KABANATA 7

78 5 9
                                    

KABANATA 7

Sasali ga ako o hindi?

Kanina pang nakatingin si Ryma sa poster na nakadikit sa bulletin board. Singing contest iyon para sa lahat ng grade level. Kasama sa celebration ng foundation day. Wala naman siyang interes sumali. Nakuha lang ng cash prize ang atensiyon niya. May nag-sponsor kasi para sa contest. Limang libo para sa mananalo, tatlong libo para sa second place at dalawang libo naman para sa third place ang cash prize. Wala namang masama kung susubukan niya.

Sabi ng iba, maganda raw ang boses niya. Hobby niya lang naman ang kumanta at tumugtog pero hindi niya alam kung pang-contest ba talaga ang boses niya. Kahit ganoon, susubukan niya pa rin. Walang mangyayari kung hindi siya susugal. Kahit mahirap i-balance ang oras niya, sasali pa rin siya. Araw-araw kasing may practice ang klase nila para sa festival. Maskara festival ang napunta sa kanila at ang section nila ang representative ng buong Grade 9.  

Pagkarating ni Ryma sa room, bumungad sa kaniya si David at Aaron. “Bakit?”

“Ryma, baka alam mo kung nasaan na si Jessie. Dalawang araw na kasing hindi pumapasok. Ayaw pa namin sabihin sa lolo at lola niya kasi baka makarating sa daddy niya,” nag-aalalang sabi ni Aaron.

“Sa South Caloocan na siya umuuwi ngayon. Nakita namin siya kahapon doon pero hindi namin masabi sa lolo at lola niya na hindi naman pumapasok,” litanya naman ni David.

Napatingin siya sa notebook niya. “South Caloocan? Bakit doon siya umuuwi? Malapit lang ang bahay ng lalaking iyon sa amin, e.”

Umangat ang tingin niya kay David nang bumuntong-hininga ito. “Hindi rin namin alam. Ang alam namin, ayaw niya talagang tumira sa bahay ng mommy at daddy niya kahit malapit sa school… pero nitong mga nakaraang linngo, hindi na siya sa amin sumasabay kaya hindi namin siya mabantayan.”

Sandaling parang may tambol na dumagundong sa kaniyang puso. Wala siyang ibang alam kay Jessie kundi ang mga narinig niya lang mula sa mga kaklase niya at ang sinabi ng binatang anak ito sa labas at ang kapatid nito. Hindi na siya nagtaka kung may hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng kaibigan niya at ng ama nito.

Hindi niya tuloy maiwasang mag-isip sa mga ginawa ni Jessie. Bakit hindi ito umuwi sa bahay ng lolo at lola nito kung ayaw pala nito sa mismong bahay ng mga magulang? Ano kaya ang parating bumubungad sa binata kapag umuuwi?

 “Ryma, pakisabi na lang sa amin kapag kinausap ka,” pakiusap ni Aaron. “Baka kasi bumalik na naman sa bisyo niya.”

Tumango siya. “Sige…”

Alam niya ang bisyong iyon. Napailing siya nang lumarawan sa kaniya ang lalaking may tangan ng sigarilyo sa bibig. Hindi siya sanay. Mas nasanay siya sa mga ngiti nito sa mga labi at mga pang-aasar nito dahil iyon ang bumungad sa kaniya. Iyon ang nadatnan niya.

ANG lakas ng buhos ng ulan. Bahagya pang napayid ang hawak niyang payong ng malakas na ihip ng hangin. Kailangan niya kasing pumunta sa school ng mga kapatid niyang sina Andy at Leah para magbayad ng worksheets ng mga ito. Isa pa, malapit na rin ang exam. Mga bata pa naman ang mga kapatid niya at baka kung saan lang  gastusin kapag binilin niyang ibayad sa guro. 

Alas dos pa lang ng hapon pero makulimlim ang langit dahil sa pag-ulan. Mabuti na lang ay umuwi muna siya para magpalit ng damit. Naka-shirt lang siya ng light yellow at gray jogging pants. Tiniklop niya na lang hanggang tuhod dahil nabasa. Isa pa, ang bilis niyang maglakad kaya ang likod ng mga binti niya ay natalsikan ng putik. Nabasa pa ang dulo ng buhok niyang nakalugay dahil sa ampiyas ng ulan. Mabuti na lang ay inilagay niya ang notes niya sa plastic na nasa loob ng bag niya. Inaya kasi siya nina Angel at Carmen na mag-group study dahil malapit na rin ang exam nila. Mabuti na lang ay pinayagan siya ng mama niya.

Unlock to Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon