga si Ryma. “Ihatid kita! Para ma-explain ko ang nangyari. Sasabihin kong napag-tripan lang tayo at wala kang kasalanan.”

Dinilaan nito ang pang-ibabang labi. “You’ll lie. We both know that I’m at fault. Kahit magpaliwanag ka, hindi rin maniniwala si Daddy.”

Tiningnan niya ang kaibigan niya habang masiglang kumakain. Nang makitang paubos na ang laman ng plato nito, agad niya iyong sinalinan. Hindi naman ito nagreklamo at nagpatuloy lang sa pagkain.

“Basta, ihahatid pa rin kita.”

“Can’t get enough of me? Hanggang bahay, ayaw mo akong pauwiin. Just tell me, Ry. I can sleepover here if you want.”

Hinampas niya ito at inirapan. Tumayo siya at hinayaan na lang ang binatang kumain habang tumatawa. Napagpasyahan niyang pumunta sa sala kung nasaan ang ibang kapatid niya at ang mama  niyang nakaupo sa pang-isahang sofa. Abala ang kaniyang ina sa cellphone. Gayunpaman, nilapitan niya ito.

“Ma, nasaan na ga po ang iyong binibida sa aking bisita ninyo? Bakit wala pa?”

“Mamayang hapon pa. Traffic kasi at na-delay ang flight ni Al kanina,” iritadong imporma ng kaniyang ina.

“Flight?”

Hindi niya napigilang magtanong. Kataka-takang may malayong kaibigan ang kaniyang ina. Base pa sa sinabi nitong pangalan, lalaki ang hinihintay nito. Ayaw niyang mag-isip nang masama kapag may mga kilos ang kaniyang inang hindi niya maunawaan. Ayaw niyang magduda pero hindi niya mapigilan.

“Galing CDO. Ang tagal nga, e!” Tumayo ito at umakyat na lang sa taas.

Wala siyang ibang nagawa kundi sundan ito ng tingin. Gusto niya pang magtanong. Gusto niya pang mag-usisa pero baka lumabas na minamasama niya ang pagbisita ng sinasabi nitong “kaibigan”. Ayaw niya nang bumalik ang dating pakikitungo ng ina sa kaniya at sa mga kapatid niya. Animo’y ang lalaki lang nito ang mahalaga sa buhay nito.

“Pangga!” 

Nawala siya sa malalim na pag-iisip dahil kay Jessie. Gawain na talaga nito ang gulatin siya pero hindi pa rin siya nasanay. Hinarap niya ito at bahagyang sinabunutan. Natitigan niya na naman ang mukha nitong may mga pasa at sugat. 

Nang makarating sa bahay, tinanong agad ng mama ni Ryma kung anong nangyari. Sinabi niya naman ang totoo. Tunay naman talagang sila ang dehado dahil ang mga iyon ang sumugod kay Jessie na walang kalaban-laban.

“Busog ka na ga?” tanong niya sa binata.

Nakangiti itong tumango. Hinimas nito ang tiyan at inayos ang buhok nitong sinabunutan niya. Mukha tuloy itong unggoy.

“Tara na, ihatid na kita.”

“Hindi ba tayo magpapaalam sa… mama natin?” 

Tumaas ang isang kilay niya. “Mama natin? Mama ko!”

Napalingon tuloy ang mga kapatid ni Ryma dahil sa pagtaas ng boses niya. Kaya kung ano-anong inisip ng mga taong nakapaligid sa kanila ay dahil sa mga kilos na iyon ng kaibigan niya. Aminado na siyang may crush siya rito pero ayaw niya namang isipin ng mga tao na may “something” sa kanila kahit wala naman.

Unlock to Love AgainWhere stories live. Discover now