KABANATA 38

55 3 0
                                    

KABANATA 38

“Miss Ryma, Miss Jasmine wants you to come in her office,” imporma ng sekretarya ng amo ni Ryma.

Napangiti si Ryma. Kagagaling lang sa bakasyon ng ginang kaya matagal niya itong hindi nakita. Nahihiya siyang aminin pero na-miss niya si Miss Jasmine. Para na rin kasi itong ina sa kaniya.

Pagkapasok niya sa opisina, napangiwi siya nang bumungad sa kaniya si Jaydon. Ang binata ang anak na lalaki ng amo niya. Malapit ito sa kaniya dahil tinutulungan niya itong pagtakpan ang mga kalokohan nito. 

“Ryma!” bulalas ng lalaki at niyakap siya. “I told you. Magpa-ampon ka na kay mama para hindi ka namin nami-miss.”

Natawa na lang si Ryma at kumawala sa yakap. Dumiretso siya sa table ni Miss Jasmine na may ngiti sa mga labi. “How’s your vacation?”

“It’s great! Minsan ay isasama kita.”

Napangiti siya. “You don’t need to do that, Miss Jasmine. Giving me a chance here in your botique is enough for me. Thank you.”

Tumabi sa kaniya si Jaydon at napaling. “Mama, I think she’ll not accept it.”

Tumaas ang mga kilay niya. “What is it?”

“I’ll give you a scholarship so that you can study fashion designing. Your potential will develop once you study. Sayang ka. Nakita ko ang hilig mo sa pagtatahi at pag-design,” ani ginang.

Napalunok siya. Mahilig lang siyang magtahi pero hindi aabot sa puntong mag-aaral siya ng fashion designing. Hindi naman siya fashionista katulad ng kaniyang amo pero gusto niyang makita ang fashion sa ibang tao.

“Hindi po bang… parang matanda na ako para mag-aral pa? Okay na po ako sa trabaho ko, Miss Jasmine.”

Huminga nang malalim ang ginang. “Come on, accept it. You’re just twenty-four. Hindi nasusukat sa edad ang pangarap.”

“Sige po, magpapaalam muna ako sa pamilya ko bago tanggapin ang alok ninyo pong scholarship.”

Napapalakpak ang ginang sa tinuran niya habang si Jaydon naman ay inalog ang mga balikat niya. Tawa tuloy siya nang tawa nang lumabas sa opisina ng ina ng binata. Kinulit kasi siya ng lalaki at inayang mananghalian sa labas.

“Why? Come on, break time naman,” pangungulit ni Jaydon at hinila pa ang braso niya.

“Ano ba? Tigilan mo akong lukaret ka. Tatamaan ka sa akin!”

Tumawa lang si Jaydon. Kung iba ang makakakita sa kanila, iisiping may relasyon sila dahil sa sobrang lapit nila sa isa’t-isa. Guwapo ang binata. Matangkad at maputi rin pero hindi siya nagkagusto sa lalaki kahit kailan. Iba kasi ang gusto nito.

“Come on! May chika ako sa’yo,” natatawang bulong nito sa kaniya.

Napairap siya. Siguradong may kuwento na naman ito tungkol sa boyfriend nito. Bukod sa mama nito at sa kaniya, walang ibang nakaaalam na nagkakagusto rin ito sa mga lalaki. 

Natatawa siya kapag naiisip niyang nanligaw ito sa kaniya ng isang araw pero nang makakita ng natipuhang lalaki, hindi na tumuloy sa kaniya. Hindi siya nainis. Inasar niya pa nga ito at simula noon ay naging magkaibigan na sila.

“Let’s go?” panyayang muli sa kaniya ng binata.

Huminga siya nang malalim. “Sige na nga! Ilibre mo ako!”

“Kailan ka ba nagbayad?” 

Hinampas niya ito sa braso at kinuha ang bag niya. Hindi niya pa nasakbit sa balikat ang bag, umakbay na agad sa kaniya ang kaibigan. Agad niya namang inalis ang braso nito. Palabas na sila ng botique nang makasalubong nila si Jessie.

Unlock to Love AgainWhere stories live. Discover now