KABANATA 35

59 3 0
                                    

KABANATA 35

Nanlaki ang mga mata ni Ryma nang makita si Jessie sa tabi ng waiting shed kung saan siya naghihintay ng bus pauwi. Isang linggo na mula nang pangyayaring iyon sa boutique. Kinuha ng binata ang number niya pero hindi naman ito nag-text o tumawag. 

Hindi naman siya nagkaroon ng hinanakit sa kaibigan dahil baka abala ito sa trabaho. Matatanda na sila at may kaniya-kaniyang priority sa buhay. Hindi niya lang inasahang makikitang muli ang binata.

Isa pa, akala niya ay nagbiro lang ito tungkol sa pangakong binitiwan nito noon pero hindi pala. Hindi niya sana nakita pa ang binata. Wala na sana sa harap niya ang lalaki.

“Anong… ginagawa mo rito?” tanong niya.

Nakasuot ito ng dark red dress shirt kaya tiyak na kagagaling lang nito sa trabaho. Bakit hindi na lang ito dumiretso sa pag-uwi? Bakit kailangan pa siyang puntahan ng binata?

“Aayain sana kitang mag-dinner tapos… ihahatid na kita, Ry.” Tumingin ito sa motor na nasa tabi nito. May dalawang helmet doon. Isang itim at isang kulay puti.

Tumaas ang mga kilay niya. “Bakit? Wala akong pera ngayon, e.”

Mahina itong tumawa. “Ako ang nag-aya kaya sagot ko.”

Napatingin siya sa motor nito. Hindi pa siya nakaangkas kahit kanino. Hindi naman sa takot siyang sumakay. Hindi niya lang maiwasang mag-isip ng mga senaryo. Paano na lang kapag bumilis ang takbo nito at napayakap siya nang hindi sinasadya sa baywang nito? Hindi siya takot na literal na mahulog dahil mas takot siyang sa binata siya muling mahulog.

“Huwag na. I-save mo na lang ang pera mo, Jise.”

Bigla na lang itong napapikit at lumitaw ang mga biloy nito dahil sa malawak na ngiti. “I missed that endearment.”

Napalunok siya sa naging reaksiyon nito. Umiwas tuloy siya ng tingin. May pinukaw na naman ang binata sa damdamin niyang akala niya ay matagal nang natulog. Parang kinalas nito ang anumang taling nilagay niya sa puso niya. Tila tinanggal nito ang kandadong isinara niya sa mga taong gustong magmahal sa kaniya.

Inayos niya ang buhok kahit hindi magulo. Parang may narataranta sa dibdib niya. Malakas ang mga ugong at busina ng mga sasakyan pero tinalo pa ang puso niyang parang nagpa-party.

“Let’s catch up. It’s been six years but it’s still the same. You—”

“Oo na!” Agad siyang lumapit sa motor at kinuha ang helmet na puti.

Ayaw niyang marinig pa ang ibang sasabihin ni Jessie. Hindi niya kayang pakinggan. Wala pa man ay nanahan na sa puso niya ang takot.

Nang maisuot niya ang helmet, agad dumako ang tingin niya sa binata. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kaniya. Napasinghap na lang siya nang ipatong nito sa balikat niya ang jacket nito.

“Wear that,” utos nito bago sumakay sa motor at nagsuot ng helmet.

“Paano ka? Baka malamigan ka.”

“Don’t worry. Hindi ako mamatay sa lamig,” sabi nito sabay kindat.

Masyado siyang nabigla. Itinaas niya ang kamay at marahas na sinarado ang salamin ng helmet ng binata. Napairap siya nang tumawa ito at napailing. Kahit hindi niya makita ang mukha, nairita pa rin siya. Paano ba pigilin ang kilig?

Mabuti na lang ay naka-slacks siya kaya komportable ang pagkasakay niya sa motor. Hindi niya alam kung saan kakapit kaya sa likod na lang siya kumapit. Masyado naman siyang abuso kung kakapit siya rito.

“Tara na!” Tinapik niya ang isa nitong balikat.

“Kumapit ka,” utos nito.

“Nakakapit na ako.”

Unlock to Love AgainWhere stories live. Discover now