KABANATA 11

71 5 7
                                    

KABANATA 11

Napahikab si Ryma habang paakyat  papuntang third floor nang bigla na lang may bumitin sa kaniyang bag pack. Napahawak siya sa hamba ng hagdan dahil muntik na siyang mawalan ng balanse. Nang nilingon niya kung sino ang may kasalanan ay bigla na lang uminit ang kaniyang ulo. Maaga pa para masira ang araw niya sa mga pang-aasar ni Jessie. May mga pagkakataon kasing nasisira ang mood niya dahil sa kaibigan.

“Bakit mo ga ginawa iyon? Kapag ako’y nawalan ng balanse, patay ka sa akin! Kainaman na are.” Umayos si Ryma ng tayo at nagpatuloy sa pag-akyat. Nairita siya sa nakalolokong ngisi ng binata.

Naging maayos naman noong mga nakaraang araw. Naging second place siya sa singing contest at nanalo naman sa dance festival ang grade 9. Balik klase na naman kaya nagpuyat siya para aralin ang mga lesson. Kailangan niya kasing i-refresh sa utak niya dahil malapit na naman ang examination.

“Narinig ko na naman ’yang ga thing na ’yan. Gustong-gusto mo talagang maging pangga ko, ano?”

Binilisan niya na lang ang pag-akyat ng hagdan. Hindi yata makompleto ang araw ni Jessie kapag hindi siya nabwisit. Kapag naiinis siya, iniiwan niya ito. Minsan ay hindi siya sumasakay sa bisikleta nito. Hindi niya pa maiwasang uminit ang ulo lalo na at dinatnan lang siya kaninang umaga.

“Iniwan mo na naman ako, Ry.”

Napairap na lang siya.

Pagkapasok niya sa room, agad siyang pumunta sa upuan niya. Napairap na naman siya nang umupo ang binata sa tabi niya gayong sa likuran naman ang upuan nito.

“Bakit ka ga sunod nang sunod sa akin? Umalis ka na dine at ako’y naiiyamot na!”

Sa halip na umalis ay mas lalo pa itong sumandal. Hiniling niya na lang ng mga oras na iyon na sana ay dumating na si Pamela na katabi niya para wala ng Jessie ang mang-istorbo sa kaniya. Maaga pa kasi kaya wala pa ang iba nilang kaklase.

“Mamaya na. Baka ma-miss mo ako.”

Kahit naiinis, hindi niya maiwasang tumawa sa mga banat nitong ganoon. Kinurot niya ito sa braso. “Sige na, I miss you na. Bumalik ka na sa upuan mo.”

Umismid si Jessie at bigla na lang pinisil ang pisngi niya. “Ang cute mo talagang mainis…”

Hinampas niya ang lalaki nang paulit-ulit kaya wala itong nagawa kundi ang tumayo at bumalik sa upuan nito habang tumatawa. Ilang sandali pa ay mabilis na napuno ang silid. Naging maayos naman ang sunod-sunod na klase pero nang dumating na ang suject na math ay hindi siya makahabol dahil habang nagtuturo ang teacher ay kailangan nilang magsulat ng notes. Binubura kasi agad iyon.

“Umalis ka nga dine!” asik niya kay Jessie. Nasa tabi niya na naman ang binata at kung kailan siya seryosong nakikinig saka naman nangungulit. Naroong lalaruin ang dulo ng kulot niyang buhok, sasagiin ang kaniyang braso at kumakanta nang mahina sa tapat ng tainga niya habang nakikinig siya. 

Nasabunutan niya na lang ang kaibigan nang hindi niya naabutan ang lesson sa board. “Ang kulit!”

Maiiyak na siya sa sobrang inis. Napasubsob na lang siya sa armchair at hindi na nakinig sa techear. Mahirap na nga ang lesson, makulit pa ang nasa tabi niya. 

Ilang sandali pa ay umalis na ang guro. Hindi siya lumingon sa katabi niyang si Jessie na biglang tumahimik. Itinago niya ang notebook niya sa bag. P.E. class ang sunod kaya kailangang bumaba. Tatayo na sana siya pero napaupo ulit siya nang hawakan ng binata ang braso niya.

Marahas na nilingon ni Ryma si Jessie. Seryoso lang ang mukha nito. Wala na ang mapaglarong ngisi sa mga labi. Ipinatong ng binata ang isang notebook sa lamesa niya at may sticky note sa harap.

Unlock to Love AgainWhere stories live. Discover now