KABANATA 40

52 3 0
                                    

KABANATA 40

“Ate, para kay Kuya Jessie ba ’yan?” tanong ni Leah kay Ryma.

Napangiti si Ryma at tumango. Naghanda siya ng lunch para kay Jessie. Bibisitahin niya ito sa site dahil wala naman siyang pasok. Isa pa, third anniversary nila sa araw na iyon. Susurpresahin niya ang binata. Lagi na lang kasi ito ang may surpresa sa kaniya.

Ang bilis ng panahon. Third year na siya sa kolehiyo. Isang taon na lang at makaka-graduate na siya. Tatlong taon na rin ang relasyon nila ni Jessie at sa awa ng Panginoon, nanatili silang matatag. Kung may hindi man sila maunawaan sa isa’t-isa, pinag-uusapan agad nila iyon.

Susurpresahin niya si Jessie dahil noong mga nakaraang buwan pa itong sobrang abala sa trabaho. May tinanggap kasi itong project at lagi nitong sinasabi na chance na raw nito iyon para mapansin ng head engineer ng company na pinapasukan nito. Syempre, bilang mabuting girlfriend ay sinuportahan niya ito. Nagtampo siya dahil hindi na sila madalas magkita pero inalis niya agad iyon sa kaniya dahil hindi iyon mabuti. Kahit ganoon, nagsikap pa rin naman ang binatang makausap siya kahit sa text lang.

“Excuse me po. Si Engineer Zamora po?” tanong niya sa isang trabahador nang makarating siya sa site.

Agad naman nitong tinuro ang direksiyon ni Jessie. Napangiti siya at humingi ng hard hat. Sa tuwing pumupunta siya sa site, lagi na lang siyang napagalitan ng kasintahan. Nakakalimutan niya kasing magsuot ng hard hat. 

Mabuti na lang ay naka-jeans siya at shirt na light pink kaya madaling kumilos. Malapit na siya kay Jessie na abala sa pagmamando ng mga tauhan pero natigilan siya. Lumapit kasi ang isang babaeng kapwa engineer nito. Kilala niya iyon. Si Vanessa iyon at kasama nito sa project.

Umiwas siya ng tingin nang magtawanan ang dalawa. Parang sobrang nakatutuwa ang sinabi ni Vanessa kay Jessie. Parang kinurot ang puso niya. Pilit niya mang iwasang hindi mainggit, naramdaman niya pa rin. Mabuti pa ang dalaga. May oras para rito ang boyfriend niya.

“Miss, tabi!”

Napasinghap si Ryma at agad na tumabi. Nakaharang na pala siya sa daanan. Muntik na tuloy siyang matamaan ng mahahabang bakal.

Nang dumako ang tingin niya kay Jessie, kunot na kunot ang noo nito at palapit na sa kaniya. Napatingala na lang siya nang makalapit ito. Bakas ang iritasyon sa mukha nito.

“What are you doing here?”

Hindi mo ba naalalang anniversary natin?

Hindi siya nagsalita. Unti-unting namahay ang tampo sa kaniya. Mukhang hindi nga nito naalala dahil hindi man lang siya binati.

Marahan nitong hinawakan ang kaniyang braso at iginaya siya sa office nito. Agad siyang pinaupo sa pang-isahang sofa. Nginitian niya na lang ito. Baka sakaling mawala ang tampo niya.

“Dinalhan kita… ng lunch.” Tinanggal niya muna ang hard hat sa ulo.

“Pangga…”

Biglang may kumatok sa labas kaya agad iyong binuksan ni Jessie. Ang nakangiting si Vanessa ang bumungad sa kanila. Hindi niya maiwasang manliit sa sarili. Mestiza at maganda ang dalaga. Imposibleng hindi ito magustuhan ng kaniyang kasintahan.

“Engineer, may urgent meeting tayo. Kailangan tayo ni boss,” imporma nito.

Agad tumingin sa kaniya si Jessie at dinalaan nito ang pang-ibabang labi. “Can you wait for me? I just need to attend… this meeting.”

Agad siyang umiling at mabilis na tumayo. “No! Nagdala lang… ako ng lunch para sa’yo.”

Tumawa si Vanessa. “Oh? Nakapag-lunch na kami ni Engineer Zamora, ’di ba? Ano bang oras na? Alas dos na. Meryenda na lang sana ang dinala mo.”

Unlock to Love AgainWhere stories live. Discover now