KABANATA 9

82 5 9
                                    

KABANATA 9

Paglabas pa lang ni Ryma sa pinto ng kanilang bahay, bumungad na agad sa kaniya si Jessie. Kung dati ay sa kanto lang ito madalas maghintay, ngayon ay sa harap na ng bahay nila. Kilala na ito ng mga kapatid niya nang dumalaw nga ito noong burol ng kaniyang lola.

Ang mama niya naman ay nakaharap na nito. Walang pormal na pagpapakilala kaya sinabi niya na lang na kaibigan niya ang binata. Hindi naman bago sa mama niya ang pagkakaroon ng kaibigang lalaki dahil alam nitong mas malapit siya sa mga pinsan niyang puro lalaki at kay Noel at Rey na kaibigan niya noon sa isla. Isa pa, papa’s girl siya. 

Iyon nga lang, may mga tao talagang hindi makaunawa at madaling manghusga katulad ni Tito Theo na tinawag siyang “pokpok” kahit wala naman siyang ginagawang masama. Sanay na siyang masabihang ganoon pero masakit pa rin kasi hindi naman totoo. Mabuti na nga lang ay umalis na ang lalaking iyon. Medyo nabawasan ang bigat ng naramdaman niya sa araw-araw.

“Good morning, Ry.” Ngumisi si Jessie at bahagyang humakbang palapit sa kaniya.

“Good morning…” 

Napasadahan ni Ryma ng tingin si Jessie. Nailang siya at parang ayaw niya na ulit tumingin sa suot nito. Wala namang malaswa pero iba ang naiisip niya. Nagkataon lang sigurong pomelo pink polo shirt at white pants ang suot nito. Paano ba naman siyang hindi maiilang? Ganoon din ang suot niya. Ang kaibahan lang ay tuck-in ang ginawa niya sa damit niyang v-neck at nagsuot siya ng itim na belt dahil high waist ang white pants niya. Ayaw niya namang magsuot ng dark color dahil morena siya. Pinusod niya nang paikot ang buhok niya at naglagay na lang ng bandanang puti sa ulo para mahagip ang mga baby hair niya. Sigurado kasing mainit sa jeep mamaya.

“Saglit lang, Jise. Magpapalit lang ako ng damit.”

“Huwag na!”

Nanlaki ang mga mata niya sa biglang sigaw nito. Minsan talaga, nabibigla na lang siya sa mga kinikilos ni Jessie. Weird iyon para sa kaniya.

“What I… mean is let’s go. Baka… hinihintay na tayo ng mga kasama natin doon.”

Nagpatianod na lang siya nang hilahin nito. Ayaw niya namang mahuli sa panonoorin nilang stage play. Naglakad lang sila papuntang school. Sa school kasi ang meeting place nila nina Angel at Carmen para sabay-sabay sila sa pag-commute papuntang Sta. Mesa. Dapat ay silang mga babae lang pero gustong sumabay ni Jessie sa kaniya. Kaya si Aaron at David, napasabay din sa kanila. Maayos na rin iyong marami siyang kasabay dahil hindi niya alam kung paano ang pumunta doon.

“Ry, I practiced the piece that you given to me last night. Kapag pumunta ulit tayo sa bahay ni Lola, ipaparinig ko sa’yo.”

“Mabuti naman. Napakaulaga mo, e. May pagsali pa sa music club, wala palang alam na tugtuging instrument.”

Tumawa ito at pinisil ang pisngi niya. Agad niya namang hinampas ang kamay nito. Lagi na lang nitong pinagbuntunan ang mga pisngi niyang umaangat kapag ngumingiti. Ang sakit-sakit na pero walang araw na hindi nito pinipisil.

“Magaling kasi ang mentor ko,” nakangiting puri ng binata sa kaniya.

Napairap na lang si Ryma. Mabuti na lang ay marunong siyang tumugtog ng piano. May grand piano kasi sa mansyon nila noon at tinuruan siya ni Lola Karing kaya may alam siya sa pagtugtog. Iyon ang tinuro niya kay Jessie dahil iyon ang available nitong instrument. Kaysa naman maluma ang grand piano ng mga ito sa bahay, mabuti pang mag-aral ito. Sinabi niya pa sa binatang tuturuan niya itong maggitara kapag marunong na talaga ito sa piyano.

 “Wala naman kayong sinabing may kasama pala tayong couple!” litanya ni Angel at pumagitna sa kanilang dalawa ni Jessie nang dumating sila.

Are na nga ba ga ang sinasabi ko, e. Baka ano pang isipin ng mga are!

Unlock to Love AgainWhere stories live. Discover now