KABANATA 3

95 5 12
                                    

KABANATA 3

“Get a lengthwise and write your names in all capital letters.”

Agad kumuha si Ryma sa loob ng envelope niya ng lengthwise at nagsulat. Kailangan nilang pumunta sa fourth floor kung nasaan ang auditorium dahil doon ang picture taking para sa school I.D. nila. Nag-ayos muna ang ilan niyang kaklase. May gumamit ng liptint, foundation at kung ano-ano pa samantalang siya ay kaunting pulbo at pagsuklay sa kaniyang buhok, ayos na. 

Tanggap niya naman kung anong hitsura siya. Hind siya maganda at alam niya iyon pero hindi naman siya pangit dahil hindi siya naniniwalang may pangit. Hindi lang talaga marunong mag-ayos. Sa kaso niya, hindi na nga siya maganda, hindi pa marunong mag-ayos. Sabi ng lola niya, maganda siya pero diskumpiyado siya. 

Morena siya kaya nga minsan nainggit siya sa mga mapuputi ang balat. Sunog pa nga ang balat niya noon sa isla dahil mahilig siyang lumabas at magtampisaw sa dagat pero sa ilang buwan niya sa Maynila, nawala ang pagkasunog ng balat niya. Gumagamit na rin kasi siya ng lotion na sinama ng papa niya sa package galing abroad. Isa pa, lagi na lang kasi siya sa bahay nalalagi. Hindi gaanong matangos ang ilong niya na namana niya sa kaniyang ina at medyo makapal pa ang pang-ibabang labi niya. Kulot pa ang mahabang buhok niya at sabog ang mga kilay pero sabi ng iba, maganda raw ang mga malalamlam niyang mga mata na parang nagungusap at ang mga pisnging umaangat kapag ngumingiti. Tangkad niya pa nga lang daw, puwede nang panglaban sa ibang mga babae.

Dahil first section, una silang pinaakyat at pinapasok sa auditorium.

“Anong ngiti mo, Angel? Labas ba ang ngipin o hindi?”

“Labas ngipin para genuine.”

Napangiti si Ryma sa tanong na iyon ni Carmen kay Angel. Sabi ng mga ito, kailangang maganda raw sa school I.D. dahil gagamitin daw iyon buong school year. Wala namang kaso kay Ryma noon kung pangit o maganda siya sa picture. Kaya lang, masyado siyang nadala sa mga kaklase niya kaya pati siya ay pinag-isipan ang ngiting gagawin sa picture taking.

Nag-practice ang dalawa ng ngiti kaya nag-practice rin siya. Natawa pa siya dahil pakiramdam niya ay parang sobrang saya niya naman kung sobrang ngiti ang gagawin niya.

“Parang mga gago…”

Nabitin ang nakapaskil na ngiti sa mga labi ni Ryma nang dumaan sa gilid niya si Jessie. Mas nauna kasing kuhanan ang mga lalaki kaya pabalik na ang mga ito sa room. Nakababa na ang lahat ng estudyateng lalaki samantalang nandoon pa rin si Jessie at pinagmasdan ang ginagawa niyang pag-eensayo ng ngiti. Nang hindi matagalan, hinarap niya ito.

“Ano ga na naman?”

Namulsa ang binata at umayos pa ng tayo. “You should not practice your smile. Dapat natural lang.”

“Pakialam mo ga?”

Nagkibit-balikat ito at ngumisi. “Just saying…”

Umusad ang pila kaya nakatungong umabante si Ryma. Nakita niya naman ang pag-atras ng mga paa ni Jessie para matapatan na naman siya. Tumingala siya at hindi niya na naman maiwasang mairita sa kilos na iyon ng lalaki. 

“Bumalik ka nga sa room at ikaw ay lumayas na dine.”

“Gusto ko nga dine.”

Nasapo na lang ni Ryma ang noo. Pati ang paraan ng pagsasalita niya ay ginaya. Kailan ba ito mauubusan ng kakulitan sa katawan?

“Alam mo ’yang ngiting ‘yan…”

Tumingala siya sa lalaki at sumalubong sa kaniya ang seryoso nitong mukha. “Ano?”

Ilang sandali itong tumitig sa kaniya saka umiwas ng tingin. “Nevermind…”

Napairap siya. Dalawang linggo na silang magkaklase pero hindi niya pa rin maunawaan minsan kung bakit lagi na lang itong nakadikit sa kaniya. Minsan, hindi niya maintindihan si Jessie. Naroong may sasabihin pero hindi naman tinutuloy. Parang misteryo ang binatang mahirap hanapan ng kasagutan. Masyadong maraming tinatago ang mga malalalim at puno ng kahulugan nitong mga titig at ngiti. Para bang kilalang-kilala siya nito. 

Unlock to Love AgainWhere stories live. Discover now