KABANATA 48

55 3 0
                                    

KABANATA 48

Abala sa paglalabas ng bagong designs si Ryma sa kaniyang botique nang gulatin siya ni Noel. Nasapo niya tuloy ang dibdib niya at hinampas ito. Tumawa lang ang binata kaya napailing siya.

“Where’s Jaira?” tanong nito sa kaniya.

“Nasa bahay. Walang pasok ngayon. Mabuti nga ay natutulog pa nang umalis ako. Siguradong sasama na naman iyon.”

Tiningnan siya nang masama ng binata. “Ang sama mo sa inaanak ko. Iiyak ’yon kasi tinakasan mo.”

Tumaas ang isang kilay niya. “Ang mga tita niya ang bahala sa kaniya.”

“Nanay ba ang tawag mo sa sarili mo?” pabirong tanong nito sa kaniya.

Hahampasin niya sana ang braso nito pero agad itong nakalayo. “Bakit ka ba nandito? Wala ka bang pasyente? Sinong pabaya sa atin ngayon?”

Inabot nito ang isang plastic. “Ibigay mo sa kaniya ’yan. Sabihin mo, galing sa paborito niyang Dada Noel.”

Suminghap si Ryma. “Laruan na naman ba ’to? Ang daming laruan ng anak ko. Ayaw kong lumaki sa luho ’yon. Baka maging sutil pagtanda ’tapos kinukunsinti mo pa.”

“Huwag ka ngang OA, Ryma. Art materials ’yan. Hilig niya na palang mag-color?”

Agad siyang tumango at itinabi ang plastic. “Oo ’tapos nahilig din sa pagsasayaw. Manang-mana kay Jise.”

Sandali silang natahimik. Para bang malaking kasalanang binanggit ang pangalan ni Jessie. Tila hindi pa handang pag-usapan ang tungkol sa binata.

“May balita ka na ba sa kaniya?” basag nito sa kanilang katahimikan.

Agad siyang umiling. “Hindi ko alam. Ayaw niya na sigurong… bumalik kaya tumagal siya roon.”

“Paano si Jaira? Hinahanap niya ang tatay niya.”

Hindi niya na talaga alam. Habang tumatanda si Jaira, mas marami na itong tanong sa kaniya. Hindi niya na ito makuha sa mga salitang babalik din ang ama nitong hindi man lang nito nakita at nakausap. Hindi niya na ito mapaniwalang abala lang talaga si Jessie kaya hindi ito magawang bisitahin.

Nagpakawala siya nang malalim na hininga. “Hindi ko rin alam… kung paano ang gagawin ko, Noel.”

Ilang sandali pa ay may pumasok sa botique ni Ryma. Iyon ang unang customer niya sa araw na iyon kaya agad niya itong nilapitan at iniwan muna si Noel sa counter. Nakatalikod sa kaniya ang babae kaya hindi niya agad nakita ang mukha nito.

“Good morning, ma’am. What can I do for you?” magiliw niyang tanong at itinapat sa tiyan ang magkadaupang palad.

“I’m looking a possible gift for my niece.” Humarap ito sa kaniya at parang binuhusan ito ng malamig na tubig nang makita siya. “Ryma?”

Naging tipid ang malawak niyang ngiti. “Nice… to see you again, Vanessa.”

“Nice… to see you too,” hindi nito mapakaling bati.

Tila natensiyon ito sa sitwasyon kaya hindi niya maiwasang magtaka sa kinilos ng dalaga. Panay din ang lingon nito sa entrance ng botique kaya napatingin din siya roon.

Parang nalaglag ang puso niya nang makitang palapit si Jessie sa kanila. Ibang-iba na ang hitsura nito kumpara noon. Mas kagalang-galang ito sa suot na white long sleeves polo at itim na trouser. May eyeglasses na rin ito sa mga mata na nakadagdag sa awra nitong puno ng awtoridad.

Napalunok siya nang lumapit si Jessie sa kanila. Walang salitang lumabas sa kaniya. Kahit hindi niya mabasa ang ekspresiyon sa mukha ng binata, kontento na siya roon. Ang mga mata pa lang nitong mariin ang tingin sa kaniya ay para na siyang nilusaw sa kinatatayuan niya.

“It’s… been four years. Wait, I think five years?” May bahid ng sarkasmo ang tinig nito.

Sinabi mong isang taon ka lang pero hindi ka agad umuwi!

Inikot ni Jessie ang paningin at bigla na lang umigting ang panga nito. “Is this yours?”

Hindi siya makasagot. Nakatitig lang siya sa mukha nito. Mukha itong galit pero bakit gusto niya pa rin haplusin ang mukha nito. Gusto niyang yakapin ang binata pero alam niyang galit ito sa kaniya.

Hindi niya namalayang nasa likod niya na pala si Noel; nakipagsukatan ng tingin kay Jessie. “Ang tagal mong nawala. You missed… many things.”

Bigla siyang napaharap kay Noel. Baka madulas ito at sabihin na lang ang tungkol kay Jaira. Galit pa sa kaniya si Jessie at ayaw niyang biglain ito. Hindi niya kontrolado ang emosyon nito. Baka makaapekto pa iyon sa anak niya.

Namulsa si Jessie at inilagay ang isang braso sa baywang ni Vanessa habang nakatingin sa kaniya. “Kayo rin. You missed… many things. Right, babe?”

Gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ni Vanessa. “Yes, babe…”

Gusto niyang tumakbo. Gusto niyang ilabas lahat ng kirot sa puso niya. Gusto niyang umiyak hanggang sa maubos ang mga luha niya.

Inasahan niya naman iyong baka nakahanap ng iba si Jessie dahil sa tagal nitong nawala pero masakit pa rin pala. May maliit na parte pa rin naman sa kaniya na sa pagbalik nito, mapatawad siya ng lalaki at maging buo silang pamilya.

Kahit takot siya, susubok na siya. Kahit delikado, tatanggalin niya na ang kandadong nilagay niya sa kaniyang puso. Handa na siya sa bagong yugto ng kaniyang buhay pero huli na yata ang lahat. 

Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Jessie ang tungkol kay Jaira. Mukhang masaya na ito kay Vanessa at ayaw niyang sila ng anak niya ang dahilan ng pagkasira ng dalawa. Kahit masakit sa kaniya, masaya siya para sa binata sa kung anong mayroon ito ngayon.

Hindi niya rin alam kung paano ipaliliwanag sa kaniyang anak ang sitwasyon. Ang ideya ng masayang pamilya para kay Jaira ay ang mga magulang na nagmamahalan. Kasalanan niya iyon. Sinabi niya kasi sa batang mahal niya ang itay nito. Naging totoo lang siya sa anak pero paano niya ipaiintindi sa musmos nitong pag-iisip na hindi na sila puwedeng mabuo kailanman?

Itinuro ni Ryma ang isang pastel dress. “I think your niece will like that dress.”

Agad iyong sinuri ni Vanessa at napangiti. Tiyak na nagustuhan nito iyon. Nang ibigay sa kaniya iyon ay agad niyang inayos sa kahon. Tinulungan siya ni Noel. Tinawanan niya ito at tinaboy dahil mali ang pagtiklop nito sa dress.

“Ob-gyn ka pero simpleng pagtiklop ng damit ng bata, hindi mo alam.”

Tumawa ang binata at tinakluban ang kahon. “Excuse me? Nagpapaanak ako ng buntis. Hindi ako ang nagbibihis sa bata.”

“Babe, let’s go. I have a meeting with my investors,” may kalakasan ang boses na sabi ni Jessie.

“Wait, babe…”

Tumunghay siya sa binata at napalunok siya nang makita ang mukha nito. Kunot na kunot ang noo nito na para bang may mali siyang ginawa. Napayuko tuloy ulit siya. Para na siyang mabibingi sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya?

Bakit ba sa akin siya nakatingin?

Inabot ni Noel kay Vanessa ang kahon na agad naman inagaw ni Jessie. Ang singkit na nga ng mga mata, ang talim pa rin ng tingin. Napairap tuloy siya.

“Thank you.”

Ngumiti si Vanessa at kumawit sa braso ni Jessie. “Thank you.”

Katatalikod pa lang ng dalawa ay agad bumulong sa kaniya si Noel. “Right, babe? Sakit naman. Mas maganda ang babe kaysa pangga.”

Hinampas niya ito nang malakas sa braso habang nakatingin sa customers niyang paalis na. “Lintik ka!”

Malakas na tumawa si Noel pero umirap lang siya. Tumaas ang isang kilay niya nang biglang bumilis ang lakad ni Jessie at halos makaladkad na si Vanessa. Kung hindi lang nakakapit sa braso ang dalaga, malamang ay nadapa na ito. 

Napailing siya. Ayaw magdahan-dahan. Gustong-gustong umalis? Bwisit na bwisit ka ba sa akin, Jise?

Unlock to Love AgainWhere stories live. Discover now