KABANATA 23

74 3 2
                                    

KABANATA 23

“Maghiwalay na tayo, Jise. Ano ga naman are?” Nairita na si Ryma.

May uupo na sa tabi niya pero ayaw pa rin umalis ni Jessie. Magkaiba kasi sila ng table dahil magkaiba ang section nila. Magka-partner man sila sa sayaw, magkaiba pa rin sila ng upuan.

“Dito na lang ako. We’re partners,” dahilan nito.

“Pero hindi tayo magkaklase.”

Nakahinga siya nang maluwag nang umalis na ang binata. Kanina pa silang tinukso ng mga kaklase niya. Kapag may nagtatanong sa namamagitan sa kanila ng lalaki, lagi niyang sinasabing magkaibigan lamang sila pero walang maniwala. Masyado raw clingy si Jessie para maging kaibigan lang.

Simula nang pag-aming iyon noon, hindi na muling nabuksan ang usaping iyon. Hindi man napag-usapan, marami namang nagbago sa binata. Napagkakamalan tuloy silang may relasyon.

“Kulit talaga ’nong si Jessie. Hindi na nga natin kaklase, lagi pa rin pakalat-kalat,” pahayag ni Pamela na nasa tabi niya na.

“Paano ba naman? Nasa section pa natin si Ryma. Kapag nakikita ngang kasama si Robin, namumula sa inis,” tukso naman ni David.

Napairap siya. Tiyak na mapipikon si Jessie kapag narinig iyon mula kay David. Matatapos na ang school year, inis pa rin ang kaibigan niya sa kahit anong bagay patungkol kay Robin.

“Wala akong kinalaman diyan. Tigilan ninyo na ako. Baka lumpo na akong maka-martsa sa moving up,” natatawang ani Robin.

Natigil ang tawanan nang matanaw ng lahat si Jessie papunta sa gawi niya habang dala ang isang monoblock chair. Tinaasan niya ito ng isang kilay pero ngumisi lang ito. Muntik pang mahulog si Pamela sa upuan nang pilit nitong isiningit ang dalang upuan.

“Jessie! Baliw ka!” sigaw ni Pamela. Kung hindi lang inalalayan ni Carmen, malamang ay nahulog na ito.

Walang pakialam si Jessie kay Pamela at tumingin lang kay Ryma. “Huwag mo na akong itataboy. Kumuha na ako ng upuan.”

Hinampas niya ito. “Kumuha ka nga ng upuan, nang-agaw ka naman ng space dine.”

Hindi nito pinansin ang sinabi niya at tumingin na lang sa paligid habang hinahaplos ang buhok niya na nakalugay sa kaniyang likod. Napairap ulit siya. Kahit anong pilit, sadya talaga itong napakakulit.

Pinagmasdan niya na lang din ang paligid. Sa auditorium ginanap ang event dahil may kalakihan naman ang buong silid. Nagkalat ang mga itim at gold na lobo sa paligid. Iba’t-iba rin ang mga kulay ng ilaw na mabagal lang ang ikot at nakadagdag pa ang malumanay na kantang pinatutugtog ng mga oras na iyon. Sa ministage, naka-display naman ang mga award. Natanaw niya rin ang isang pahabang lamesang may nakahandang pagkain. 

Maganda ang event para sa school nila pero sabagay, mahal ang binayad nila roon. Nag-request kasi ang ibang estudyanteng gandahan ang event kahit mahal ang singilin. Imbes na sa court ganapin, auditorium na lang ang ginamit.

Ilang sandali pa ay nag-start na ang program. Dumaan ang kaba sa kaniya nang i-anunsiyo ang mga kasali sa cottilion. Tatayo na sana siya pero nilahad na agad ni Jessie ang palad nito.

“Let’s go,” nakangiting anito sa kaniya.

Huminga siya nang malalim bago ngumiti. Tinanggap niya iyon. “Jise, kinakabahan ako. Baka ako’y magkamali, e.”

“Don’t worry. Ako ang partner mo. Hindi kita ipapahamak.”

Nanlamig ang tiyan niya sa sinabi ng binata. Kaunting salita lang nito, iba na ang epekto sa kaniya. Lalo na nang pumunta sila sa dance floor. Hinawakan nito ang isa niyang kamay at inilagay ang isa pang kamay nito sa baywang niya.

Unlock to Love AgainWhere stories live. Discover now