KABANATA 32

47 3 0
                                    

KABANATA 32

“Ryma, hindi mo na ba itutuloy ang pag-aaral mo? Ayaw mo nang mag-college?”

Napalingon si Ryma kay Joy na katrabaho niya sa call center. Tapos na ang trabaho nila at sumabay ito sa kaniya dahil hindi raw ito susunduin ng boyfriend nito. Pumasok sila sa mall kung saan palagi siyang tumatambay dahil may bibilhin daw ito.

Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko alam.”

Si Joy ang pinaka-close niya sa lahat ng workmates niya dahil magkalapit lang sila ng edad. Kaya ang ilang detalye sa kaniyang buhay, naikuwento niya na sa dalaga.

“Sayang naman. Ako kasi, mag-enroll na ako sa susunod na semester.”

Napangiti siya. Mabuti pa si Joy. Malinaw ang mga gusto nitong gawin. Buo ang pangarap nito.

“Wala na akong balak mag-college. Marami pa akong kapatid.”

Ano pang saysay kung magpumilit siyang mag-aral ulit kung ang kursong gusto niya ay hinding-hindi niya naman maabot? Magiging mapait at masaklap lamang ang kapalaran. Alam niya na iyon kaya ayaw niya nang ipamukha iyon sa sarili niya.

“Paano na ngayon ang trabaho mo sa call center?” tanong ni Ryma.

“Magre-resign na ako. Kailangan, e. Kaya siguro, ito na ang last na bonding natin. Huwag muna kaya tayong umuwi,” suhestiyon ng dalaga sa kaniya.

“Ha?”

“Yeah, I will treat you. That will serve as my farewell to you.”

Nahihiya siyang ngumisi at umiling. “Huwag na. Hindi naman kailangan.”

Ngumuso ito at kinawit ang kamay sa braso niya. “Come on, Ryma. I won’t accept rejections from you. Let’s go!”

Wala na siyang nagawa nang hilahin siya nito sa kung saan. Nagpatianod na lang siya. 

Napatingin siya sa shop ng Jasmine nang makita ang dress na lagi niyang binabalik-balikan pero hindi niya naman mabili. Kulay pula iyon na formal gown na may slit sa bandang hita. Off-shoulder ang style at parang petals ng rose ang design sa bandang balikat. Siguro ay iyon ang hot design sa buwan na iyon kaya hindi pa natatanggal sa harap. 

Simula nang makita niya iyon, lagi siyang pumupunta sa mall para lang pagmasdan iyon. Inabot siya ng ilang oras at naglayag ang utak niya tungkol sa mga bagay na tungkol sa pag-dedesign ng damit. Kapag pagod siya, parang iyon ang stress reliever niya.

“Do you want that dress?”

Hindi niya namalayang napansin na pala ni Joy ang pagtitig niya sa dress na iyon. Agad siyang umiling. “Hindi…”

Mapanuri itong tumingin sa kaniya kaya mas nilawakan niya ang kaniyang ngiti. Ilang sandali pa ay wala siyang nagawa nang hilahin siya nito sa loob.

“Joy, not here…”

“Why not here? Sige na, libre ko. Mabait ka naman sa akin, susuklian ko lang.”

Alam niyang may pera ito pambili dahil naikuwento nito sa kaniya ang pinagbili nitong lupang iniwan rito ng ama pero ayaw niya namang samantalahin ang kabaitan nito. Gusto niya ang gown pero kontento naman siya sa tingin lang.

“Miss, can you give me that dress? My friend wants to try it.”

Ngumiti ang babaeng nasa harap nila. “Of course, ma’am. Just kindly wait there.” Iminuwestra nito ang isang puting couch kaya agad silang umupo ni Joy.

Hindi niya maitago ang saya niya kahit nahihiya siya. Sa labas pa nga lang ay maganda na, mas lalo na sa loob. Marami pang mas magagandang damit. Kahit hindi siya lalaki, alam niyang ang ganda ng klase ng mga tuxedo at coat na binibenta ng mga ito. Pinagmasdan niya rin ang mga saleslady. Nakasuot ang mga ito ng puting panloob na pinatungan ng gray na blazer at gray na palda na may slit sa likod. Parang mga nagtatrabaho sa bangko ang mga ito. Ang kaibahan nga lang, may naka-pin na bulaklak sa blazer sa kaliwang dibdib. Ang ayos-ayos ng pagka-bun ng buhok at ang mga make-up ng mga ito ay dumagdag sa pagiging presentable sa harap ng customers.

Unlock to Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon