KABANATA 21

61 4 4
                                    

KABANATA 21

Mabilis na lumipas ang panahon. Dumaan na naman ang bagong taon. Sumapit na naman ang kaarawan ni Ryma. Sixteen na siya pero hindi niya pa rin alam ang gusto niya sa buhay. Kaunting panahon na lang at tutungtong na siya sa senior high pero hindi pa rin siya makapagpasya.

Kanina pang nakatulala si Ryma sa form na pinasasagutan sa kanila. Nanatili lang sa kandungan niya ang papel. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at tumingala sa madilim na langit mula sa bintana. Alas otso nang gabi at nakaupo lang siya sa malaking barandilya ng bahay nila sa ikalawang palapag. Matibay naman ang bakal ng binatana na pininturahan ng puti kaya ayos lang kahit sumandal siya.

Hindi niya alam. Ilang beses niya mang isipin at tanungin ang sarili niya, hindi niya mahanap ang kasagutan. Grade 10 pa lang naman sila pero mayroon na silang career orientation para pagdating ng senior high, alam na nila kung saan sila dapat strand na mag-enroll. Hindi niya  alam kung anong isasagot niya. May self-assessment namang pinasagutan sa kanila pero hindi niya alam kung kilala niya ba talaga ang sarili niya. 

Kung pagiging praktikal lang ay accountancy ang kaniyang kukunin sa college. Iyon na kasi ang tumatak sa kaniya. Kailangan niya agad makapagpundar ng pera sa pangangailangan ng mga kapatid niya. Isa pa nga sa mga tanong na binigay doon sa self-assesment test ay kung gusto niya ba ng office works. Sinagutan niya na lang na oo kahit hindi pa siya sigurado.

Nawala siya sa malalim na pag-iisip nang may dumapong maliit na bato sa kaniyang papel. Napatalon pa siya nang bahagya mula sa kaniyang inuupuan dahil may bato na naman at sa braso na siya natamaan. Dumungaw siya sa baba at nakita niya si Jessie na nakangisi sa kaniya katabi ang bisikleta nito. 

"Ano ga namang ginagawa mo riyan?" mahinang tanong niya rito.

Ayaw niyang magising ang mama niya mula sa kabilang kuwarto. Maaga kasing natulog ito kasama si Kuya Al dahil sa pagod sa pamamasyal. Siguradong pag-iinitan siya kapag nagising ang mga iyon.

"Bumaba ka," mahinang utos nito.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya para pigilan ang kaniyang pagngiti. Pilit niya mang iwasang magkagusto sa lalaki, para namang mas lalong lumalim ang naramdaman niya dahil sa mga simpleng gawain nito.

Tumalon siya mula sa barandilya at tahimik na bumaba ng hagdan. Naabutan niya sa sala sina Andrius at Adrian na nanonood ng replay ng basketball game.

"Saan ka pupunta, Ate Ryma?" tanong sa kaniya ni Adrian habang nakasalampak sa sofa.

"Nandiyan si Jessie sa harap. Kakausapin ko lang at may... ibibigay lang sa akin."

Hindi niya naman alam kung anong kailangan ni Jessie sa kaniya. Bakit ba siya nagsinungaling sa mga kapatid niya? Wala naman silang gagawing masama sa labas. Kilala naman ng mga ito ang kaibigan niya kaya bakit siya kinakabahan?

Palabas na sana siya nang mahagip niya ang repleksiyon niya sa salamin. Hindi kasi siya makapag-decide kanina sa mga isasagot niya sa form kaya buhok niya ang napagbuntunan niya. Agad niyang tinanggal sa kaniyang palapulsuhan ang ipit at itinali ang kaniyang buhok. Naglagay pa siya ng ilang takas na buhok sa gilid ng kaniyang mukha. Nanunuyo ang mga labi niya kaya agad siyang dumampot ng lip balm. Nasa kalahati na siya ng paglalagay nang biglang sumungaw ang repleksiyon ni Jessie sa salamin sa harap niya mula sa bintana.

"Ah!" Agad niya tinakpan ang bibig niya.

"Gabi na, Ate Ryma. Ikaw ay huwag nang sumigaw diyan. Sino gang pinagagandahan mo?" 

Bigla na lang nag-init ang mukha niya sa pang-aasar ni Andrius. Bakit nga ba siya nag-ayos? Ibinaba niya ang lip balm at dumiretso na siya sa pintuan para lumabas. Sliding window naman ang bintana nila at sarado pero ang kurtina naman ay bukas kaya kung sinilip siya ni Jessie, kitang-kita nito ang ginawa niya.

Unlock to Love AgainWhere stories live. Discover now