KABANATA 15

68 3 0
                                    

KABANATA 15

Hindi pa mataas ang sikat ng araw kaya malilim ang puwesto ni Ryma sa Rotonda Circle. May mga huni ng mga ibon pero natabunan iyon ng ugong ng mga sasakyan. Umiihip ang hangin dahil sa mga punong nakapaligid pero humalo pa rin ang mga usok mula sa mga tambutso.

Nakaupo siya sa isa sa mga bench doon malapit sa isang poste ng ilaw. Wala siyang ibang magawa kaya ang pagbibilang ng umikot na mga sasakyan ang pinagkaabalahan niya. Makalat, maingay at magulo ang Tondo sa karamihan kaya nasiyahan siya sa bahaging iyon. Katunayan pa nga, iyon ang paborito niyang tambayan. Kahit mas marami ang mahirap at walang maayos na tirahan sa siyudad, hindi pa rin naman mawawalan ng magandang katangian. Parang tao lang, sa kabila ng saktong hitsura, may makikita pa ring pinakamaganda.

“Pangga!”

Tumunghay si Ryma nang makita si Jessie na palapit sa kaniya. Umupo ito sa tabi niya at ibinigay sa kaniya ang isang cup na may lamang siomai rice at isang maliit na bote ng softdrink.

“Eat, Ry.” Umupo ito sa tabi niya. Nag-usal muna ito ng panalangin bago kumain.

Pagkatapos ng panalangin, hindi niya pa rin magawang kumain. Nakatitig lang siya sa hawak na cup kaya nang mapansin iyon ni Jessie, agad siya nitong sinubuan ng isang piraso ng siomai. 

Sinamaan niya ito ng tingin.

“What?” Uminom ang binata ng softdrink at dumighay pa.

“Kita mo nang nagmumuni-muni rine tapos ikaw ay may pagsubo pa sa akin ng siomai mong iyan,” litanya niya bago nginuya ang pagkain.

“Feed me para fair for you,” natatawa nitong suhestiyon. “What are you thinking about, anyway?”

“Nagtataka lang…”

Kumunot ang noo nito. “About what?”

Nilingon niya ito at pinagmasdang kumain. Nang magtagpo ang mga mata nila, agad siyang umiling at nagsimulang kumain. “Wala…”

Nakababa ang tingin niya sa pagkain pero ramdam na ramdam niya ang tingin nito. Hindi ito nagsalita. Para bang kontento na lang itong titigan siya.

Hindi kasi maiwasan ni Ryma  ang magtaka. Dalawang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang insidenteng iyon. Bakasyon na pero si Jessie ay araw-araw niya pa rin nakikita. Hindi kasi ito sumama sa bakasyon ng pamilya nito at umuuwi sa bahay ng Lola nito. Hindi naman niya inasahang bibisitahin siya ng binata sa bakasyon pero ganoon ang nangyari. Walang palya itong pumunta sa bahay at lagi siyang kinamusta.

Maraming namulat sa kaniya simula nang pinagtangkaan niya ang sarili niya. Maraming nagbago sa pananaw niya pero kahit ganoon, mas ramdam niya ang pagbabago ng kaibigan niya. Tila nakaapekto rito nang malaki ang nangyari sa kaniya.

Mas lalong dumikit sa kaniya si Jessie. Kahit hindi siya madalas mag-online, nadatnan niya pa rin ang chat nito. Minsan pa ay binabagabag siyang ganoon ang binata kaya pumupuslit siya sa pisonet para lang makapag-reply. Nagsimba na rin sila at ang labis na nagpagulat sa kaniya ay sa bibig nito mismong nanggaling iyon. 

Kilala niya ang kaibigan. Hindi ito madasaling tao at palamura pa nga. Wala sa hitsura ng binata ang mas gugustuhing maglingkod sa Panginoon kaysa ang maglaro ng video games maghapon pero ng mga nakaraang linggo, unti-unti nitong pinasok sa sistema nito ang Diyos. Inakay siya nito at parang umahon siya sa madilim na parte ng buhay niya. May humila man pabalik doon, matatag na ang kapitan para muling bumangon.

“Pangga, today is your sched with Dra. Cruz,” imporma nito sa kaniya.

Napabuntong-hininga siya nang marinig ang pangalan ng psychiatrist na tumingin sa kaniya noong isang araw. “Kailangan pa ga iyon? Hindi pa ga ako magaling?”

Unlock to Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon