KABANATA 19

60 3 0
                                    

KABANATA 19

Kanina pang tahimik si Ryma. Hindi siya makahanap ng sasabihin kay Jessie na kasabay niya sa paglalakad ng mga oras na iyon. Umamin lang ito kanina at hindi niya alam kung paano pakitunguhan ang binata. Nasa Rotonda Circle na sila nang tumikhim ito nang malakas. Napatingin tuloy siya rito.

“Do you want to eat… siomai?”

Kahit umapaw ang kaba sa kaniyang puso, sinubukan niyang maging kaswal sa kaibigan. Hindi nito direktang sinabing gusto siya nito at laking-pasalamat niya nang hindi na ito nagdagdag tungkol doon. Basta na lang itong nag-ayang umuwi at parang walang pag-aming nangyari kanina. Parang walang tampuhang nangyari sa pagitan nilang dalawa.

Tipid siyang ngumiti. “Wala akong pera.”

“Utang na lang tayo tapos… sabay na tayong magbayad kapag may pera ka na.”

Tumawa si Ryma bago tumango. Na-miss niya iyon. Hinanap-hanap niya ang mga kalokohan nito pati na rin ang paglalambing nito. Gusto niya ulit makita ang mga biloy nito at ang noong laging kumukunot kapag may hindi ito nagustuhan.

Gusto niya kung anong mayroon sila ni Jessie at wala siyang balak baguhin iyon. May damdamin man siya ng mas higit pa sa kaibigan para sa binata, kontento na siya sa kalagayan nila nang mga oras na iyon. Ayaw niya nang humigit pa dahil masama ang sobra.

Gaya nang napagkasunduan, umutang silang pareho. Tawa naman siya nang tawa nang sinabi ni Jessie na siomai rice na lang daw para diretso lunch na. Sinamahan pa ng sago’t gulaman.

Pagkatapos nilang kumain, tumambay muna sila sa Rotonda Circle. Mabuti na lang ay wala siyang trabaho kaya may libre siyang oras para sa binata. Hapon nang dumami ang mga tao roon. May mga kumakain, tambay at may practice ng sayaw ang isang grupo.

Abala siya sa panonood sa paligid nang maramdaman niya ang gilid ng ulo ni Jessie sa balikat niya. Hindi siya gumalaw o kahit nagsalita man lang. Ang bilis-bilis ba naman ng tibok ng puso niya at ayaw niyang masira ang sandaling iyon.

Nagpakawala ito ng malalim na hininga. “Huwag na ulit tayong magiging ganoon.”

Napangiti siya. “Ikaw, e. May pag-iwas pa sa akin. Ayaw mo na ga akong kasabay palagi? Ayos lang namang magkaroon ka ng girlfriend… basta ay huwag mo lang naman akong kalimutan. Mabuti sana kung ako’y sinasantabi mo lang pero umiiwas ka. Lumalayo ka.”

“I’m really… sorry. I have no plan getting a girlfriend for myself again.”

Inakbayan niya ito nang tuluyan at ginulo ang buhok nito. “Ayos lang, Jise. Anong hindi mag-girlfriend? Ayos lang iyon pero kung ako ang tatanungin, mag-aral ka muna. Marami ka pang… makikilala. Bata pa tayo, Jise.”

“Ayokong… makakilala ng iba, Ry.” 

Siya naman ang nagpakawala ng malalim na hininga. “Sinungaling. Anong ginawa mo kay Elizabeth? Pinaglaruan mo lang ang damdamin ng tao. Hindi dapat ganoon. Tapos… iyong hinalikan mo siya? Paulit-ulit? Alam kong… marami ka nang naging girlfriend pero sana hindi ka pa lumampas sa linya dahil bata ka pa.”

Napalunok na lang siya nang iyakap ni Jessie ang isang braso nito sa tiyan niya. Mas lalong dumiin ang gilid ng ulo nito sa balikat niya. Alam niya ang kilos na iyon ng binata. Guilty ito sa mga nabanggit niya kaya hindi makapagsalita.

Ilang taon na ba ito? Seventeen? Hindi niya ito kilala noon. Hindi sila sabay lumaki noon. Hindi rin niya naman nilalahat pero mapusok na ang mga kabataan sa panahon ngayon. Ang kuryosidad sa mga bagay na hindi pa puwede ang nagtutulak sa mga ito para gawin ang isang bagay na pagsisihan ng mga ito sa bandang huli.

Unlock to Love AgainWhere stories live. Discover now